Chapter 15

4006 Words
Hell week is coming. Finals of the first semester is coming and we're all on the edge. Lahat ay naghahabol ng requirementsat busy mag review for the exams. Punuan na rin ang library and you won't see a single person na hindi mukhang stressed. Maliban kay Penny. Si Penny lang ang taong nakikita ko na hindi nagpapaka subsob sa pag re- review. Stock knowledge lang raw ang kailangan. Hindi naman daw kasi nya kailangan ng mataas na grade, pumasa lang raw sya ay good na sya. Me, on the otherhand, can't be like that. I have to do well with my grades. I can't afford na mag chill because I have to make sure that I'm gonna get the grades that I have to achieve. Hindi naman kasi ako sobrang talino. So I have to make up for that by working hard. Minsan nginingiwaian na lang ako ni Penny. Masyado daw akong GC. In short for grade conscious. Well, I have to be. Because KSW Global won't accept me if I present them with just average grades. I have my goals. "Still firm on your decision?" tanong ni Cami nang magkausap kami sa phone. Ibinalita sa akin ni Cami na her parents are also encouraging her to do OJT at KSWG. That's actually good kung parehas kaming matatanggap. "Oo nga, Cami. Hinding hindi magbabago yung goal na 'yun." "Why? You don't really like it there? Parang enjoy na enjoy ka naman sa mga IG stories at posts mo?" tanong nya. "I like it here. But life goal ko na maka pasok roon. Besides, payag naman na sina Mama't Papa." "If that's the case then, see you soon?" "Yup. I'll see you soon." I'll make sure that I will see her soon. "Ah! One more thing," pahabol nya. "Ano yun?" tanong ko. "Robin's really bugging me about you. Hindi mo raw sinasagot ang tawag, chats at texts nya. I told him to stop bugging you. Minumura ko na't lahat lahat pero hindi raw sya titigil." Sumakit lalo ang ulo ko sa sinabing iyon ni Camila. I totally forgot about Robin. Pag pumapasok kasi ang mga tawag at texts nya, para bang naka default na sa akin na to never answer and ignore without much thinking and I've been so busy with my life here at wala na akong time harapin pa sya. More of, like, ayaw kong harapin sya. "I have talked to him once. Months ago. I told him na I don't want to hear anything from him." "Bes, he's still so hung up with you. Why don't you stop ignoring him and knack some sense out of his head nang matauhan. Yung pang malakasan para matigil na?" I closed my eyes and sighed."Just... let him be. Titigil rin yun." I heared Cami sighed heavily on the other line. "That's what you did for the past months now. Tumigil ba? Hindi diba?" She's right. Hindi tumigil si Robin. Lalo pa syang naging makulit. Robin's tenacity is really something else. Hinilot ko ang sentido ko. "Okay, Cami. I'll try to make some sense out of him. Siguro hindi muna this week because this week's a hell week. Finals na ng first semester. " Huminga sya ng malalim na para bang na relief. "It's okay. Try to talk to him, okay?" "Hmm..." "One more thing!" aniya. Humalak ako. Mga ilan pa kayang one more thing ang masasabi nya bago matapos ang usapan namin? "Who's this Lukas guy?" tanong nya. My forehead creased. "Paano mo nakilala si Lukas?" "Paanong hindi? He's constantly commenting on your posts?" "He's a friend," sagot ko. "Friend lang? O friend pa lang?" "I refuse to answer that question." Ngumiti ako. "Sus, pa celebrity. Sige na! I have to go. Pero ha, next time kwentuhan mo ako about him," sabi ni Cami. "There's nothing to tell about him." "Damot! Sige na, bye!" I ended the call saka ibinaba ang phone ko sa study table ko. Naka patong lahat sa lamesa ko ang study materials and reviewer ko. Ramdam ko na iyong