"Manong bayad po," sabi ko saka inabot sa driver ang baryang hawak ko. Yumuko ako saka lumabas sa tricycle saka lumakad papunta sa shop na pupuntahan ko. "Good morning maam, ano po ang sa atin?" bati ng store clerk. "Hello, naghahanap po kasi ako nito." Ipinakita ko ang picture sa phone ko na naka save. "May available po ba kayo nito?" The clerk looked at my phone. "Naku po maam, ayos lang po bang tingnan ko muna sa likod kung may available pa kaming stock nito? Dito po kasi sa mga display wala na maam eh. I check ko po muna," aniya. Tumango ako to assure her na ayos lang. "Sige po, please. Salamat!" Sana meron. Pinaupo ako ng clerk sa isa sa mga monoblock chair nila habang kinukuha nya yung gusto kong makita. Ilang minuto lang from their stock room, nakita ko ng bitbit na ng clerk

