LUMABAS siya ng bahay dahil umalis na ang kaniyang lolo para pumunta sa farm, bukas nalang niya siguro bibisitahin ang farm. umupo siya sa sun lounge at tinignan ang karagatan. napangiti siya dahil hindi nag bago ang tanawin, maganda parin. presko ang hangin dahil maraming puno na nakapalibot sa isla. hinubad niya ang suot na tsinelas at nilagay sa tabi. tumayo siya para maglakadlakad malapit sa dagat. rinig niya ang alon ng dagat at huni ng mga ibon. nakarating siya sa dagat at huminto siya ng hanggang tuhod na niya ang tubig. pumikit siya at dinamdam ang preskong hangin. hindi naman masiyadog mainit kaya okay lang sakaniya. napapitlag siya ng may yumapos sa bewang niya. "stay.. please.." mahina ang boses nito at ramdam niya ang kalungkutan sa tono ng pananalita nito. "l-logan--" " c