p*******t ng leeg ko sa kaka yuko kaya't lumabas muna ako ng kwarto para magpahinga saglit. Dumiretso ako ng kusina para kumuha uminom ng tubig saka dumiretso sa likod ng bahay namin sa may duyan. This is probably my favorite hang out place sa bahay namin. Alas onse pa lang ng umaga pero yung pagod ko, pang alas onse na ng gabi. Sakto namang nag text si Lukas. Lukas Orion: Hayabear. Lukas Orion: Help. Kinabahan ako sa text nya. Agad naman akong nag reply. Haya: Bakit? Lukas: You're just too good to be true. Lukas: Can't take my eyes off of you. Natigilan ako. Hindi ko alam kung magpi- face palm ako o matatawa sa kanya eh. Haya: Bored ka ba? Aren't you studying? Lukas: I am. I'm just resting kasi pakiramdam ko sasabog na yung ulo ko. Lukas: Nag re-review ka? Haya: I am. Lukas: Do you wanna review together? And that's how we both ended up at a kubo na rental ng isang eco park. Para syang yung mga open cottage sa dagat na gawa sa bamboo tree at nipa ang bubong pero walang walls. May floor na puwedeng upuan at lamesa sa gitna. Sinundo ako ni Lukas kahit na mas malapit ito sa kanila. Napalilibutan kami ng mga halaman, bulaklak at puno. It's relaxing and energizing at the same time. Pag pakiramdam ko sasabog na yung utak ko, tumitingin lang ako sa paligid and I will be recharged. Iilan lang ang tao kaya't hindi maingay. Magkaharap kami ni Lukas at busy sa kanya kanyang gawain. Wala rin masyadong nagsasalita sa amin unless may itatanong. But it's fine. I love this kind of silence. Nakita kong ibinaba ni Lukas iyong reviewer nya saka inangat ang tingin sa akin. "Hayabear?" "Hmmm?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I'll just us lunch. Pakiramdam ko kulang na ako sa carbohydrates." I nodded. "Samahan na kita?" "Hindi na, dito ka na lang." Tumango ako and then he went on his way. Napansin ko iyong nakapatong na sketch book ni Lukas. Kinuha ko iyon at binuklat. Puro sketches ang naroon. Buildings and houses. Halos kalahati pa lang ang na d- drawingan nya. On the later pages, puro pamilyar na sketch ang nakikita ko. Sketch ng cliff, ng lawa at ng lighthouse ang pinaka latest. His sketches are so clean. Para akong binalik sa moment kung kailan naroon ako sa mga lugar na iyon. Then I realized. If my way to preserve memories is through my lens, his way is to draw them in his perspective. We're the same yet different. "Haya," tawag nya nang makabalik sya. Ipinatong nya ang dala nyang styrofoam na may pagkain at juice sa bakanteng space sa lamesa. "Lukas!" gulat kong sabi. Isinarado ko ang sketch book nya saka dali- daling ipinatong sa lamesa. "Sorry, pinakialaman ko." Umupo sya saka ngumiti. "Ano ka ba, okay lang. How was it? Hindi ba pangit?" Anong pangit? Saan banda ang pangit doon eh puwede na ngang bilhan ng frame at isabit sa walls para i- display. "Ang ga- ganda kaya! Gaano ka tagal ka nag sketch per paper?" curious kong tanong. "Hmm..." he looked up at nag kunot ng noo. "Let's say maximum na yung one hour? Usually thirty minutes lang. Why?" Napa nganga ako. "Ang bilis?" "Yeah. Practice sketch lang naman 'yang mga yan," sabi nya. Practice lang 'to? Ang ganda ganda? Paano pa kaya yung talagang in- effortan nya? Natawa sya sa reaksyon ko. "Mag lunch muna tayo, Hayabear." Nag time out muna kami sa pag re- review para mag late lunch dahil pasado ala una na rin pala. Itinabi muna namin ang mga papel na nakapatong sa lamesa saka ibinaba iyon para iwas na madumihan o matapunan ng pagkain. Si Lukas ang nag latag ng pagkain sa lamesa. I scooped a spoonful of rice saka kumagat sa fried chicken. "Kumain ka ng marami para hindi maghalo halo yung ni review mo sa ulo mo," aniya. His