FELICITY
Nakatulog agad si Bliss pagkauwi namin ng bahay. Siguro ay napagod siya nitong mga nag-daang araw.
Agad din naman ako natungo ng banyo para makaligo at gusto kong alisin ang mga nakadikit na virus sa katawan ko na galing sa lalaking iyon.
Napahaplos ako sa leeg ko nang makita kong nandoon parin ang bakas ng mga halik na iniwan niya sa akin. m******s talaga 'yong Calib na 'yon. Hmp! Kung hindi lang dahil kay Bliss ay matagal ko nang binuwis ang buhay ko kesa maglingkod sa kanya.
Nagpalit na ako ng damit pantulog tsaka humiga sa kama. Ugh, pakiramdam ko ang tagal kong hindi nakapagpahinga dahil sa kakaisip sa anak ko.
Kinabukasan...
Una kong agad na inasikaso ay si Bliss. Habang naliligo siya ay hinandaan ko na din siya ng breakfast para makapasok na siya sa school at ilang araw din siyang nawala.
Pagkalabas niya ng banyo ay binihisan ko na din siya ng uniform niya.
"Oh siya! Kumain kana dyan anak at mag-aayos na din ako para maihatid na kita." Saad ko.
"Aye Mommy!" Tugon niya naman tsaka nagsimulang kumain.
CALIB
Napahinto ako sa harap mismo ng bahay ng address na binigay sa akin ni Zayne.
Bumaba ako ng kotse tsaka diretsong pumasok sa loob ng bahay since bukas na bukas ang pinto nito.
"Mister!" Agad akong sinalubong ng batang pilyo.
"Where's your mom?" I asked.
"She's probably upstairs." Sabay turo niya sa itaas.
Sinuri ko naman ng maigi ang bawat sulok ng bahay nila. Bakit ba iniiwan niyang bukas 'yong pinto habang nasa baba 'yong anak niya. Tsk!
"Let's have some breakfast mister!" Aya niya sa akin.
"Stop calling me Mister kiddo." Saad ko at ginulong muli ang buhok nito.
"Eh ano pala dapat ang itawag ko sa'yo?" Tanong niya.
"You can call me..." I paused at tila saglit na nag-isip. "Daddy. Hindi ba't sabi mo wala kang Daddy? There, you can call me Daddy." Saad ko.
"Whoa! That's cool." He blurted. "But you're not my Daddy. I'm sorry but I can't." He added.
"It's up to you." I tapped his head again tsaka ako umakyat sa taas hanggang sa napadaan ako sa isang bukas na kwarto kung saan nakita ko siyang muli na walang saplot habang may tuwalya na nakapulupot sa buhok na tila ba kalalabas lang niya ng banyo.
Napasandal ako sa pintuan then I crossed my arms habang pinagmamasdan siya.
"What a nice view." Giit ko na siyang dahilan para mapatingin siya sa akin.
Bahagya siyang natulala ng makita ako at hindi agad nakapag-react.
"And... what a sexy body." I half smiled.
She blinked a few times and--
"Ahhhhhhhhhhhhhh!" She yelled.
Agad niya akong itinaboy at pinagsarhan ng pinto.
I just chuckles habang bumababa ng hagdan.
"Mister what happened? Bakit sumisigaw si mommy?" Nag-aalalang tanong ni Bliss.
"Nothing. It's an adult thing kiddo." Tugon ko at tumango naman siya.
FELICITY
"Ahhhhhhhhhhhhhh!" napahiyaw ako ng wala sa oras dahil sa biglang pagsulpot niya sa bahay ko.
Agad ko siyang tinulak palabas tsaka pinagsarhan ng pinto.
Noong una'y akala ko namamalikmata lang ako pero totoo palang nandito siya. Hay naku!
Agad akong nagbihis at baka kung ano nanaman ang maisipan ng lalaking iyon. Isa siyang malaking m******s sa balat ng lupa. Hmp!
Pagkatapo kong mag-ayos ay bumaba na din ako at naabutan ko 'yong dalawa sa baba na naglalaro.
