Aya's P.O.V
All of my life
I thought I was right
Looking for something new
Stuck in my ways
Like old-fashioned days
But all the roads led me to you
Ramdam ramdam ko ang bawat pag strum sa hawak kong guitar habang kumakanta ng isa sa paborito kong Kanta.
The house that you live in don't make it a home
But feeling lonely don't mean you're alone
People in life, they will come and they'll leave
But if I had a choice I know where I would be
Pumipikit ako habang ninanamnam ang pagkanta na parang sa pamamagitan nito nalalabas ko yung mga nararamdaman ko. Ito siguro ang pinaka pina sasalamatan ko sa lahat, ang mabiyayaan ng magandang boses, pero iilan lamang ang nakakarinig nito kundi nanay at mga kaibigan ko.
Through the lows and the highs, I will stay by your side
There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light
When the sky turns to grey and there's nothing to say
At the end of the day, I choose you
Hanggang sa matapos ang kanta ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Dumilat ako ng may ngiti sa labi habang patuloy na tumutugtug dito sa loob ng aking kwarto.
Clap! Clap! Clap!
" Ang galing talaga ng anak ko "
Gulat na napatingin ako sa pinto ng kwarto ng marinig ang palakpak ng aking Ina.
" Ikaw pala ma " malambing na sabi ko sakanya. Lumapit siya saakin at tumabi ng upo saakin.
" Alam mo anak, ang ganda ganda ng boses mo para tuloy akong nakarinug ng anghel na kumakanta" nakangiti niyang sabi.
" Mama naman binobola mo na naman ako "
" Anong bola? Totoo ang sinasabi ko. Pero syempre saan paba magmamana ang ganyan kagandang boses kundi saakin din." Pagmamalaking sabi niya with matching turo sa sarili. Kong alam niyo lang ni hindi nga siya makatama kahit Isang stanza, simula palang bumibirit na.
" Ma, " humarap ako sakanya at hinawakan ang mga balikat niya.
" Alam kong maganda ako katulad mo" sabi ko tapos ngumiti naman siyang tumatango tango.
" At sexy mana sayo" tango tango siya ulit.
" Matalino, syempre mana din sayo" tango tango siya ulit at hinintay ang sasabihin ko.
" Pero tanggapin natin ang katutuhanan na pag dating sa ganda ng boses eh mejo malayung magmana sayo hehehehe" sinamahan niya naman ako ng tingin tapos kinurot ng kinurot.
" Aray! Arrrayy! Ma!! Tama! Aray!"
" So sinasabi mo bang pangit boses ko! " Pagalit na sabi niya habang pinadidilatan ako ng mata.
" Aray! Ma! Wala naman akong sinabi na pangit boses basta wag kalang kumanta ok nayun"
" Abat iniinsulto mo ba ang boses ko?."
"Di naman sa ganon pero parang ganon nanga- aray! Aray! Ma....!"
" Ikaw na bata ka! Magpasalamat kat anak kitat baka matagal na kitang nilublob sa drum!." Kinkurot niya ako kaya tudo iwas ako. Ito ang ayaw ko sa lahat e ang sakit banaman mangurot yung tipong hihilahin yung taba mo sa tagiliran tapos piningot ng paikot. Kaya naman mapapaangat ka sa sakit.
Tudo sangga ako ng dalawa kong mga kamay tapos ng di na makatiis tumayo ako at dali daling tumakbo palabas ng kwarto.
" Ayahhhhhh!!! Bumalik ka ditong bata ka!!!!" Napahawak ako sa dalawa kong Tenga, kapag talaga yung nanay ko ang sumigaw dapat handa yung dalawa mong kamay pangtakip ng tenga para di mabasag ang eardrums mo sa bunganga niyang parang naka lunok ng megaphone.
" I love you too ma!!!!" Sigaw na pabalik ko sakanya.
" Abat !! Wag mo akong madaan sa ganyan! .......... I love you More" at ayun ang marupok kong ina.
Nakangiti akong tumakbo palabas at naabutan ko ang kaibigan kong Isa din sa may kasumpa sumpang boses.
" Oh bakit parang di naman ako na inform na magkakaroon pala ng concert dito sa bahay niyo?" Bungad niya sakin.
" At di din ako na inform na nalipat na pala ang Halloween sa April!." Sinamaan niya ako ng tingin. Pano ba naman kasi kong ano anong trip niya sa buhay pati kurtina nila ginawa niyang gown pagkatapos naka shades pa ng pagkalaki laki tapos may suot pang sumbrerong subrang lapad pa sa mukha niya with make up pa na di mo maintindihan kong ililibing na na siya dahil parang make up ng mga patay eh!
" How dare you! sa ganda kong to pagkakamalan molang akong patay!"
" Kahit sino tanungin sa itsura mo ngayun, sasabihin nilang parang bangkay ka na hinukay sa pantyon"
" Well for your information ! hindi koto ginagawa dahil trip kolang kundi dahil kailangan." Naka cross arm na sabi niya sakin.
" At bakit ?" nagtatakang tanong ko.
" Kasi darating ang taga fredmen mamaya! Kaya nga ako nandito para ipaalam sayo!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, lumakas ang t***k ng puso ko at nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa mga narinig.