arms reached out for my face saka kinuha yung butil ng kanin sa mukha ko. Pagtapos kumain, naglabas sya ng mga chocolate galing sa bag nya. "Saan galing yan?" tanong ko. Paano ba naman kasi, nasa sampung magkakaibang brand chocolate ang inilapag nya. "Sa kapatid ko 'yan. Kinuha ko sa ref," sabi nya. Pinalo ko sya sa braso. "Bakit mo kinuha? Magagalit yun sa 'yo!" Hinawakan nya yung braso nya na pinalo ko. "Papalitan ko rin naman." "Gusto mo bang magka diabetes? Ang dami nito!" sabi ko. Mahilig ako sa chocolates pero there's no way na mauubos namin yung sampung malalaking chocolate. Baka mamays nyan eh ma diarhea pa kami ng wala sa oras. "Edi i uwi mo?" Binuksan nya yung isang M&Ms saka nilapag sa table at kumuha. "Bakit-" Habang nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo sa chocolate, tumunog iyong alarm hudyat na mag review na ulit kami. Ako ang nag set nun dahil panigurado, hindi kami makakabalik sa pag re- review. Pinunasan ni Lukas ng tissue yung lamesa kahit wala naman talagang kalat saka ipinatong ulit yung mga review materials namin. Again, galit galit muna kami. Parehas kaming hindi nagsasalita at naka focus sa mga ginagawa pero maya't maya kong napapansin na nag aangat sya sa akin ng tingin every now and then tapos babalik rin sa ginagawa nya. Akala ko naman mangungulit lang si Lukas nung pumayag akong sabay kaming mag aral pero di ko naman ine- expect na talagang pag aaral lang ang aatupagin namin. Minsan talaga nakakalimutan ko rin na constant syang nasa Dean's List. "Mag meryenda muna tayo bago kita ihatid ha." Tumango ako. "Okay." "May gusto ka bang kainin?" tanong nya. I'm glad he asked dahil may pagkain na nakaraan pa hinahanap ng panlasa ko. "Hmm... I've been craving for turon lately. Bili tayo ng turon na saging na may langka." "Okay. I know a place." Nagliligpit na kami ng gamit namin dahil kailangan na naming umuwi. Hapon na kasi at magsasara na rin yung Eco Park. It's reallly not a bad idea na mag aral kami together. I think I covered a whole subject ngayong araw. Pagka tapos namin magligpit, umalis na rin kami kaagad para mag turon hunting. Tumigil si Lukas sa isang stall sa may bayan. According to him, that is one of the best turon for him and I trust his judgement. "Ate Luz, dalawa pong turon na may langka. Dalawa ring gulaman," sabi ni Lukas pagka baba namin ng motor. Pati nagtitinda ng turon kilala nya? Inunahan ko na sa pag abot ng bayad si Lukas. "Bayad po, ate." Tiningnan ko lang sya na parang sinasabi ko na 'I got this'. Akala ko makikipag argue pa sya sa akin pero tumango lang sya at hinayaan ako. He already payed for lunch. Sa meryenda, it's only right na ako naman. It's not that much anyway. "Ang ganda ng syota mo, Lukas ah!" sabi ni Ate Luz na nagtitinda. "Anong pangalan mo neng?" Sasabihin ko sana na hindi naman ako 'syota' ni Lukas pero hindi naman sya nag react kaya parang nahiya na rin ako i correct si Ate. Hindi naman big deal, Haya. "Haya po," sagot ko. "Ang ganda mo neng ah! Bagay kayo nyan ni Lukas! Wag kang mag alala, nasa tamang tao ka," sabi ni ate. Inilagay nya yung bagong hango na turon sa stick saka inabot sa amin saka isinunod ang gulaman. "Ah... salamat po." I awkwardly said. Hindi ko alam kung para sa turon at gulaman ba o sa sinabi nyang nasa tamang tao ako. Gumilid kami ni Lukas sa may stall ni Ate Luz para kumain. Inihipan ko yung turon na dalawang piraso per stick. "Akin na," sabi ni Lukas habang iniaabot ng kamay nya ang stick ng turon ko. "Bakit?" tanong ko pero ini abot rin naman sa kanya yung stick. Kinuha nya yung akin saka pinahawak nya sa akin yung stick nya. Binali nya sa gitna yung stick sa gitna ng