Chapter Two: First encounter or first kiss?

2612 Words
"Anak kamusta pala unang araw ng klase mo?" tanong ni mama havang ako ay mabilis na nagpahinga sa upuan. School works really exhausting. "Okay naman po ma, medjo nagkaproblema lang nung umaga pero okay naman po" paliwanag ko. bwesit na teacher 'yon. Maya maya ay naramdaman kong tumabi sa akin si mama Lumingon ako at rito at nakita ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. "Proud na proud ako sa iyo anak" maluha luha nitong sabi Agad naman akong napangiti at tsaka inakbayan si mama. "Ma kapag ako nakapagtapos, bibilhan ko kayo ng sariling bahay at lupa, aalis ko po kayo sa lugar na 'to, ipapa pustiso ko pa kayo" wika ko sa kanya habang malapad ang ngiti. "Eh kung nandoon pa ako sa araw ng pagtatapos mo" makahulugang sabi niya. Napalingon ako sa kanya na kunot ang noo. "Ano po ibig nyo sabihin?" tanong ko dito "Anak matanda na ang mama, baka sa susunod o makalawa wala na ak—" "Ma, andoon kayo sa araw ng pagtatapos ko, andoon kayo sa araw na natupad ko na ang pangarap ko" putol ko sa kanya. "Anak naman" "Matutulog na po ako" paalam ko dito at tsaka tumayo. "Hindi ka man lang ba kakain anak?" "Hindi na po, napagod po ako" dahilan ko Nang hindi na ako nakarinig ng sagot at agad na akong dumerecho sa silid. Pabagsak akong nahiga sa kama. Titig na titig ako sa puting kisame. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni mama. Naguguluhan ako, hindi ko alam kung bakit binibigyan ako ng D'yos ng problema na para bang hindi ko naman kayang lagpasan. Gan'to ba kamalas talaga ang buhay ko at puro pasakit ang nangyayari? O talagang marami lang akong nagawang kasalanan kaya't pinaparusahan ako ng ganito. Tama si mama. Anumang sandali ay hindi na namin siya nakakasama. Ngunit kahit gaanong paghahanda ang gawin namin, nariyab pa rin ang takot at pangamba na baka iwan nya kami. Na isang araw wala na sya. Ayoko isipin ang bagay na iyon. Ang nais ko lang ay ang matulungan ang mama at ang mga kapatid ko. Gusto kong umayos muna ang buhay nila. Yung nakikita kong maayos na ang kalagayan nila. Anong silbi ng pangarap ko kung wala naman na sa araw ng pagtupad niyon ang aking ina? Walang silbi ang tagumpay ko kung wala doon ang inay. Hindi ko kaya. Nawala ako sa pagiisip nang makarinig ako ng sunod na sunod na katok sa pinto ko. Ay hindi lang basta ito katok dahil malalakas ang bawat kaltok nito sa pinto ko. Mabilis akong tumayo upang tignan kung sino ito. Natitiyak kong hindi ito si mama dahil hindi naman ganito kalakas kumatok ang mama, sa tingin ko bisita ito o kung sino man. "Sandali!" sigaw ko matapos hindi pa rin tumitigil ang malalakas na katok. Nang nakarating sa pinto'y padabog kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Yohan. "Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong. "Grabe , gan'yan ka pala sa bisita mo" kunware ay nagtatampo nitong sabi. Nang makita nitong seryoso ako ay agad itong nagbago ng ekspresyon. "Sama ka sa amin pre, pina-alam na kita sa mama mo" sabay kindat. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Saan naman tayo pupunta?" Bahagya nitong nilapit ang bibig nya sa tenga ko para bumulong. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinasabi nitong lugar *** Maingay na musika. Mga nagkakagulong lasing. Nakakasilaw na mga lights at ang hiyaan ng mga nagsasayawan. Yan ang sitwasyon ko sa mga oras na ito. Hindi ko ba alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag na samama dito sa isang Bar. Ni hindi pa nga ako nakakapag pahinga dahil sa pagod tapos andito ako. Hindi ko naman matanggihan ang mga kaibigan ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila. Sila lang kasi ang pumapansin sa akin sa School. Kung wala sila, baka pariwala na ang School