Bahagya akong napahinto sa paglalakad dahil sa senaryo na naabutan ko. Bakit parang may pagkakapareho si Bliss kay Calib?
Hay naku! Ano ba itong naiisip ko. Napailing nalang ako.
"Bliss halika na." Tawag ko sa anak ko na agad din namang lumapit sa akin.
"Mommy, pwede bang sumama si Daddy... I mean mister Calib sa paghatid sa akin?" Bahagyang namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Bliss. Did I heard it right?
"Anong Daddy? Bliss, hindi mo siya Daddy so don't call him Daddy." Paglinaw ko sa kanya.
"Ako nagsabi sa kanya no'n." Sabat ni Calib.
"At ikaw? Bakit kaba nandito?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"May masama ba? I'm your master. Pwede akong pumunta dito kahil kailan ko gusto." Giit niya.
"And who gave you a permission to enter my house?" Sambit ko.
"I don't need to ask a permission from my slave." He smirked.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Nakakainis talaga ang ugali niya! Isang bastos na ewan.
"Let's go Bliss." Hinatak ko na agad si Bliss palabas ng bahay bago pa man ako mamatay sa high blood.
Pagkalabas niya ay sinarado ko na din 'yong main door.
"But mommy..." ani ni Bliss.
"Sasama ako. You drive." He winked tsaka pumasok sa loob ng kotse kasama si Bliss.
"Bakit dito kapa sasakay eh may kotse ka naman?" Mariing sabi ko.
"I don't f*cking care. Just drive." Utos niya.
Kung maka-utos naman 'tong hinayupak na 'to.
"Wag po kayong mag-away mommy." Sambit ni Bliss.
"We're not fighting kiddo. Your mom loves me so much." Napakunot noo ako doon sa sinabi niya tsaka ko siya tinitigan masama.
Kung anu-anong kasinungaling 'tong pinagsasabi nito sa bata.
"Keep your eyes at the road. Hindi naman siguro ako mukhang kalsada para titigan mo ng ganyan." Sambit niya.
"Paano ka magiging kalsada eh isa kang demonyo..." I uttered.
"Ang gwapo ko namang demonyo." He smirked.
"Ewan ko sa'yo!" Kung hindi lang ako nagta-trabaho sa kanya ay baka kanina ko pa siya pinababa ng sasakyan.
"Mister? Nag-aaway nanaman ba kayo ni Mommy?" Tanong muli ni Bliss.
"No kiddo. We're not." Tugon ni Calib tsaka ako hinalikan sa pisngi. "See? We're not fighting." Dugtong pa niya.
Muli akong napatingin sa kanya at tila ba gusto ko na siyang sakalin kaso nagmamaneho ako.
"Relax..." giit pa niya tsaka ako kinindatan.
Ano bang trip niya sa buhay? Hindi ba siya busy? Siya ang master ng Heaven's Gate pero ito siya ngayon, ginugulo ang buhay ko.
"Bye Mister! By mommy!" Kaway sa amin ni Bliss tsaka pumasok na loob ng room.
"Ah, kayo ba ang parents ni Bliss. Tamang tama at may meeting ang parents mamaya pagkatapos ng klase. Wag na po muna kayong umalis." Giit ng guro ni Bliss.
"Sige po." Tugon ko naman at napatingin kay Calib pagka-alis ng guro.
"Oh? Ano pang ginagawa mo dito? Umalis kana. Day off ko diba?" Pagtataray ko.
"Aalis na sana ako kaso sa tuno ng boses mo ay tila ba gusto ko pang manatili." He crossed his arms habang nakatingin sa akin.
"Ano bang trip mo sa buhay? Wala ka bang magawa?" Iritang sabi ko.
"You're just my slave and you don't have the right to ask me anything unless... you have my permission." Giit niya tsaka iningat 'yong chin ko at hinalikan sa labi.
"Bastos ka!" Bahagya ko siyang itinulak.
"Bastos kapag hinubaran kita." Sabad niya.
Tinapunan ko nalang siya ng matalas na tingin. Bwiset ka talaga Calib!
To be Continued...