dalawang turon. "Mas madaling kainin pag ginanito," sabi nya saka nagpalit ukit kami. Pag kasama ko talaga si Lukas I am learning a thing about something. Saka ang sarap nyang kasama kasi ma asikaso sya. He's really attentive to things na kahit ako minsan ay hindi nakakapansin. I really appreciate his gesture. Naubos na namin yung turon at akala ko doon na natatapos yung meryenda namin dahil yun pa lang eh nakakabusog na pero nag aya pa mag halo- halo si Lukas. Yun daw ang kini- crave nya. Lumusot kami sa isang iskinita at nakarating kami sa tindahan ng halo halo. Halo halo sa tag ulan. Ayos yun. "The best halo- halo nila rito," sabi nya. Again, I trust his judgement. "Ate, dalawa-" nataranta ako sa sinabi nya dahil dalawang halo halo ba naman ang i- ordereh mabigat na ang tiyan ko sa turon pa lang. "Lukas isa lang," sabi ko. "Medyo busog pa ako. Sayang kung hindi rin mauubos." Nakita ko rin kasi na imbis na cup, bowl ang gamit nila per serving and it's huge. Mayroon namang sizes na small medium large pero malaki pa rin. "Share tayo?" tanong nya at tumango ako. "Okay." Again, akala ko magtatalo pa kami pero he just obliged to my request at nag order ng isang large na special halo halo. Okay na rin kaysa sa tig iisang small. "Maam, sir, I serve na lang po namin. Hanap na lang po kayo ng table," sabi ni ate na nasa cashier. "Thank you." Umupo kami sa available seat na malapit sa gilid. Nang i serve yung halo halo, Lukas looked really excited. Para syang bata na binigyan ng candy. Hindi pa man na lalapag ni ate yung halo halo pero naka ready na yung spoon nya to dig in. Ang daming ingredient ang nasa toppings ng halo halo nila. May mais, nata de coco, minatamis na saging at kamote, tapioca pearls, kaong, gelatin, macapuno, leche flan, ube halaya at isang malaking scoop ng ube ice cream on top. Pati ako eh na excite sa dami ng ingredients. Akala ko Lukas will dig in agad agad but he didn't. "Should I mix o should I not?" tanong nya sa akin. Natawa ako sa kanya. "Lukas, it's called halo- halo so you should mix," sabi ko. Napa kibit balikat sya. "Malay mo lang you prefer not to mix." "I prefer to mix. Ang exciting kaya ma surprise kung ano yung ma s- scoop mo sa dami ng sahog." Lukas laughed. "Yeah. That's the joy of eating halo halo." Lukas mixed the halo halo and then we digged in. I scooped saka tinikman at ang sarap! This is probably the best halo halo I've tasted. Yung yelo nya, parang hindi sya yelo lang na nilagyan ng gatas at inasukalan para tumamis. Yung yelo nya ay parang may gatas na tapos may gatas pa ulit. Napa 'O' na naman ang mukha ko nang matikman ko. Lukas, who looking so proud, is smiling at my reaction. "I told you," sabi nya. Abala kami sa pagkain ng halo halo at parehas kaming natatawa pag na bi- brain freeze kami dahil kanya kanya kami ng ngiwi ng mukha. "Hayabear oh." Inilapit nya yung kutsara nya na may isang piraso na nata de coco. "Huh? Bakit?" tanong ko. "Sa' yo na. Pansin ko kanina mo pa hina- hunting yung nata de coco eh," sabi nya. My face lit up sa pag o- offer nya. Favorite ko kasi talaga yung nata de coco sa halo halo. Inilapit nya ang kutsara nya sa bibig ko at walang alinlangan kong kinain yung nata de coco saka nag scoop ulit sya ng yelo at sinubo. Huli na nang ma realize ko na we just had an indirect kiss! Nilingon ko si Lukas and he just seemed cool about it. Parang wala lang sa kanya dahil tuloy tuloy lang sya sa pag kain. Okay, Haya, chill. Hindi ka na teenager to freak out because of an indirect kiss. Chill. Kumain na lang ulit ako like I didn't have an internal freak out kanina. Hindi ko ineexpect na mauubos namin yung halo halo but we did anyway. Clear