CHAPTER 26 "IPINAKILALA"

2272 Words
AMARI Pagdating ko sa Unit ay Dumiretso agad ako sa banyo at nag half bath, pakiramdam ko kasi ay nakadikit parin sa katawan ko ang katas na nilabas ni Midnight kanina na tumilamsik sa akin. Saka ako nagbihis ng pang tulog. Bago ako pumunta sa kusina at nagtimpla ng gatas na aking iinumin. Nakita ko pa si Midnight at kumaway pa sya sa akin at ganon din ako sa kanya. Samantala bago ako pumasok sa aking kwarto ay sumilip muna ako sa kwato ni Ate, tulog na sya. Masama parin siguro ang pakiramdam nya. Habang nasa kwarto ay magka chat parin kami ni Midnight, hangang sa mag Good night narin kami sa Isa't isa dahil lumalalim na ang gabi. Talagang simula ng maging kami ay talagang nagbibigay kami ng time sa Isa't isa. Lumipas pa ang mga buwan ay nananatiling tago ang relasyon naming dalawa Hangang sa sabihin ko na rin kay Ate na Limang buwan na kaming mag Nobyo ni Midnight. Ang sabi nya naman ay medyo nahahalata nya na ang kinikilos namin ni Midnight, gusto nya lamang daw na sa akin mag mula. Dahil Sem Break na ay inaya ako ni Midnight na sumama sa kanila. Inaya ko ang Ate Avani ngunit nakapag Oo na din daw kasi sya Kay Xylas dahil inaya daw sya ng Family nito sa isang Bakasyon, pupunta daw ang mga ito sa Quezon Province at isinama na sya sa sched at book sa hotel. Kami na lamang ni Midnight ang pupunta sa kanila. Medyo excited na rin ako na makita muli ang Family ni Midnight. At ipakilala nya ako ng personal bilang Nobya nya. Nagdala lamang ako ng Maleta na 14 inches, 4 na araw lang naman kasi kami doon sa kanila. Bago kami umuwi ay inaya ko muna si Midnight na bumili kami ng pasalubong, gusto ko na may pasalubong ako kina Tita Sheng. Dahil nga mag ha Holiday ay medyo trapik almost 2hrs and a half ang naging byahe namin, pero sabi ni Midnight kapag hindi ay 1 and A half lang ay kaya. Dahil after lunch kami umalis ay hapon na kami nakarating. Pagpasok palang ng gate ng Farm ay dama agad ang simoy ng sariwang hangin nagpunta na kami rito last time noong may kinasal pero umuwi din kami same day. Nakakatuwa pag masdan ang berdeng taniman, maging ang mga baka na malayang kumakain ng damo sa pastulan. Kita rin ang malawak na lupain. Ang sabi ni Midnight ay lupain daw iyon ng Kaibigan ni Tito Keegan na kilala bilang Major Escobar, at Ang Kabilang lupain naman daw ay pag aari ng Pamilya nila Tito Xavier Tatay ni Xylas,. Kaya lamang daw sila napatira dito ay Binentahan sila ni Major ng Lupa at ang ibang lupa ang kusang loob na binigay sa kanila para pag taniman. Napakabait naman ng Major Escobar na iyon, Sya yung Tatay nong ikinasal dati. Sa loon ng Farm ay Tanaw ang Bahay ng tinatawag nyang Tito Yohan o mas kilala bilang Major Escobar, Napakalaki ng bahay nila, Sa Kabila naman ay ang Bahay ng Lola ni Xylas, Luma na ito ngunit kita parin ang ganda nito at Sa Kahilera naman sa bandang dulo ng kina Major ay ang Bahay na nila Midnight. Hindi ito kasing laki ng dalawang bahay ngunit Maganda rin ito. Bongalow type ito na malawak din ang hardin. Habang papalapit na kami ay Kita ko na agad anh Pamilya ni Midnight na nakaabang sa labas ng Bahay. Nakangiting Tita Sheng at Tito Keegan Ang sumalubong