Ilang araw na akong wala sa hulog na pumapasok sa office. Para akong nag fu- function na lang for the sake na magawa ko pa rin ang duties and respinsibilities ko. Para na akong sasabog sa sobrang dami kong iniisip. I could also barely sleep. Sa madaling araw, hinahayaan ko lang ang sarili ko na mapagod na lang sa kakaisip hanggang sa mapagod at antukin ako pero saglit lang ako pumikit, umaga na ulit and that has been the cycle. How I wish na sana may pause button ang isip ko para naman so it can rest. Una, si Lukas. It wasn't long nang muling mag confess si Lukas na he wants to try us again. Hindi naman nya ako pini- pressure na mag desisyon kaagad. Kaya naman nya daw na mag hintay pero kahit sabihin nya iyon ay nararamdaman ko pa rin ang pressure na nasa akin. Lalo akong naguluhan at na

