"What should we do this summer?" tanong ni Ate Yuli.
Inabot ni Ate Yuli iyong bibingka sa tray saka kinagatan. Naka palibot kami sa bilog na lamesa nina Kia. Sya, ako, si Ate Yuli at si Miko. Si Kuya Jules halos laging missing in action. Ganun siguro talaga pag lover boy. Halos hindi na nga sila mapag hiwalay ni Ate Roan. Kung nasaan si Ate Roan, naroon rin panigurado si Kuya.
"Baka naman puwede na tayong mag camping?" ani ni Kia. "Last year ko pang gustong gawin iyon?"
"Last year pa 'yun pero hindi pa rin matahimik kaluluwa mo?" asik ni Miko.
Umirap si Kia sa kawalan. "Oo! Hindi naman natin nagawa last year diba? Gusto nyo mag dagat diba?"
"Tunog ayaw sa dagat pero sya yung excited na lumangoy."
"Porque ba ayaw hindi na puwedeng mag enjoy?"
"Camping? Ano sa tingin nyo?" pag kuha ni Ate ng opinyon namin para patigilin sa pagbabangayan iyong dalawa.
Tumango ako.
Hindi rin naman masamang mag camping. I actually watched a lot of camping videos and it looks so fun to do with friends. Compared sa dagat na madaming activities, mukha lang mas kalmado sa camping pero kailangan rin ng matinding patience beacuse we have to do things by ourserlves. We should build our own tent, cook our own food and clean up by ourselves after.
"Magtatampo talaga ako pag this year hindi pa tayo nag camping," ani ni Kia.
"Ito na nga, ginagawan na ng paraan," si Miko.
"Itanong muna natin kila Jonas kung okay sa sced nila," sabi ni Ate.
"Basta camping tayo this year kahit anong mangyari ha!" excited na sabi ni Kia.
Kaka tapos pa lang ng school year pero heto ang mga pinsan ko't nag aaya na ng adventure. Lahat din naman kasi kami'y sobrang stressed sa hell week nung finals. Hindi namin alam kung matatapos ba namin yung hell week o hell week ang tatapos sa amin.
Sa sobrang busy ay wala na rin kaming time para gumala pa. Lalo na si Lukas. Sobrang busy nya.
Bago yung hell week may usapan pa kami ni Lukas na mag aaral kami together pero pati iyon ay hindi na namin nagawa dahil wala talagang time Kabir magkita man lang noon. Busy si Lukas pero he still finds time to check up on me. We text and call each other instead of meeting up para makapag focus kami sa kanya kanyang gawain. I actually loved it when we're both busy with our own thing tapos kapag naka higa na kami sa kama bago matulog, we'd video call each other tapos mag uusap lang kami ng kung anu- ano hanggang sa maka tulog.
Lukas Orion:
Nag text si Yuli. Camping raw tayo?
Haya:
Oo. Sama ka ha?
Lukas Orion:
Oo naman.
Tulad nina Ate Roan at Kuya Jule, kung nasaan ako naroon rin si Lukas. It's been like that ever since my birthday. Hindi na sya mawala wala sa tabi ko. Minsan na aasiwa na nga lang sa amin sina Penny at Kia. Hindi naman kami showy ni Lukas. Were just both lowkey. Bitter lang talaga yung dalawa dahil wala silang love life.
HAWAK ANG BAG na puno ng snacks, bumaba ako sa Montero ni Lukas nang makarating kami sa lawa. Mula sa malayo, natanaw koang isang pamilyar na bagay na naka lutang malapit sa pampang nito.
"Lukas," tawag ko sa kanya saka itinuro iyong tinambayan namin noon na bamboo floating shed kung saan nag laro kami ng Never Have I Ever.
Malayo layo na ito kung nasaan kami ngayon kaya't maliit na ito kung titingnan kung nasaan kami.
Napa ngiti bigala si Lukas. I'm sure na aalala nya rin kung anuman iyong na aalala ko.
"Yeah," aniya. "Iyan nga yun."
Narito kami sa parte ng lawa kung saan kami tumambay ni Lukas noon. Kaming mag pi- pinsan, si Lukas, si Ate Roan, si Ate Amelie, si Kuya Jonas, at si Penny ang mga mag ca- camping. Mas marami kami ngayon kumpara noong nag dagat kami last year pero sa tingin ko'y mas mag e- enjoy kami ngayong taon.
Buti na lang lahat ay game na mag camping. Game na game ang lahat pero nag alangan kami nang ma realize namin na wala kaming camping gear. Buti na lang, Ate Roan found a place na puwedeng mag rent ng camping tent and mga tools and gears so here we are.
