"Dito muna tayo," sabi ko.
If I can stay here forever, I would. Ayaw ko munang umalis rito.
Umupo kami sa isang malaking bato habang ang paa namin ay halos mabasa ng tubig dagat dahil sa malakas na hampas ng alon.
"Alam mo ba, si Dad ang unang nag dala sa akin rito," kwento ni Lukas. "Isinama nya ako nung inuumpisahan pa lang itong supposed to be resort."
Kaya pala kabisado nya rito.
"Really? Open na 'to for public nung ginagawa pa lang?"
Bahagyang napa ngiti si Lukas sasinabi ko.
"Dad was the head engineer of this place. I remember him being so excited about this project. Sabi nya'y it was about time na madagdagan ng bagong resort rito to attract visitors both locals and tourist. Kaso nga lang, things happened."
"Talaga?"
"Yep. He was a bit regretful and maybe disappointed na rin with how the things turned out. He had such a great vision for this place eh."
"Right, sayang. This could outsold the hilltop resort in Cebu, you know. Imagine how many tourists would want to stand at the edge and feel the thrill just like we did."
"I think not. I believe na hindi sayang itong lugar na 'to. It may be not on it's most majestic form but it is still beautiful. It's like this place is telling us that being complete doesn't equate to being more beautiful. Because you see, kahit abandoned na itong lugar na 'to dinadayo pa rin. As the time goes by, the unfinished form of this place created it's own magic and that makes people think that it's not unfinished. And if people knew, it just shows na there are people who appreciate things that are now abandoned. Did you ever think na abandoned itong lugar the first time you stepped here?" tanong nya.
Nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Lukas pero agad rin naman akong tumango bilang pag sagot.
"'Diba? Saka kahit naman hindi natuloy ang pag buo nitong resort, we still stood near the edge and felt the thrill and freedom. Near the edge lang tayo kasi matatakutin ka," dagdag ni Lukas na nagawa pang magbiro sa huli.
Ilang segundo akong na speechless sa sinabi ni Lukas. I really admire how he view things in different light. Tuwing mag se-seryoso sya't ibubuka nya ang bibig nya to speak about something, ang dami kong na re- realize at natututunan. I feel like I should always take note when he speaks.
"But if given a chance, would you have this continued or leave things as it is?"
Napalabi si Lukas habang nakatingin sa malayo. My question obviously got him thinking.
"I want this to remain things just how it is. I don't know. Seeing a barely finished walls looks more attractive to me than a fully built resort," sagot nya.
Isinandal ko and ulo ko sa balikat nya. Naaamoy ko ang pinaghalong perfume nya that smells like a sweet musky scent and sea salt saka ang amoy ng dagat.
"I want to build a house here," sabi ko. Gumalaw ang ulo ni Lukas upang tingnan ako. Hindi ko nga lang makita ang reaksyon nya dahil nananatiling nasa malawak na dagat ang tingin ko.
"Do you want to build a house here?" pag u-ulit nya.
"Hmm... when I retire when I'm old. I want to stay in a peaceful place like this. Yung wala akong ibang makikita except from the ocean and mountains. Kung sa ganitong lugar ako babawian ng buhay, wala siguro akong magiging regrets."
"Really?" gulat na tanong nya.
"Why? Di ka makapaniwala?"
"Hindi naman. Nagulat lang ako na you'd prefer to live in a province when you're old. I thought you'd want to stay to a place na convenient for you. Yung malapit ang access mo sa lahat. Sa malls, sa hospital, sa groceries..."
"Oo rin naman. That's the ideal, actually. It would also be better if may access tayong malpit sa mga ganoon. You know, for emergencies and stuffs. Kaso lang aaninhin naman natin ang malls at groceries if we're at the age when we can even barely walk?"
"So you'd rather live here?"
Tumango ako. "Isn't it better for us to spend our remaining moments in life in a very peaceful place?"
"Us?" mahinang bulong nya pero dahil ang lapit ko sa kanya, narinig ko iyon.
"Oo. 'us'. Why? Ay, ayaw mo bang mamahinga sa ganito katahimik na lugar? Do you wanna live elsewhere?" Umayos ako ng pagkakaupo saka tumingin ng maayos sa kanya. Bahagyang naka angat ang sulok ng labi ni Lukas.
"Hindi. Gusto ko rito," agap na sagot nya. "What kind of house do you wanna build here? Do you want it by the beach o up on the cliff?"
Sa totoo lang, hindi ko pa naiisip ang bagay na 'yun. Basta gusto ko lang ng bahay sa ganitong lugar but now that we've touched the topic, napaisip na rin ako.
"Hmm... I want it up there. I don't want a house that's huge like a mansion. I'd be too old to clean that up by myself. Gusto ko ng bahay na sakto lang to home my family. Sakto ang laki and I want it to be super sturdy and the foundation to be strong to withhold any calamities that might come."
"Okay, noted."
Kumunot ang noo ko. "Noted ang ano?"
"I'll design the house for you."
Ngumiti ako sa kanya. "Really? Wow. My dream retirement home will be designed by Architect Padua. It's my honor, Architect."
"Kaso may bayad."
Tumaas ang kilay ko. "May bayad?"
"Yes."
"Anong kapalit?"
"A lifetime with me."
TUMAAS na ang hampas ng alon sa baba at nababasa na kami ni Lukas kaya't muli kaming umakyat ni Lukas sa taas. Mainit sa taas pero may masisilungan namang puno kung nasaan kami ngayon naka silong saka mahangin.
Naka sandal ako sa puno habang naka upo sa d**o ng naka stretch ang binti habang si Lukas ay nakahihga roon. Gamit ang kamay ko takip takip ko ang mga mata nya dahil medyo masilaw.
Sana ganito ka peaceful palagi.
Naalimpungatan si Lukas sa idlip nya nang mag ring ng malakas ang phone ko. Tumatawag si Papa.
Masama ang pakiramdam ko sa tawag na iyon. Hindi naman kasi tumatawag si Papa sa akin. Madalas si Mama ang tumatawag.
"Pa," tawag ko nang pindutin ko ang answer button.
"Helena, can you go home? Tapos ikuha mo si Mama ng mga damit nya?"
Kinabahan ako ng sobrang malala sa sinabing iyon ni Papa. Bakit naman magpapakuha sya ng damit ni Mama eh nasa bahay lang naman sila?
"P- pa, may nangyari po ba? Ano pong nangyari?" Tanong ko habang nangangatal na sa sobrang kaba.
Napa tayo naman si Lukas sa binti ko mula sa pagkaka higa nang marinig nya na may mali sa boses ko. Ang mgannoo nya'y naka kunot na at bakas sa mukha nya ang pag aalala.
Lukas mouthed 'Anong nangyari?' pero umiling ako dahil hindi ko pa alam. Hindi pa nakakapag salita si Papa sa kabilang linya.
"Pa?" tawag ko muli sa kanya. "Nasaan po kayo? Si Mama?"
Bumuntong hininga si Papa. "Nasa hospital kami, 'nak. Nadulas si Mama sa CR kanina. Don't worry dahil it's nothing serious sabi ng doktor."
Hindi na ako nakapag salita dahil tuloy tuloy na ang agos ng luha ko. Kahit sinabi ni Papa na hindi seryoso, nasa hospital pa rin si Mama. Hindi ko masasabing hindi iyon seryoso. Nag aalala ako kung anong nangyari sa kanya.
"Haya, I'll talk to tito," kinuha ni Lukas ang phone ko na nasa tainga ko pa saka nilipat sa kanya. "Tito, si Lukas po ito... Opo... Kumusta po si Tita?... Okay po... I'll be with Haya... Sa INGH po ba?... Okay po."
Inalo- alo ako ni Lukas hanggang sa kumalma ako sa pag iyak. Naka sandal lang ako sa dibdib nya hanggang sa maging malinaw na ulit ang paningin ko't hindi na natatabunan ng mga luha.
Natatakot pa rin ako sa nangyari kay Mama. Sana ay talagang ayos lang si Mama.
Buti na lang kasama ko si Lukas. Kung ako lang ito ay baka kanina pa ako nag lumpasay at hindi na alam ang gagawin. Lukas remained calm despite of me and my emotions going out of hand.
"Can you still walk hanggang sa makarating tayo sa motor?" tanong nya habang iniipit sa likod ng tainga ko ang buhok na nagsisi laylayan sa mukha ko na nabasa na rin ng luha.