sa amin. Samantalang kalalabas lang din ng kapatid nyang si Keenan at Freya Kathrice. Pagkababa namin ay payakap na sinalubong agad nya ng mga kapatid nya. Samantalang ako naman ay sinalubong ni Tita Sheng saka niyakap at Bineso. "Welcome Amari, Tuloy, mabuti nakarating ka dito sa amin, last time kasi saglit lang kayo, di bale ngayon ilang araw kayo dito, kumusta pala ang Mommt at Daddy mo?" Tanong ni Tita Sheng sa akin. "Ayos naman po sila Tita." "Hi Amari, Feel at home ka dito ah, hwag ka mahihiya." Dagdag pa ni Tito Keegan. Samantalang yumakap din sa akin ang Kamba l. Iginiya narin ako ni Tita Sheng papasok ng Bahay habang si Midnight na ang nagbitbit ng gamit ko. Pinag meryenda muna kami ni Tita Dahil nga sa mahabang oras na binyahe namin. Si Tita naman ay nag hihimay ng Gulay para daw sa Dinner mamayang gabi. After ko mag Meryenda ay Tumulong muna ako sa kanya. Pinagbihis nya muna ako ng Pambahay. Medyo nakaramdam ako ng Hiya, puro maiiksing short pala ang nadala pati ang damit ko karamihan ay croptop, 1 piraso lang ang T-shirt. Huminga ako ng Malalim saka lumabas, Napatingin sa akin si Tita, Dismayado ba sya? "Sorry Tita, Hindi ako nakapag bitbit ng mahabang short." "Hmm..Ganon ba, Baka mabaguhan ka Hija, malamig dito sa farm di gaya sa Maynila, hindi bale pahihiramin na lamang kita, marami ako Dyan mga damit ko noong dalaga ako, magkasing katawan tayo noong araw hehe." Wika ni Tita Sheng, Hindi naman sya mataba ngayon sakto lang naman ang katawan nya. Nang unang gabi namin doon ay maaga kami kumain ng hapunan 6:30 palang ay kumain na kami, Napakasarap ng Gulay na Kagyos na merong Buto-Buto. Napakasaya ng Family nila Midnight, Kita ko na naman ang Family Picture nila na gaya ng sa Condo ni Midnight. Dito nga lamang ay Completo. Sa unahan ay Picture ng Kasal ni Tito Keegan at Tita Sheng. Sa ibaba ay picture ni Midnight at Kakambal nito nong Baby pa sila. At sa ilalim ay picture ni Keenan at Kathrice. At sa bandang ilalim ay noong malalaki na sila. After kumain ay Tumambay muna ang buong Pamilya sa Sala. Ngunit tila nakaramdam na ako ng Antok. "Antok kana Babe?" "Medyo Babe" sagot ko sa kanya "Ma, inaantok na po si Amari, Magpapahinga na po muna kami." "Sige Anak, Magpahinga na kayong Dalawa sa Kwarto mo." Anya ni Tito Keegan. Ngunit nagsalita si Tita Sheng "Amari Hija, Good night, Sige na Magpahina ka na, Maayos na ang kwarto ni Kathrice doon ka matutulog sa room nya." Nakangiting wika ni Tita Sheng kaya natawa din ako. "Sige po Tita, Good night din po." "Tara Ate Amari, doon na tayo sa kwarto." Aya sakin ni Freya Kathrice. Ngunit bago ako pumasok ay uminom muna ako ng tubig. At Narinig ko ang usapan ni Tita Sheng at Tito Keegan. "Mommy, bat ayaw mo pag samahin sa kwarto ang dalawa mag nobyo at Nobya naman sila ah" tanong ni Tito. "Daddy, Malamig dito sa atin, paano kung may mangyari sa kanila?" "Eh bakit Mommy, Tingin mo ba wala pang nangyayari sa kanilang dalawa? "Ramdam ko wala pa, May tiwala ako sa anak ko remember, Pero malamig dito sa atin, baka di makatiis ang mga yan," "Hmm..Sa Bagay, Kapag nga nakahiga tayo gusto ko na Hawak mo ang Itlog ko." Dahil doon nabubuhayan tuloy ako." "Oo tapos