Si Kia, kagabi pa lang ay sobrang excited na na hindi sya mapakali sa kaka pack ng painting materials nya dahil mag pi- paint raw sya.
"Pwedeng iwan nyo na lang sa kotse yung mga gamit nyo," ani ni Kuya Jule.
"Pwede bang maligo rito sa lawa kuya?" tanong ni Miko.
"Puwede, Mik. Basta huwag ka na aahon," sagot ni kuya saka itinuro ang isang malaking tarpaulin na nasa gilid namin.
Swimming is not allowed.
Napa busangot si Miko sa nakita. Ready na sana syang lumangoy dahil naka swimming trunks pa man din sya.
"Lumangoy ka na lang sa sapa pag balik natin," sabi ni Kuya Jonas.
Nag umpisa ng bumuo ng tent yung mga guys. Yung tatlo, sumusunod lang sa instruction ni Lukas dahil si Lukas lang naman yung talagang marunong mag build ng tent sa kanila because apparently, he already tried camping sabi nya. Dalawang malalaki at isang maliit na tent ang binubuo nila na kasya ang apat na tao.
"Sinong matutulog sa sa maliit?" tanong ni Kia.
Dahil dalawang malalaking tent lang ang nakuha namin, apat na tao lang ang kasya roon. Sampu kami kami kaya't may dalawang kailangang matulog sa maliit na tent.
"Kami na ni Roan," prisinta ni Kuya Jule.
Agad na umani ng pang aasar ang pag prisintang iyon ni Kuya. Si Ate Roan naman pulang pula na ang pisngi sa pag b-blush.
"Grabe yun Jule!" kantyaw ni Kuya Jonas sa kanya.
"Kayo ba Lukas? Ayaw nyo?" tanong ni Kuya Jule. "Puwede namang kayo na lang ni Haya."
Namilog ang mata ko.
Nagulat ako nang hinarap kami ni Kuya Jule saka itinanong iyon. Ako naman ngayon ang namumula. Ito si Kuya Jule napaka issue talaga. Nananahimik kami ni Lukas tapos kami yung tina target.
"Ni hindi ko pa nga girlfriend yung pinsan mo, tatabihan ko pa sa higaan?" agap na sagot ni Lukas.
"Ay hindi pa?" react ni Penny na nag aayos ng gamit.
"Hindi pa? Bakit hindi pa?" tanong ni Ate Amelie.
Nanahimik ako.
Alam ko naman yung isasagot ko eh. Na we're taking things slow. Na hindi naman kami nagmamadali ni Lukas. Kaso parang may bumara sa lalamunan ko and I suddently can't speak. Para akong na papa-isip na oo nga, bakit hindi pa rin kami?
Hush your thoughts, Haya. Hindi mo dapat iniisip 'yan.
Ang atensyon nila'y nasa amin ni Lukas habang ang kanya'y nasa akin.
Naramdaman yata ni Ate ang uneasyness ko.
"Okay, okay, balik na sa pag aayos nang maka pag luto tayo ng maaga," singit ni Ate.
Bumalik kaming lahat sa pag lalatag ng mga gagamitin namin. It's actually nice na narito kami ngayon. This is truly a place of healing. Para na naman akong nakaka recieve ng energy mula sa lawa, sa puno't mga halaman.
I feel like I could go on another hell week kung ganito lang rin ang reward. Pero syempre biro lang iyon. Bakit ko naman gugustuhin ng isa pang hell week? I could barely pass one.
"Hi, excuse me," masiglang bati ng isang babae na halos ka edaran lang rin namin.
Napunta ang atensyon namin sa kanya. Ilang dipa ng layo nya sa amin. Matamis ang ngiti nya't she's standing proudly.
"Hi! Bakit?" ibinaba ni Ate Roan yung hawak nyang camping chair saka lumapit sa babae.
"Hey, uhm, I'm sorry for the sudden intrusion pero can you guys help us building our tent?" diretsong sabi nya at itanaas ang kanyang kanang kamay para ituro ang nasa kaliwang bahagi namin.
For someone na nasa ganoong sitwsyon, she's looks so calm aboout.
Sa tabi ng isa pang babae na naka tingin rin sa amin ay ang tent at camping gears na hindi pa nagagalaw. Hindi lang naman kami ang ibang camper rito. May dalawang pamilya saka itong magkaibigan ang kasama namin ngayon.
"That's my best friend. Hindi rin sya marunong bumuo ng tent. We really thought na the tent is already built kapag re- rentahan nung nag pa book kami so we went on."
