“KUMUSTA? Tumigil na ba ‘yong nagpapadala ng threats sa’yo?” tanong ni Trish. “Nitong mga nakaraan araw wala naman na akong natatanggap,” sagot ni Iris. “Sana nga tuloy-tuloy na,” sabi naman ni Josie. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang magsimula siyang makatanggap ng mga death threats. Mas pinalawig pa ni River at mga pulis ang paghahanap sa taong patuloy na nagbabanta sa kanyang buhay. Matapos ang ilang araw na imbestigasyon sa wakas ay nagkaroon na ng lead sa location ng suspect. Ang investigation team ni River na binubuo ng mga private investigators, hackers, and top-notch computer programmers. Ang mga ito ang nakahanap location ng taong nagpapadala sa kanya ng mga threats at mula ito sa Makati City. Kaya agad sinugod ng mga pulis ang address na nakuha nila. Nguni