Tumango ako. Agad nya akong inalalayan at tinulungan sa pag tayo pati hanggang sa makarating kami sa motor.
"Dadaan muna tayo sa bahay nyo para kuhanan ng damit si Tita and then we'll head straight to the hospital, " aniya.
I nodded to acknowledge what he said.
Mabilis ang pagpapatakbo ng motor ni Lukas pero hindi reckless. Humahampas ang hangin sa mukha ko pero wala akong pakialam dahil mas importante sa akin na maka rating agad sa bahay at maka kuha na ng damit ni Mama para maka diretso na kami sa hospital.
Pagkarating namin sa bahay, agad agad kaming sinalubong ng nag aalalang si Manang Belen. Wala sya kanina dahil off nya pero ngayon ay narito na sya.
"Haya, kumusta na si Madam? Nabalitaan ko kay Maam Rosa na sinugod raw si Madam sa hospital?" nagmamadaling sabi nya.
"Papunta pa lang po kami, Manang. Kukuha po muna ako ng gamit ni Mama."
Manang nodded and urges me to go upstairs. "Sige na, kuhanin mo na ang mga damit ni Mama mo. Kuhanan mo rin ng ilang piraso ang Papa mo. Ako na ang bahala sa ibang mga kakailanganin nya."
Tumango ako saka sinenyasan si Lukas na samahan ako sa taas.
"Pack Tito and Tita's clothes, Haya. I'll stay here. I'm gonna make a call, " sabi ni Lukas na naka tayo lang sa may pintuan.
Walang alinlangan akong pumasok sa kwarto nila Mama. Kitang kita pa sa kwarto ang bakasng mga nangyari at ng pagmamadali. Binuksan ko yung C.R. nila at namataan ko ang ilang patak ng dugo sa floor.
Namamasa na naman ang mga mata ko but I have to hold it in. Kailangan ko ng mamadali para mapuntahan ko na agad sila.
Pagkatapos kong buhusan ng tubig iyung floor dumiretso na ako sa cabinet para kuhanan ng gamit sila Mama't Papa.
"Hello Ma," dinig kong sabi ni Lukas sa labas. "Are you still on duty?... No, hindi po ako. Yung Mama ni Haya... Opo, dyan sa INGH... Thanks, Ma."
Sinasarado ko na lang ang bag na may laman ng gamit ni Mama nang kumatok si Lukas sa pinto na naka bukas saka dumungaw sa pintuan.
"Are you done?" tanong nya.
Tumango ako saka binuhat na palabas yung bag na dadalhin. Inabot rin naman ni Lukas ang bag at sya na ang bitbit.
"It's lunch time. Gusto mo bang mag lunch muna tayo bago dumiretso sa hospital?" tanong nya.
Umiling ako. "Puntahan muna natin si Mama, please?"
Lukas nodded. "Okay."
"Nandito na yung mga palagay ko na kakailanganin ni Madam sa hospital, " ani ni Manang saka inabot ang isang malaking bag na gawa sa sako. Binuksan ko ang loob at may mga thermos, cup at mga bagay na magagamit rin ni Mama.
"Salamat po, Manang Belen. Kayo po muna bahala rito sa bahay ha? Mauna po muna kami sa hospital."
"Oo, oo, ako na ang bahala rito. Sige na lumakad na kayo. Lukas, ingat sa pag maneho, " bilin ni Manang.
Pag dating sa hospital, agad akong tumungo sa nurse's station para mag tanong kung saan ang room ni Mama.
Room 503.
Agad kong binuksan ang pinto. Una kong namataan si Papa na naka upo sa sofa. Si Mama nasa kama na mukhang masayang nakikipag kwentuhan kay Tita Emma na naka upo sa tabi nya at tanging dextrose lang ang naka kabit sa kamay nya.
Muling bumalik ang luha ko. Binitawan ko ang dala dala kong bag saka dali- daling sinugod si Mama ng yakap.
"Oh, bakit ka iiyak? Ayos lang ako 'nak," pag a- alo ni Mama.
"Were you badly hurt Ma? Kumusta po yung pakiramdam mo? May masakit po ba sa 'yo?"
