"Haya, kayong dalawa ni Kia ang magkasama sa kwarto ha," ibinigay ni Ate Yuli ang susi ng hotel room namin ni Kia. i made sure na sya ang may hawak nun kasi kung ako ay panigurado na kung saan saan ko lang iyon mapapatong at makakaligtaan ko pa. Sa tapat ng room namin ay ang kina Lukas at Kuya Jonas samantalang sa tabi ng sa amin ay ang kina Ate Yuli at ang kay Ate Amelie. Kasama na sa wedding ang hotel room ng mga bista but of course, hanggang before the wedding and the night after the wedding. Bilang magtatagal pa kami rito, we have to pay for the remaining days. Ipinasok ni Kia ang susi ng pinto sa keyhole saka tinulak ang pinto. Pag pasok namin, bungad agad sa kaliwa namin ang comfort room at shower room. Katapat nito ang cabinet na sinabitan ko na kaagad nung dress ko na naka hanger