Fredmen, sila ang pang tatlo sa social pyramid class ng pack, at kami ang nasa pang huli na tinatawag na Slaves. Hindi sila kasing pantay ng Metics at Athens pero di parin nawawala ang katutuhanan na mas mababa kami sakanila. Kada buwan ay pumupunta sila dito upang manguha ng mga babaeng mag bibigay aliw sakanila kaya naman sa tuwing nababalitaan namin na pupunta sila ay lahat ng mga kababaihan dito ay pinapatago o di naman kayay gumagawa ng paraan ang mga sarili upang maging pangit at di pagka interesan ng fredmen katulad na lamang ng ginawa ngayon ng kaibigan kong si Alice.
Ang mga fredmen ay katulad din namin na may lahing warewolf may witches din sakanila. Pero Kilala sila sa pangunguha ng mga babae upang mag bigay aliw sakanila, hindi nila magagawa ang ganito sa Metics at Athens dahil matataas na ang mga yun at makapangyarihan lalo na ang Athens kong saan naninirahan ang mahaharlikang angkan ang royal family ang alpha at Luna na namumuno sa buong pack. Sila Ang utak ng lahat ng batas at kahit gustuhin man namin mag reklamo tungkol sa pinanggagawa saamin ng mga fredmen kunti lang ang may lakas ng loob na lumabas upang maglakbay papunta sa Athens, dadaan ka muna sa fredmen at mananatili ng isang buwan upang siguraduhin na wala kang masamang balak at pagkatapos naman ay dadaan ka at hihinto ka sa Metics at mananatili ng tatlong buwan para suriin at matyagan at ang panghuli ang Athens kong saan bungad palang di ka basta basta agad makakpasok dahil kailangan mo munang manatili ng limang buwan upang suriiin ulit. At pag napatunayan na wala kang intensiyon na masama saka ka palamang makakaapak sa palasyo. At Wala ding kasiguraduhan kong pakikinggan ba nila ang mga hinaing mo kaya malabo na magiging maganda ang kalalabasan ng paglalakbay mo patungo doon.
At kada punta nila dito ay hindi sila nabibigo sa pagkuha ng mga babae at ang pinakamasaklap sa lahat ay ang mga babaeng nakukuha nila ay umuuwing malamig na bangkay. Hagulhol na lamang ang laging naririnig sa tuwing dumadating ang mga babaeng nakukuha nila na bangkay at puro mga pasa pa ang katawan. Wala silang awa mga hayup at walang kaluluwa. Kong tutuusin ay kaya naming lumaban dahil parehas lang naman kaming mga warewolf pero dahil sa batas na pinataw ng royal family of the pack na kailangan respitohin at wag lumaban sa mas nakakataas saamin dahil haharapin namin ang kaparusan na kamatayan. Dahil kasalan ng isa pananagutan ng lahat. At yun ang iniiwasan namin dahil sa kadahilanang may mga batang inosente ang madadamay.
Dahil sa batas nayun ay parang tinanggalan kami ng royal family ng karapatan upang ipaglaban ang aming mga sarili at dahil don kaya ako galit at naiinis sakanila.
" A-a no? " Utal na sabi ko sakanya.
" Aya, totoo ang sinasabi ko kaninang madaling araw sabi ng taga pahayag ay pupunta daw mamaya ang mga fredmen kaya naman lahat ng mga babae ay nagtatago na o kayay gumagawa na ng paraan para di pagkaintiresan nila." Ramdam ko ang takot sa boses niya. Magsasalita pa sana ako kaso narinig ko Ang sigaw na tawag ni mama.
"AYAHHHHHH!!!!! " Nilingon ko siya at takbo takbo siyang lumapit sakin habang hawak ang lagayan na pweding ilagay sa mukha at katawan upang gawing pangit ang itsura at katulad ni allice ay nakaayus nadin si mama ginawa niyang subrang tanda ang sarili at binuhaghag Ang buhok.
Pano kaya suklayin Yan.
Maganda si mama at hindi malabong pagka interesan siya ng mga fredmen kaya ganyan din ang ayus niya.
" Aya! Halika dito anak at lalagyan kita nito!" Sinimulan niya naakong lagyan ng kong ano ano sa mukha pati kamay paa at dinumihan ang aking damit pinagmukha akong bruha ng nanay ko!.
" Ma! Pwede bang wag mong ganyanin buhok ko tulad ng sayo mahihirapang akong suklayin Yan pagkatapos." Kinurot naman niya ako.
" Ikaw na bata ka! Mas mabuti ng maghirap ka kakasuklay ng buhok mo kaysa pag interesan ka ng mga demonyung yun." Pangangaral niya sakin. Hindi na ako nag reklamo kasi bugbog na tagiliran ko kakakurot niya at saka tama din naman siya.
Pagkatapos niya akong lagyan ng kong ano ano ay pinapasok niya na ako sa loob. Si allice naman ay umuwe na sakanila para maghanda sa pagdating ng mga fredmen.
" Ganito ang gagawin mo pag pumasok sila dito. Magpapangap kang bingi kaya dapat steady kalang ng upo kunwari wala kang naririnig maliwanag ba?" Tumango ako sakanya.
" E Ikaw ma, anong gagawin mo? " Tanong ko sakanya.
" Magpapangap akong ngungu" sabi niya.
" Ahh ok" good luck sakanya.
Maya Maya pa ay narinig na namin malakas na trumpa na ibig sabihin dumating na ang mga demonyo.
Blagggg........