days ko. Hays "Pre enjoy the party, and enjoy the girls!" tuwang tuwang sabi ni Yohan habang hawak ang isang bote ng beer. Agad ko naman iwinasiwas ang kamay ko bilang pagtanggi. "Kayo na muna, okay na ako dito" sabi ko "Tch, ikaw ang bahala" tila nanghihinayang nitong sabi pagkatapos ay pumunta sa tumpok ng mga nagsasayawan. Lumingon ako sa kinaroroonan nila Dawin at Chadler pero napangiwi ako ng makitang abala ito sa mga babae nila. Tsk, mga siraulo Sa bagot ko ay tumungga na lang ako ng isang bote ng beer. Habang nilalasap ang mapait na lasa nito ay biglang may bumulong sa tenga ko. "Hi" Sa gulat ko ay napa-atras ako dito, naramdman ko pa kasi ang hininga nya banda sa tainga ko. Paglingon ko ay isang nakangiting babae ang nakita ko. Magandang babae Pulang pula ang pisngi nito senyales na lasing na lasing na ito. Bigla itong tumabi sa akin habang nakangiti pa rin. Ako naman ay hindi maka-kilos dahil sa gulat, hindi pa rin ako makapag react ng maayos dahil dito. "May kasama ka ba?" tanong nito sa akin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Walang ekpresyon ang mukha ko, tanging gulat. "Bakit ganyan ka makatingin?" Bigla itong sumimangot. Oh my— kahit nakasimangot sya ay sobrang ganda nya. "Ah eh miss, nasaan ang mga kasama mo?" sa wakas ay nakapagsalita din ako. Tumawa ito ng malakas na para bang nagbibiro ako sa kanya. Even her laugh is driving me crazy "Wala akong kasama eh" pag amin nito. Kumunot ang noo ko. "Wala kang kasama sa ganitong lugar? at—" tinignan ko ang suot nito. Baka blue dress syang maikli. Kaya malaya kong napagmasdan ang maputi at makinis nyang legs. Oh crap, where I am looking at?! "Ah miss, siguro mas mabuti if uuwi ka na, nako gabi na oh" wika ko. "No, I want to spend this awesome night with awesome guy!" tila tuwang tuwa nitong sabi. Tinaas pa nito ang mga kamay nya na para bang nae-excite. "May kasama ka palang guy eh" sabi ko. Seryoso itong humarap sa akin. "You are the guy I am talking about" lumaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Wh-what?" para bang nabingi ako sa mga pinagsasabi nito. "May girlfriend ka na ba?" biglang tanong nito. Why the heck she asked? "Ah eh, wala eh" naiilang kong sagot. Nguniti ito ng mas malawak kumpara kanina. Para bang lalo itong sumigla. Tinungga ko na lang ang beer ko "Ako na lang girlfriend mo hihihi" Agad kong naibuga ang iniinom kong alak dahil sa sinabi nito. "What did you say?" gulat na gulat kong tanong No, this girl is really drunked, she doesn't know what the hell she's doing She is beautiful, but she's insane! "Sabi ko ako na lang girlfriend mo!" mas nilakasan pa nito ang boses nya. "You've got to be kidding me" hindi na ako makakilos dahil sa sinasabi nito. "Ofcourse I'm not kidding you" pasimangot nitong sabi saba'y yakap sa tiyan ko. This is hell! Nagulat ako sa biglaan nitong pagyakap sa akin. Nalalaki ang mga mata ko habang pilit siyang tinatanggal mula sakin. Sinubukan kong umatras ngunit sa pag-atras kk ay sya namang pag-abante nya. She must be joking "Miss!, miss bitawan mo ako D'yos ko" hindi na ako mapakali. Napalingon ako sa kinarooronan nila Dawin at nakita kong busy pa sila sa mga babae nila kaya nasisiguro kong hindi pa nila alam ang nangyayari sa akin. Papalit palit ang tingin ko sa mga kaibigan ko at sa babaeng nakayakap sa akin. Nalintikan na. Pag nakita ako nila Yohan sa ganitong kalagayan at tiyak na aasarin ako ng mga loko na 'yon. "Miss? Miss?" tawag ko dito. Ngunit nabigla ako ng makitang nakatulog ba pala ito sa hita ko. Hindi ko maintindihan ngunit ang mga mata ko ay derecho lamang sa mukha nya. Malaya kong napagmasdan ang kagandahan nya. Mas maganda pala sya pag tulog. She is really beautiful. Napaka inosente ng mukha nya. Para bang hindi mo iisipin na