na clear yung bowl nang iwan namin roon. Busog na busog ako. Nagyaya na rin umuwi si Lukas dahil mag gagabi na. Hinatid nya ako sa bahay saka nagpaalam na uuwi na rin. "Ingat sa pag d-drive ha? Dahan dahan lang. Wala kang hinahabol," paalala ko. "Yes, miss maam." "Thank you for today, Lukas." "Anytime at thank you rin, Hayabear." Nang makita kong palayo na yung motor nya, pumasok na rin ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto para magbihis. Nilagay ko ulit sa desk ko yung mga reviewer ko saka nag shower at nagpalit ng pajamas. After nun ay umupo ulit ako sa desk ko para tapusin yung project na ipapasa for monday. Iko- compile lang naman yun at sabado pa lang naman so kayang kaya pang magawa. I was too absorbed sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto ko. Pag bukas ko ay naroon si Mama. Naka office attire pa sya at bitbit ang bag nya. "Ma!" Nag mano ako sa kanya. Dumaan rin si Papa sa likod nya kaya nagmano rin ako kay Papa. "Pa." "Subsob ka na naman ba sa pag re- review?" si Mama. "Sorry di ko po kayo nasalubong. Medyo na- pako yung focus ko sa ginagawa ko kaya di ko narinig yung dating nyo." "Tama na muna 'yan. Magpahinga ka muna." "Ah... nakapag pahinga naman po ako, Ma. I... went out with a friend kanina." Tumango sya at tinapik ang balikat ko. " That's good. Akala ko nag kulong ka na naman rito, " aniya saka pumasok na sa kwarto nila ni Papa para makapag bihis. Buti na lang hindi nag tanong si Mama kung sinong friend dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko pag nagkataon. Diretso na akong lumabas ng kwarto dahil alanganin na rin na ituloy yung ginagawa ko dahil maya maya ay kakain na rin. Pag dating ko ng sala, nagulat ako nang nakita ko roon si Kia na naka upo na sa sofa. "Bakit Ki?" tanong ko saka umupo sa tabi nya. She sighed. "Dito muna ako, Haya. Mababaliw na ako sa bahay," aniya. Mukha syang stressed na stressed. Kumunot ang noo ko. "Bakit? May nangyari ba? Anong nangyari?" First time kong makita na ganito ka deranged si Kia. Namumula yung mata nya saka nagtutubig. Panay twitch din ng mukha nya. Then she sighed again. "Si Kuya nag uwi ng pusa, regalo nya daw kay Ate Roan. Eh allergic ako sa balahibo. Ito," sabi nya saka itinuro yung mukha nya. "Nag react kaagad yung allergy ko kaya dito muna ako. Nagpaalam na ako kay Tita." Nawala yung bigat sa dibdib ko. Akala ko naman talaga may nangyari na sa kanila. "Sige lang. Yung mga gamit mo nasaan?" She pointed at the table. Naroon yung school bag nya at laptop. "Dumaan ako rito kanina ah, wala ka raw sabi ni Manang?" aniya. Tumango ako. "Oo. Umalis ako saglit." "Saan ka nag punta? Sinong kasama mo?" tanong nya saka umiling. "Nevermind. Alam ko na kung sino." Ngumisi si Kia sa akin. Alam ko na agad kung anong iniisip nito. Iniisip nito na nakipag date ako kay Lukas. "We just studied together sa may Eco Park," sabi ko to erase any suspicion on her mind. "Ah, nag study date kayo," tumatangong sabi nya. Ang kulit? Hindi nga kami nag date? "We just did our own thing pero magkasama kami," sabi ko pa. She just laughed and nodded. "Okay. Sabi mo eh." I just jokingly sneered at her. Kahit anong sabihin ko hindi nya talaga tatanggapin na wala lang iyon. Natigil kami sa pag aasaran nang dumating si Mama. "Halika na kayo't kakain na," anunsyo ni Mama. Tumungo kami sa kainan at doon, naka hain na yung lechon manok saka chopsuey ni Manang Belen. Naupo na kaming lima saka sabay sabay na kumain. "Kia," tawag ni Mama. "Po?" agad na sagot ni Kia kay Mama. "Minsan nga at pagsabihan mo yang si Haya na tigil tigilan kaka subsob sa pag aaral. Hindi na nga yata yan lumalabas ng kwarto nya. Gumala