LUTANG AKO HABANG chini-check-up ako ng doktor. Nag-hi ako kay Migs kanina. Na kabastusan naman kasi kung hindi ko siya papansinin. Hindi ko alam pero ang strange lang? Parang hindi siya nagulat na nakita ako rito? Eh, kagabi lang, multo niya akong nakausap at tumalon mula sa itaas ng building. At ngayon, makikita niyang malaki ang tiyan ko dahil buntis ako. Naupo siya sa tabi ko at kinausap ako. Nasabi ko sa kanya na limang buwan na akong buntis. Small world sabi niya kinalaunan dahil dito ko sa clinic na ito naisip magpa-check, na pag-aari pala ng nakakatanda niyang pinsan na babae na kanyang dinalaw ngayon at saktong narito ako. Ang doktor ngayon na nagchi-check-up sa akin ang pinsan niya. At nag-aya siyang mag-lunch kami after ng check-up ko. Tumanggi ako dahil sabi ko ay may kasama ak