umiinom pala ito ng alak. And asked random guy to be his girlfriend Luminga linga ako sa paligid. Mukhang totoong wala siyang kasama pumunta dito. Wala na akong magagawa, kailangan ko nag iuwi sa kanila ang babae na 'to. At baka mapano pa 'to dito, kargo de konsenya ko pa. Agad ko syang inilapag sa couch at tsaka dahan dahang pinasan. Pinagmasdan ko uli ito at siniguradong tulog pa rin. Lumingon ako sa direksyon nila Dawin at nakahinga ako ng naluwag dahil abala parin ang tatlo sa mga babae. Nang masiguro ko na hindi pa ako napapansin nila Dawin ay mabilis kong binuhat ang babae. At inilabas ng Bar. She's kinda heavy! Kahit pa payatot ito ay napabigat pala pasanin nito. Para akong nagpasan ng kalabaw. Agad ko itong dinala sa parking lot at iniuupo sa motor ko. Niyugyog ko ito upang magising. Luminga linga ako sa paligid upang tignan kung may nakaka kita ba sa amin, mahirap na baka mapagbintangan pang r****t. Pagbaling ko dito ay nakita kong unti unting nagmulat ito ng mga mata. "Miss, saan ka nakatira? ihahatid na kita. Wag ka magalala hindi ako masamang tao, concern lang ako sa'yo" paninigurado ko. Baka mamaya isipin nito na masama akong tao. "Ayoko pa" tanggi nito Peste "Miss, delikado sa daan baka mapano kapa" pilit ko. Gabi na at pagala gala ang mga tarantado sa daan, baka mamaya machempuhan nila ang babae na ito at gawan ng hindi kanais nais. "Sige uuwi ako" Thank Goodness. "Pero sa isang kondisyon" Salubong ang kilay kong lumingon sa kanya. "Anong kondisyon?" tanong ko Ngumiti ito ng nakaka-loko. "Lapit ka, may ibubulong ako" nang matapos na ay agad akong lumapit. Ngunut hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ay hinigit nya na ang leeg ko at siniil ng halik. Lumaki ang dalawa kong mga mata dahil sa gulat. Ang katawan ko ay parang naparalisa dahil sa mabilis na pangyayari. Wala akong lakas para tumanggi. She's kissing me! God! Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit parang ayaw ng utak at katawan ko na lumayo dito. Na para bang gusto pang palalimin ang halik. Parang gusto ko pang hindi matapos ang sandaling ito. Hinayaan ko ang sarili kong magdesisyon. Pinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang mga pisngi nya. Sa unang pagkakataon ay nakahalik ako ng babae. Ganito pala ang pakiramdam. Mainit Masarap Tumagal ng ilang segundo ang pagiisa ang aming labi, bago tuluyang maghiwalay. Kapwa kami humahabol sa hininga. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "You are a good kisser" baling nito sa akin. Naiilang akong humarap sa kanya. Damn it Denver, you kissed a drunked girl! "Bakit ang seryoso mo?" biglang tanong nito Humarap ako dito. "Can I kiss you again?" tanong ko dito WHAT THE f**k DENVER?! DID YOU JUST ASKED HER TO KISS HER AGAIN?! "Ofcourse" she replied with a smile. Ilang segundo akong natulala bago rumehistro sa akin ang sinabi nito. Hindi na ako nag-atubili pa at siniil sya ng malalim na halik. Ramdam na ramdam ko ang malambot nyang labi. At ang mainit nyang hininga. Magkahalong alak ang lasa ng labi nya, she was drunked afterall. Muli ay habol hininga kami nang maghiwalay ang mga labi namin. Pareho kaming nakangiti na tila ba may sariling mundo. This kiss. When we kissed, is like we are creating a world we called ours. "Umuwi na tayo" paalala ko, lumalalim na din kasi ang gabi. *** Habang nasa byahe ay nakatulog ito. Nakayakap pa ito sa akin at ako naman ay pasimple syang sinisilayan. I can't believe that I kissed this girl a while ago. She is more like angel when she smile. Hindi tuloy maalis ang ngiti sa labi ko. Hindi ko rin maitindihan ang sarili ko bakit ganito ang nararamdaman ko. Nang nakarating kami sa address na sinabi nya ay magkahalong gulat at pagkamangha ang naramdaman ko. Hindi ko akalain na ganito