"Ayoko na! Ayoko na talaga!" sukong suko na reklamo ni Penny. Naka yuko na sya sa lamesa ng upuan nya. "Isang araw pa, Pen. Kaya mo yan!" cheer ko sa kanya. Inikot ko ang paningin ko at hindi lang si Penny ang mukhang worn out ngayon. Lahat kami pa- himlay na sa totoo lang. Parang araw araw na yatang intense na nag fu- function ang utak namin na ngayong pa dulo na, parang pa overuse na rin. Kumbaga pigang piga na't latak na lang ang lumalabas. "Hindi na yata ako aabuting hanggang bukas, Haya. Parang malalagutan na ako ng hininga ngayon pa lang." "Kaya mo 'yan. Isang araw na lang tapos pwede na tayong mag happy happy ulit. Gusto mo bang gumala tayo after?" tanong ko sa kanya. "Bakit? Asan si Lukas? Bakit hindi kayo yung gumala?" aniya. "Just say na ayaw mo akong maka sama and go," kun

