NASA importanteng tawag si River nang marinig niya ang tungkol sa panggugulo ni Tessa. Ngunit ganoon na lang ang pag-ahon nang kanyang takot nang malaman na nasa ibaba rin si Iris at ito pa mismo ang nagpapasok sa babae. Agad niyang tinapos ang tawag at tumakbo sa ibaba. Mabuti na lang at nakarating siya sa lobby bago pa man tuluyan mapahamak si Iris. Ngunit nakaligtas nga ito sa kapahamakan dulot ni Tessa, bigla naman tumaas ang blood sugar nito. And it has been nearly three hours since she lost consciousness. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkakamalay kaya hindi mawala ang takot sa kanyang puso. At ayon sa doctor ay stress ang dahilan kung bakit tumaas ng husto ang blood sugar level. “Love, please wake up. You’re scaring me,” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni River habang hawak