"Ganun ba? Hmm..." sabi ni Ate Roan. Pinasadahan nya kami ng tingin. Specifially the guys dahil sila lang naman ang marunong bumuo ng tent rito.
Tapos naman na talaga sila sa tent actually, iniaayos na lang namin yung mga gagamitin namin para sa lutuan tulad ng camp stove and fuel, cookware saka utensils.
Si Kuya Jules, nag papa lingas ng apoy, si Miko naman there's no way he can build the tent ng mag isa, si Kuya Jonas naman hindi rin marunong. Our eyes darted on Lukas who's enjoying his Chuckie beside me.
"Lukas..." tawag ni Ate Amelie para ipahiwatig na sya na lang ang tumulong kay Ate girl.
Tumayo si Lukas sa pagkaka upo sa trunk ng Montero saka tuloy tuloy na sinipsip ang Chuckie nya saka niyupi ang karton at tinapon sa pinaka malapit na basurahan.
"Ako na," sabi nya sa babae.
Hindi naka ligtas sa mga mata ko ang pag liwanag ng mukha ni Ate girl na hindi pa rin namin alam ang pangalan. Mukhang nag kikislapan ang mata nya nang humarap si Lukas sa kanya. Ang kaninang matamis nyang ngiti naging mas malapad na umaabot na ito sa mga tainga nya.
Nagkatinginan kami ni Penny.
She must've sensed somthing too.
Sabay na bumalik ang paningin namin kay Ate girl na na kay Lukas lang ang ang buong atensyon. Iniipit pa nya iyong mga naka laylay nyang buhok sa tainga nya.
"Hi, I'm Rubie." Ate girl, who's name is Rubie, extended her right hand on Lukas.
Lukas gave her a small smile. "Lukas. They're my friends nga pala. Si Roan and boyfriend nya na si Jule, si Amelie, si Yuli, si Jonas, si Miko, si Kia, si Penny... and si Haya," pakilala nya sa amin.
Gustong mag react ng isang bahaging utak ko nung included ako sa ni label nya na as friends pero hindi naman nag pa talo ang isang bahagi dahil technically speaking, we are friends. Special friends.
Natauhan ata si Rubie na hindi lang sya at si Lukas ang tao rito. Na, obviously, may iba pang tao maliban sa kanilang dalawa dahil para syang nag snap out of paninitig kay Lukas saka nag angat ng tingin sa aming lahat.
"Hi sa inyo!" magiliw syang kumaway at nginitian kami. "Sorry, I didn't even introduce my name properly and I'm already asking for help."
Natawa si Lukas. "That's fine."
"Thank you, Lukas."
Lumingon si Lukas sa akin bago nag paalam sa grupo na tutulungan muna nya sina Rubie na buohin iyong tent nila.
"Guys," paalam nya. Tumango naman ang lahat sa kanya. He glanced at me for the last time saka niyaya si Rubie papunta sa spot nila.
Hindi naman ganoon ka layo kaya't kita rin namin kung anong ganap sa kanila. Nang maka rating sila roon, agad na niyuko ni Lukas ang mga dapat i- assemble na nasa lapag lang.
Naupo ako sa trunk ng naka bukas na Montero kung saan naka upo si Lukas kanina habang isa isang itinutusok ang marshmallows sa stick para itu- toast na lang namin sa apoy mamaya or puwede ring gawing smores dahil may Graham crackers at chocolate naman kami riyan. Syempre, hindi dapat mawala ang toasted mallows sa camping habang naka palibot kaming lahat sa campfire.
Nakikita ko lang ito sa mga drama dati and I've always wanted to try kaya ngayon, I'm going to do that goal.
Excited ako to achieve that with them.
"Girl," tumabi si Penny sa akin.
"Bakit, Pen?" inangatan ko sya ng tingin pero ang mga kamay ko ay sige pa rin sa pag tusok ng marshmallows.
"Tingan mo sila," aniya.
Kumunot ang noo ko sa kanya pero na gets ko ka agad yung tinutukoy nya. Nag angat ako ng tingin kina Lukas at Rubie na bumubuo ng tent pero parang may masamang hangin akong nalanghap dahil hindi ako natutuwa sa nakikita ko.
Naka harap sila sa isa't isa habang hawak iyong tent. Mukhang tinuturuan ni Lukas si Rubie kung paano i assemble iyon pero ang la- laki ng ngiti nila sa isa't isa. Pag may sasabihin si Lukas ay matatawa si Rubie tapos may kasama pang bahagyang pag hampas sa dibdib ni Lukas.
Ay, close kayo ate girl at may pag hampas ka na?
"Okay ka pa?" tanong ni Penny.
Okay pa. Okay lang talaga.