nauuwi sa Toyi Ano, Sasabihin mo isa lang tapos uulit pa, tapos sa madaling araw mangangalabit kana naman." Dinig kong sabi ni Tita kay Tito kaya natawa na lang ako at napailing. Ang hilig pala ni Tito Keegan, Si Midnight kaya ganon din?." hindi mawalang tanong ko sa aking sarili. Bago pumasok sa silid ni Freya ay nag Goodnight muna ako kay Midnight. Nagulat pa ako ng halikan nya ako kahit nasa harapan kami ni Tita Sheng at Tito Keegan. Smack lamang iyon pero tila pinamulahan ako ng pisngi. Nagpaalam na rin ako kina Tito at Tita bago pumasok sa silid ni Freya. 3RD PERSON Kinabukasan ay maaga gumising si Midnight, Nag usap kasi sila ng ama nito na pupunta sa Farm, Palaisdaan at sa Ilog upang kumuha ng Gulay at upang manghuli na rin ng isda. Bago naman umalis ang binata ay nagtungo muna ito sa silid ng kapatid na si Freya para sana mag paalam sa nobya ngunit mahimbing ang tulog nito. "Anak, nagpaalam ka na ba kay Amari?" Tanong ng inang si Sheng habang iniabot ang baong kape ng Mag Ama. "Mahimbing po ang tulog ni Amari Mama, Pakisabi nalang po sa kanya mamaya na kasama ko si Papa." "Sige anak, ako na lamang ang mag sasabi kay Amari, napasarap ang tulog, napaka presko kasi dito sa atin." Anya naman ni Sheng. "Opo Ma, ayoko na po syang abalahin para makabawi po sya ng tulog. Kapag sa Manila po kasi ay madalas sya managinip ng di Maganda, minsan daw po ay nagigising sya ng alangan." "Ganon ba anak? Mabuti na nga nahayaan mo na muna magpahinga, pero natutuwa ako anak, parang di na sya ang batang Maldita na palaging nang aaway sa iyo noon." "Opo Ma, kahit ako naman po, kita ko naman po ang pagbabago ni Amari, hindi ko naman po sya gugustuhing maging nobya kung hindi ko po sya Mahal." Anya naman ni Midnight sa ina. Maya maya lamang ay umalis na rin ang mag ama at nagtungo na sa Bukid at sa Ilog. Bandang ala syete nang magising si Amari. Tila nahiya pa ito nang mamalayan nya na ala Syete na pala ng umaga ngunit naka higa pa sya. Dali dali syang nag tupi ng higaan saka mabilis na nag sipilyo, saka lumabas ng kwarto naabutan nya sa Dining area ang Mag inang Freya at Sheng. "Good Morning po Tita Sheng, Good morning Freya. "Good Morning Ate." "Good Morning din Hija, Halika na muna at Mag almusal." Aya nito sa kanya. "Pasensya na po Tita, Napasarap po ang tulog ko tinanghali po ako ng Gising." nahihiyang wika ng dalaga. "Naku Hija ano kaba, wala iyon saka bilin ni Midnight na hayaan kang magpahinga." Nakangiting wika ni Sheng habanv ipinaghain si Amari ng Champorado. "Ahm..nasaan po pala si Midnight Tita." Tanong ng dalaga ng mapansin na wala ang Nobyo. "Naku kasama ng Papa nya, Pumunta sila sa Farm at Sa Ilog na rin para kumuha ng Pang Ulam natin mamaya. Si Keenan naman ay Sinundo ng Mga Kaibigan dahil may Jogging kanina." "Ah, kaya po pala napakatahimik." "Oo Hija, ganito kami dito, Sariwa nag hangin, tanging Huni ng mga ibon saka ng ibang hayop ang maririnig mo, malayo sa Polusyon at higit sa lahat, Payapa." Anya nito habang nakangiti kay Amari. "Opo nga Tita, Di gaya sa Maynila, Maingay, Puro Usok pa." "Totoo, kaya mas pinili namin na manirahan dito at least kahit papano ay Presko at Payapa parin." Anya parin ni