gala naman kayo. Ang ganda ganda rito sa Ilaya eh." Si Mama lang ata yung nanay na kilala ko na mas gustong wag sobrang mag sipag yung anak nya sa pag aaaral tapos okay lang mag gala gala. "Ay, tita, hindi na po kailangan pag sabihan yan. Kusang gumagala yan tita," ngiting sabi ni Kia pero yung mata nya naniningkit sa akin. Pinandilatan ko sya ng mata. "Oh, really? Kasama yung friend mo?" tanong ulit ni Mama. Kia pressed her lips para matigil ang sarili nya sa pag ngiti o tawa sa tanong ni Mama. Mukha syang nag e- enjoy sa nangyayari sa amin. I swear Kia will be the end of me! "Opo, Ma. Yung friend ko po." Tumango si Mama. "That's good. Dalhin mo rito yung friend mo minsan para naman makilala namin ni Papa mo," aniya. Again, Kia pressed her lips tight. Namumula na rin sya sa pagpipigil ng tawa. Pwede bang change topic na kami? Delikado ako. Tumango ako. "Next time po." "Your friend's studying at SPU rin no, 'nak?" Tumango ako. "What's your friend's name?" "Lu-" "Penny po!" I raised my voice para matabunan yung sinasabi ni Kia. "Penelope po yung pangalan nya, Ma." Nilagyan ni Mama ng gulay iyong plato ko. "Bring Penelope here minsan." Tumango ako. "Opo, Ma." "For sure, tita, makakasundo mo po yung friend ni Haya. Mabait po yun saka masarap kasama," dagdag ni Kia. Ibinaba ko ang isa kong kamay at kinapa ang binti ni Kia saka kinurot. "Aw-" Pinandilatan ko sya ng mata. Hindi iyon nakikita nila Mama dahil nasa kaliwa ko si Kia at nasa kanan sila. Pinandilatan nya rin ako ng mata saka lumingon kila Mama. "Saka po pala tita, yung friend nya sabay silang nag re- review. Constant Dean's Lister po kasi yung friend nya." There's really no way that it's Penny. Amused na napa angat si Mama ng tingin sa amin. "Really? Now, I'm curious." Lalo ko tuloy pinandilatan ng mata si Kia. Buti naman wala na syang sinabi at hindi na rin nag tanong si Mama. Pagkatapos namin na kumain, agad kong hinila si Kia sa kwarto ko. Nagmamadali kong sinarado yung pinto. Agad na kumawala yung tawa na kanina pa pinipigilan ni Kia. Hinampas hampas ko sya habang sya hindi magka mayaw sa kaka tawa. "Kainis ka! Paano kung nahalata ni Mama yun?" sabi ko sa kanya. Tawa pa rin sya ng tawa. "Hindi nga! Hindi naman nya kilala si Lukas o si Penny!" Binato ko sya ng unan. "Pag ako talaga napahamak dahil sa kadaldalan mo Kianna, humanda ka talaga sa akin." "Ito naman masyadong kabado! Ayaw mo nun, bet na agad ni Tita si Lukas." Umupo ako sa tabi ni Kia. "Hindi nga kasi." "Ano? Crush ka naman na ni Lukas. Doon rin naman mapupunta yun," aniya. "It's too early to assume something Kia," seryosong sabi ko. That's what I've been telling myself lalo na nang aminin ko sa sarili ko na Lukas is little more than a friend to me. Hindi porket sinabi nyang crush nya ako, at ako rin sa kanya, eh it will automatically lead into something. What's a crush ba? It's just an infatuation to someone. It's not even that deep. What we both have is very vague. "Eh pero-" I cut her off. "Let's just say na we enjoy each other's company for now. Hindi naman kailangan ng label nun. Hindi naman namin kailangang magmadali kung may something talaga. May tamang timing naman ang lahat." We'll take it slow. "Sabagay." Tumango si Kia. "Pag minadali naman, baka hindi rin mag work kasi kulang yung foundation." I just don't want to end up being heartbroken again. I can't afford another heartbreak again. Gusto ko rin naman i guard yung peace and yung puso ko kahit paano. Hindi naman sa ayaw kong magbigay ng pagmamahal pero sana, this time, sa tamang tao ko na ibibigay. And if this doesn't work, at least I tried.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD