“WHAT do you want to do today?” tanong ni River sa kanya. “Wala. Gusto ko lang dito sa bahay. I just want to rest this whole day. Bukas may pasok na naman.” “Okay. Just tell me if you want to go somewhere. O baka gusto mo mag-shopping?” “Anong shopping? Hindi ko pa nga natatapos ayusin sa closet ang mga pinamili natin sa Singapore, shopping na naman ang iniisip mo.” Natawa ito. “Sige na, hindi na.” Naroon silang dalawa sa sala. River was sitting and leaning against the armrest of the sofa, while Iris was sitting in between his legs and leaning on his broad chest. Nakayakap ito sa kanyang leeg habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan. It’s already ten in the morning. Katatapos lang nila mag-brunch. Halos pasado alas-diyes na sila nagising. Iris and River stayed up all night a