Sheng. Matapos kumain ay sya na ang nag presinta na mag hugas ng ugasin. At pagkatapos noon ay saka sya maliligo, ayaw nya naman madatnan sya ni Midnight na hindi pa naliligo kaya makalipas amg ilang Minuto ay naligo narin sya. Naalala na naman nya ang damit nya Maong Short At Croptop na naman. Magsasabi pa lamang sana sya kay Sheng ay lumabas na ito ng kwarto dala anf mga bestida nito. "Eto Hija, Kasya ito sayo, Damit ko ito Noon, Magkasing katawan tayo kaya alam kong sakto ito sa iyo." Nakangiting wika ni Sheng saka iniabot ang 3 Klaseng bestida. Nakangiting inabot naman ito ng dalaga. Medyo lumang style na ito ngunit naging maganda parin ito ng suot ito ni Amari. Matapos nyang maligo ay nagbihis na sta at inayos ang sarili, baka kasi dumating na rin sila Midnight. Nag apply parin sya ng Cream kahit nasa bahay saka naglagay ng lipbalm. Saka nya lumabas sa kwarto. Pag labas nya akala nya ay sila Midnight na ang dumating ngunit si Keenan pala, may Bitbit itong Isda. "Mama, eto po ang Isda Pinadala ni Papa para mailuto na daw po, Nasa Farm pa po Sila nangunguha pa po ng Buko. At Papaya." Anya ni Keenan saka iniabot sa ina ang Matatabang Tilapya meron ding dalang Sugpo ang mga ito. "Salamat Anak, pauwi na rin ba sila?" "Opo Ma, pauwi na rin po narito narin sila maya maya." Anya pa mg binatilyo. Nagsimula na mag asikaso ng Pananghalian si Sheng. Habang tinutulungan naman sya ni Amari. Si Amari na ang humarap sa Ginataang Tilapya na uulamin nila sa Pananghalian. Habang abala ang Dalawang Babae sa Pagluluto, hindi na nila namalayan ang Pagdating ng Mag Ama. Halos napamaang naman si Midnight ng makita si Amari na nakasuot ng Daster ng kanyang Ina, Nakatali ang Buhok, naka pamewang ang isang kamay habang ang isa ay may hawak na sandok at tinitikman ang niluluto. Namalayan na naman ni Sheng ang pagdating ng mga ito kaya agad itong sumalubong sa asawang si Keegan. "Baby," Tawag naman ni Midnight sa Dalaga, lumingon naman ang dalaga saka nakangiting tumingin dito. Mabilis na lumapit naman dito si Midnight at Niyakap ang Nobya. "Baby, Ang cute naman ng Suot mo, nabigyan mo ng Hustisya ang Daster ni Mama hehe." "Haha, bakit? Di ba bagay? Nakakahiya kasi eh, puro KiffyShort pala ang nadala ko, nahihiya ako hehe." Anya ng dalaga na sila lamang ang nakakarinig. "Hehe...Hmmm..Bagay sayo Baby, Hindi ka parin Mukhang Nanay kahit naka Daster ka, pero nakikita ko sayo yung Pagiging Future asawa at Future Mama balang araw, Kapag Kinasal na Tayo at Kapag bumuo na tayo ng sarili nating Pamilya." Anya ng Binata dito. Napangiti naman ang dalaga, ngunit may kirot din sa isang banda, Paano kapag nalaman ng mga magulang nya ang Pakikipag relasyon nya kay Midnight, hindi nya alam ang magiging reaction ng mga ito lalo na ng kanyang Ina. At Paano rin kapag nalaman ng Pamilya ni Midnight na naipagkasundo na sya sa iba, kahit pa sabihing panandalian lamang iyon alam nya na merong masasabi at Masasabi ang mga ito. Sa ngayon ay kay Midnight lamang sya kumakapit, Tanging Sumpaan at Pagmamahalan lamang nila ni Midnight ang kinakapitan at Hinahawakan nya. "I love you Baby" "Mas Mahal kita Babe Amari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD