Pag dating namin sa hospital, halos magkasunod lang kami nina Ate. Agad na hinanap ko si Kia na nagtatago sa likod ni Ate Amelie. Naka ngiti sya sa aming dalawa ni Lukas but jokes on her, walang ganap sa kotse. Hindi rin kami nag usap or what. He just opened the radio to fill the silence between us. Mas okay na rin yun kaysa isipin ko pa kung paano ko sya kakausapin o pakkikitunguhan. My mind's already filled with worries for Ate Roan. Mamaya talaga 'to sa akin 'tong Kianna na'to. Dumiretso kami sa isang nurse station para magtanong kung saan ba ang room ni Ate at agad kaming dumiretso roon. We're all half running and half walking. Pagdating namin sa 15th floor kung nasaan naka confine si Ate, agad naming nakita agad si Kuya Jule at malayo pa lang ay mahahalata ng he's really out of it.

