NAGISING siya sa hindi pamilyar na kawarto. sigurado siya na wala siya sa hospital at lalong wala siya sa unit ni mandy. sinapo niya ang ulo niya dahil kumirot iyon ng kaunti. narinig naman niya ang pag tunog nang tiyan niya. gutom na siya, gutom na gutom. umupo siya sa kama at kinusot ang mata niya. nilibot niya ang paningin niya at ang tanging nakita niya lang ay simple pero malaking kwarto. " gising ka na pala hija " agad siyang napatingin sa nag salita. " d-don fabio?" nginitian siya nito at tinanguan. "kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang papalapit sakaniya, umayos naman siya ng upo. "okay naman po--" natigil siya ng may pumasok na maid na may dalang pagkain kaya mas lalong tumunog ang tiyan niya. nakagat niya ang labi ng makitang ngumisi si don fabio. mukhang narinig