Mama caressed my shoulder. "Ayos lang ako. Nadulas lang ako kanina pero sabi ng Doktor wala naman raw bali sa buto ko sa initial findings nila. I just have to stay here for a few days for observation. "
Tumango ako. Buti naman at walang fracture. Nakahinga na ako ng maluwag knowing na walang masamang nangyari kay Mama sa pagka dulas nya at kailangan lang nya ng pahinga.
"Thank goodness."
"Lukas," Mama said acknowledging his presence.
"Dito ka sa tabi ko Lukas," tawag ni Papa sakanya saka tinapik ang bakanteng upuan sa tabi nya na agad namang inupuan ni Lukas.
"Kumusta po, Tita?" bati ni Lukas na ipinatong ang bag na nabitawan ko kanina sa katabi nyang lamesa.
"I'm fine hijo. Don't worry about me. Sayang at mukhang hindi matutuloy ang dinner at movie night natin mamaya."
Kumunot ang noo ni Lukas. "Po?"
Tumingin sya sa akin ng kunot noo.
"Mama told me to invite you sa dinner at movie night supposedly mamaya," inporma ko sa kanya.
"Hindi bale, ituloy natin next time when I get out of here," ani Mama.
Namilog ang mukha ni Lukas. "Of course po, Tita. I would love to join you. Magpagaling po kayo para matikman ko na yung famous Mac and Cheese mo na laging kinu-kwento ni Haya," biro nya.
Natawa naman sila Mama sa kanya. "I should get better soon," sabi ni Mama.
Napunta ang atensyon namin sa kumatok sa pinto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bedside ni Mama saka binuksan ang pinto. Isang doktora ang nakangiting bumungad sa akin.
I returned the smile saka tuluyan syang pinag buksan ng pinto. "Pasok po kayo, doktora."
The doctor entered the room at napunta lahat ng atensyon namin sa kanya.
"Mom," tawag ni Lukas sa doktora.
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Lukas. The doctor, whom Lukas called his Mom, is wearing a white coat with a floral dress underneath. Nakatali rin ng ponytail ang kanyang chesnut brown mid length hair. Lukas' mother looks so young. Probably in her early fourties. She must've birthed Lukas young dahil hindi halatang mag ina sila.
"Oh my, you're Lukas' Mom?" gulat na tanong ni Mama. Napatayo tuloy sina Papa at si Tita Emma sa pagkaka upo.
Nakangiting tumango ang Mama ni Lukas. "Nice to meet you! Eleazar Padua ho, Mommy ni Lukas."
Doctora Eleazar extended her arms to Mama't Papa at kay Tita Emma. Doctora shifted to my direction then she walked towards me with her arms wide open na sya ring bumalot sa akin. "Nice to finally meet you, Haya. I've heard so much things about you."
Lukas' mom radiates a happy and light energy just like Lukas. She didn't have this vibe na dapat akong kabahan sa kanya. I should face his Mom with the same courage when he faced mine.
Lumingon ako kay Lukas na nakangiti na sa eksena ngayon bago tinuunan ng pansin ang Mommy nya. "Nice to meet you po, Doctora. I hope you heard good things po."
"Oo naman! My son here is all over you. And, Just Tita El, Haya," sabi nya saka bumaling si Tita El sa parents ko.
"It's kind of embarassing na sa ganitong sitwasyon pa tayo unang nagkita- kita," ani Mama.
Natawa si Tita saka umiling. "Actually, hindi ko din ine- expect na this is the day na malalagyan ko na ng mukha sa utak ko si Haya dahil panay ang kwento ni Lukas sa bahay about her. Eh tumawag kanina, asking me to check on you," sabi ni Tita El kay Mama.
Nahihiyang nilingon ni Mama si Lukas. "Naku, hindi mo na dapat inabala si Mommy mo. Nakaka hiya."
"It's okay, I finally get to meet everyone," ani Tita El.
"We should sit over dinner with both of families soon!" excited na sabi ni Mama pero bigla syang natigilan. "Or is it too soon?"
Shocked from how the situation is going, nagkatinginan kami ni Lukas. We're both uttterly speechless sa magulang naming nag pa- plano ng mag hang out soon.
Hindi ko alam kung kanino ba naka direkta ang tanong ni Mama. Sa amin ba o kay Tita. Kasi kung sa amin, tingin ko Oo. It's too soon. Ni hindi pa nga kami official ni Lukas!
"Of course, we'd love to join you over dinner," nakangiting pag sang ayon ni Tita saka sumulyap sa amin ni Lukas.
"Ah, the other reason why I'm here is I already reffered you to a doctor na friend ko. He's in Orthopedics so he can look over your condition thoroughly," dagdag ni Tita. "I'm a Pedia so I really can't check you up."
Iwinagayway ni Mama ang kanyang mga kamay. "Naku! Salamat, El. Nakakahiya naman na may utang na loob na agad kami sa iyo, kaka meet pa lang natin."
Umiling si Tita. "Naku, wala 'yun! I'm willing to help."
Tumunog ang phone sa bulsa ni Tita. She excused herself saka sinagot ang tawag.
"Kailangan mo nang bumalik?" tanong ni Mama.
Bakas ang panghihinayang sa mukha, tumango si Tita El. "It's time for me to do rounds sa ward. Pasensya na, mauuna na muna ako," paalam ni Tita saka nilingon kami isa isa.
Mama nodded with eagerness. "Of course, of course. We can't keep you long. Thank you, El."
Lumakad pa lapit si Lukas sa Mommy nya saka tumabi. The more I look at both of them, wala akong makitang kahit anong resemblance nila. Mana siguro sa Daddy nya si Lukas.
"No problem. Mauuna na ako," kumaway si Tita sa amin bago binalingan si Lukas.
"Saan ka?"
"I'll see you off," sagot ni Lukas.
"Hindi na, Luke. You stay here."
Nakalabas na si Tita El pero hindi pa rin mawala wala yung ngiti ni Mama.
"Your mother is so beautiful Lukas," ani Mama.
"She is po."
Saglit na lumabas kami ni Lukas para mag late lunch. Napagsabihan pa kami ni Mama na bakit raw kami nag s-skip ng pagkain eh sila nga kumain na.
Kahit naman kumain muna kami kanina baka hindi rin ako maka kain ng maayos without making sure her condition. Malamang pakiramdam ko nya'y para lang akong kumakain ng bato.
Nakaupo ako sa upuan sa tapat ni Lukas pagkatapos kong mag order ng lumch namin. Nasa isang fastfood restaurant na pinaka malapit sa hospital. Ayaw ko na rin lumayo at maghanap pa ng ibang kakainan. This will do.
I looked at Lukas na abala na sa pag hain ng pagkain sa harap ko. Sakto namang umangat ang tingin nya sa akin at saka ngumiti.
"Kain na tayo."
Lukas is being extra careful with me today kahit na ganoon na talaga sya in normal days. Sinabi ko naman sa kanya na ayos na ako at hindi na dapat pa syang nag a-alala but he just won't listen.
Daig ko pa si Mama na na- hospital sa pagka attentive ni Lukas sa akin.
I am so lucky to be with Lukas.
Nang matapos kaming kumain, we spent the remaining visiting hours sa kwarto ni Mama. Giliw na giliw naman sila kay Lukas as the usual.
Aakalain mo ring si Lukas ang anak eh.
Mag a- alas singko ng hapon nang mag desisyon kaming uuwi na. Si Tita Emma'y kanina pa naka uwi.
"Will you visit Tita again tomorrow?" tanong nya nang ibaba nya ako sa gate ng bahay.
"Yup. Babalik ako para palitan si Papa sa pagbabantay."
"Do you want me to accompany you?"
"Hindi na, Lukas. I'll be fine."
Ayaw ko rin naman ng abalahin ang araw nya bukas. Saka wala naman ng ibang dapat asikasuhin kay Mama dahil literal na nagpapahinga lang sya sahospital habang patuloy na inoobserbahan.
Kanina nga'y nag rereklamo na. Gusto na raw nyang umuwi at sa bahay magpahina but Papa never listened to her reklamos.
Tumango sya. "Okay. Text me updates, okay?" aniya habang nilalaagay ang susi sa motor nya.
Tumango ako. "I will. Thank you again for today, Lukas."
Lukas crossed our distance saka binigyan ako ng isang mahigpit at mainit na yakap.
Muli, naramdaman kong hindi ako nagiisa.