“Mommy!!!”
“S**t!” Naihagis ko ng wala sa oras ang hawak kong t-shirt ng marinig ko ang matinis na sigaw ng anak kong si Chiyo. Mabilis na tinakbo ang pintuan at hindi alintana ang naka hubad kong katawan na natatakpan ng puting tuwalya.
Bigla ang pagsikdô ng dibdib ko at nilokôb ng matinding kabâ ang puso ko ng malanghap ko ang amoy na nasusunog na sinaing. Habang walang tigil ang pagtunog ng smoke detector device.
Natataranta na binuksan ko ang nakaawang na pintuan at kulang na lang ay talunin ko ang hagdan na mayroong pitong baitang.
Sa labis na pagmamadali ko, sumabit ang isang paa ko sa unang baitang ng hagdan.
“Ouch!” Sigaw ko pa ng paupo akong bumagsak sa sahig. Akala ko ‘yun lang ang mangyayari sa akin, subalit dire-diretso akong dumausdos pababa ng hagdan habang ang mga binti ko ay tuwid na naninigas.
Great! Nang dahil sa katangahan ko ay hindi ko na kailangan pang humakbang pababa ng hagdan dahil mabilis akong nakarating sa paanan nito. Umuungol na iniinda ang sakit ng balakang ko, pasalamat na lang talaga ako at nababalutan ng makapal na carpet ang buong hagdan.
Kasunod nito ay ang biglaang pagsabog ng tubig mula sa water spray system.
“Wow, mommy! It’s raining!” Tuwang-tuwa na sigaw ng aking anak, dahil ngayon ay basa na kaming mag-ina, para na talaga kaming naligo sa ulan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa mga nangyayari sa aming mag-ina.
“You're awesome, mommy!” Natatawa pang bulalas ng aking anak, kasabay nito ang pagkislap ng asul niyang mga mata na wari mo ay nakakita ng ginto.
Mabilis na tumakbo sa akin ang aking anak at kaagad na umupo sa kandungan ko.
Saka ko lang napansin na nakalitaw pala ang dibdib ko dahil nakalas na ang pagkaka-buhol ng tuwalya na nasa tapat ng dibdib ko.
Bigla akong natawa ng isubo ng anak ko ang isa sa aking mga n*****s, ang magaling na batang ito nagawa pang dumede.
Well, mukhang maliligo na naman kaming mag-ina.
“Sweetie, you’re a big girl na, so, you should stop to dede in mommy’s breast.” Ani ko sa malambing na tinig sabay dampi ng isang masuyong halik sa ulo nito. Natatawa na umiling na lang ako ng ngumiti sa akin ang cute nitong mga labi habang kagat ang n*****s ko. Habang panay ang pagpapacute ng kanyang mga mata.
Sumamâ ang ekspresyon ng mukha ko ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking balakang. Kahit kailan talaga ay napaka lampa ko.
Sinikap kong makatayo habang buhat sa kanang braso ko ang dalawang taon at apat na buwang gulang kong anak. Nakapanty lang na tinungo ko ang kusina.
Pagdating sa kusina ay kaagad kong isinara ang stove at nanlumo ako sa nakita kong itsura ng kanin. Kasing itim na ito ng uling, sayang ang tatlong takal na bigas.
Sa kagustuhan kong makatipid ng kuryente ay mas pinili ko ang gumamit ng gas stove.
Sa katangahan ko ay mas inuna ko pa ang maligo kaysa bantayan ang aking sinaing.
Sa dami ng problema na iniisip ko ay tuliro na ang utak ko at hindi na ako makapag-isip ng matino. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatitig sa sunog na sinaing.
Kumilos ang anak ko at saglit na nilubayan nito ang pagdede, naki-dungaw din ito sa sunog na sinaing.
“Wow, mommy, is this a black rice?” Inosente nitong tanong, para itong unggoy na nakayakap sa katawan ko. Nanggigigil na hinalikan ko ito sa ulo bago malambing na niyakap.
“Yes, Sweetie, looks like we need to order some food for dinner." Anya na sinundan ng isang buntong hininga. Pagpihit ko paharap sa salas ay para akong binagsakan ng malaking bato, dahil ngayon ko lang napansin ang kabuuan ng unit na inuupahan naming mag-ina. Basâ na kasi ang lahat ng mga appliances sa salas.
Maliit lang ang nirerentahan naming unit sakto lang para sa aming mag-ina. Sa unang palapag nito ay mayroong salas, kusina at banyo. Pagdating sa pangalawang palapag ay naroroon ang silid naming mag-ina.
“Oh my gosh, I’m so tired, hindi ko na kaya pang linisin ang lahat ng ito.” Nanghihina na wika ko bago naupo sa single sofa.
“Chiyo, will help you, Mom.” Nakangiting saad ng anak ko, mabilis na naglaho ang panghihina ng loob ko. Nang muli akong tumingin sa mukha ng aking munting si Chiyo ay biglang gumaan ang dibdib ko.
“No, Sweetie, we need to call the home service company, it’s hard to clean up this mess, huh!” Namuntong hininga ako dahil sa panghihinayang, sayang din ang two hundred eighty dollars na ibabayad ko sa company.
Dito sa Amerika ay maliit na halaga lang ito, pero kung susumahin mo ay nagkakahalaga rin ito ng fifteen thousand pesos.
Para sa isang single mom na tulad ko ay malaking halaga na rin ito.
Muli, isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko, subalit napangiti ako ng gayahin ako ni Chiyo. Namuntong hininga din ito na parang akala mo ay malaki ang problema.
Tumayo ako habang karga ang aking munting si Chiyo. Maingat na pumanhik ako ng hagdan, diretso kaagad kami sa loob ng banyo para maligo.
Pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan ni Mr. Felix at ni Ate Miles, tatlong taon na ang nakakaraan. Nagdesisyon ang kapatid ko na ipadala ako dito sa US at pansamantalang manirahan sa nag-iisa naming kamag-anak.
Akala ko ito na ang simula ng panibagong buhay ko. Subalit, isang malaking pagkakamali pala ang pagtira ko sa poder ng aking tita Celeste.
Nakaranas ako ng pangmomolest’ya mula sa asawa niyang americano. Limang buwan pa lang ang tiyan ko noon ng pagtangkaan niya akong gahasain. Mabuti na lang at biglang dumating ang tita ko.
Kahit nakaligtas ako mula sa mga kamay ng uncle ko ay hindi naman ako nakaligtas sa galit ng tiyahin ko.
Mas kinampihan pa niya ang kanyang asawa, dahil pinalabas ng tiyuhin ko na inakit ko raw s’ya. Pinalayas ako ng tiyahin ko, kaya napilitan akong gamitin ang pera na sana ay para sa tuition fee ko. Dahilan kung bakit hindi ako nakapag-aral at ang lahat ng iyon ay inilihim ko sa aking kapatid.
Ang alam ni Ate Miles ay nakatapos ako ng pag-aaral, wala siyang ideya sa mga nangyayari sa akin dito sa America.
Ayoko ng malaman pa niya ang lahat dahil wala na akong mukhang ihaharap sa kapatid ko. Ipinadala niya ako dito para makapagsimulang muli at makabangon mula sa pagkakalugmok ko, what happened? Until here ay dala ko pa rin ang kamalasan ko.
“Mommy, why are you crying?” Nakalabi na tanong ng aking anak, saka ko lang napansin na nagsisimula na rin pala siyang umiyak.
Mabilis na pinahid ko ang luha sa aking mga mata bago pilit na ngumiti sa harap ng aking anak.
“I’m not crying, Sweetie.” Ani ko habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako dulot ng matinding emosyon.
”Is it because of the black rice, Mommy?”malungkot na tanong sa akin ni Chiyo. Ang lungkot na nararamdaman ko ay napalitan ng kasiyahan. Natatawa na hinalikan ko ang dulo ng matangos nitong ilong.
“Yeah, Sweetie, it’s because of black rice.” Natatawa kong sagot, bago muling binuhat ito at tanging panty lang ang suot na humakbang patungo sa kama. Maingat na ibinaba ko si Chiyo sa sahig saka tinuyo ang katawan nito gamit ang tuwalya. Binalot ko ng tuwalya ang aming mga katawan at sunod kong tinuyo ang gintong buhok nito, gamit ang blower.
Nakakatuwang pagmasdan ang mala anghel na mukha ng aking anak, dahil siya ay kawangis ko. Subalit, mula sa matangos nitong ilong at asul niyang mga mata, maging ang light brown nitong buhok ay batid ko na namana niya ang mga ito mula sa kanyang ama. Kaya masasabi ko na hindi pinoy ang ama ng aking anak.
Nang dahil kay Chiyo ang mabigat na problema ay naging madali para sa akin. Sa edad na twenty one ay hindi ko alam kung paano kong kinakaya ang lahat ng mga responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Pero, alang-alang sa anak ko handa akong harapin ang lahat kahit gaano pa ito kahirap.
Ang isa sa malaking problema na kinakaharap ko ngayon ay kailangan na naming bumalik ng bansa. Dahil hindi na ako binigyan ng pagkakataon ng gobyerno na marenew ang visa naming mag-ina.
Hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa aming mag-ina sa pagbabalik bansa namin sa Pinas.