pala siya kayaman. Ang laki laki ng bahay nila. Kahit mismong gate nila ay talagang engrande. Napapalibutan ng halaman ang puti nitong bahay. Para tuloy itong isang palasyo. "Andito na tayo" gising ko dito. Nagmulat ito ng mga mata at tsaka lumingon sa akin. "Thanks for driving me home" nakangiti ito. "You're wellcome" Iika ika itong tumayo dahil na rin sa epekto ng alak, mabuti nalang at mabilis ko syang naalalayan. Hinatid ko sya hanggang gate at doon ay tila ba sumama ang loob ko. Ang gusto ko pa sana ay makasama sya ng mas matagal, ngunit hindi naman iyon pwe-pwede. Humarap ito sa akin. "Goodnight" nakangiti parin ito. Ngumiti ako "Goodnight" Ngunit bago ito tuluyang pumasok ay ginawaran pa ako nito ng masuyong halik sa labi. Nagulat man ay agad akong napangiti. "Wag ka malungkot, ayan may kiss na" natatawa nitong sabi Natawa na din ako at tsaka nagpa-alam na sa kanya. "Bye!" "Goodbye, thanks for the night" sabi ko. *** Hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Sana makita ko uli sya. Well, hindi ako expert pag dating sa pagtukoy ng nararamdaman pero sa tingin ko may gusto ako sa kanya. Malas lang dahil hindi ko man lang natanong ang pangalan nya. Pabaling baling ako sa higaan, iniisip kung maari ko ba syang makita uli. Sana maalala nya ako Kung sakaling magkita kami, maalala nya kaya ako? Hays, bahala na si RobinHood. *** Kinabukasan ay masigla akong bumangon. "Anak anong nakain mo at parang buhay na buhay ka yata?" tanong ni mama ngunit nakangiti naman. "Wala ma, ganito na ako noon pa" "O sya sige, susunduin ko na pala ang mga kapatid mo. Gusto mo ba sumama?" tanong nito. "Hindi na po ma, baka malate ako. May pasok ako di'ba po?" sabi ko "Ay oo nga pala, nakalimutan ko" natatawa nitong sabi. "O sya sige aalis na ako ha? ikaw na bahala mag lock ng bahay" bilin nito. "Opo" sagot ko habang ngumunguya. Maya naya pa ay umalis na si mama. *** Matapos kumain, maligo at magbihis ay kinandado ko na ang bahay. Mas mabuti nang maaga ako pumasok upang makabawi ako sa prof namin na pinagalitan ako. Nang masiguro na nakasara na ang lahat ay dumirecho na ako sa likod bahay at kinuha ang motor ko. Buti na lang at binigyan ako ni lolo ng ganitong motor para less commute na ako. Bigla ay naalala ko ang babae kagabi. Ang maamo nitong mukha at ang inosente nitong awra. Malas lang dahil hindi ko natanong ang pangalan nya. *** Nang nakarating sa paaralan ay nilibot ko ang paningin ko at nakita sila Yohan na nakatambay sa ilalim ng puno malapit sa fountain. Maaga pa naman kasi kaya siguro nakatambay pa ang mga 'to. Agad ko silang nilapitan. Nang makita nila ako ay agad ko silang kinawayan. "Pre bakit nawala ka kagabi?! bibigyan sana kita ng dalawang babae!" nanghihinayang na sabi ni Chadler. "Gago, sainyo na lang" natatawa kong sabi "Pero pre bakit bigla ka nawala kagabi?" tanong ni Dawin. Napangiti ako ng maalala ko ang babae kagabi. Lagi sya sumasagi sa isip ko kanina pang umaga. "Pre?" tawag sakin ni Dawin para mawala ako sa imahinasyon ko. "Tumawag kasi si mama, pinauuwi na ako" palusot ko. "Kanina kapa nakangiti, naka droga kaba?" Tatawang tanong ni Yohan. "Baliw, good mood lang" Tumango tango naman sila. Maya maya pa ay parang nagkakagulo ang mga studyante sa 'di kalayuan. "Hays eto nanaman tayo" dismayang sabi ni Yohan. "Bakit anong meron?" tanong ko "Andyan nanaman kasi si Aki, pinagkakaguluhan nanaman" si Dawin ang sumagot. "Sino si Aki?" "Si Akira Santiago, yung kaklase nating sikat sa school na 'to" wika ni Chadler "Ayun sya oh" turo ni Yohan. Pagtingin ko sa tinuturo ni Yohan ay tila hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Nanlalaki ang aking mga matang nakatitig sa sinasabi nilang Akira. Nakita ko uli sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD