Maagang tinawagan si Hazel ng kanyang ama para pumunta sa Office nito sa Makati. Iniwan din niyang tulog si Francis. Tinakpan niya ng Make up ang mga sugat niya sa Right Jaw niya. Nang marating niya ang sinabing lugar... Nakaupo siya sa Loob ng office ng papa niya nilibot ng mga mata niya ang office nito at nakita niya ang Litrato nito noong bata pa siya. Napangiti siya at natuwang kahit papano ay may puwang pa siya sa puso ng ama. "Hazel anak" Humalik ito sa ama at yumakap. "Ano pong meron Pa at naimbitahan niyo po ako dito?"Inilabas nito ang isang Black envelope at inabot sakaniya."Open it"Halos malaglag ang panga ni Hazel nang mabasa ang Titolo ng mga lupain nila sa Baguio, Zambales, Batangas at Batanas. Nakalagay din dito na lahat ng Lupain ay naka transfer na sa pangalan niya. Hin

