CALIB Napatingin kay kay Itchen nang makita ko ang nilalaman nang papel na binigay sa akin. "Siya ang ina." ani Itchen. "Sigurado ka?" tanong ko. "Hindi." lalong tumalas ang tingin ko sa kanya nang dahil sa sagot niya. "Alam kong pagdududahan tayo ni Lara kaya nagsagawa pa ako ng isang test na malayong pagdudahan niya. At ito ang naging resulta..." abot niya sa akin ng isa pang papel. Napasuntok ako sa pader nang mabasa ko ang nilalaman nito. "Ano ba talaga ang totoo?" napasuntok akong muli at tila naisahan ako ni Lara sa loob ng dalawang taon. Parehong test ang isinagawa ngunit mag-kaiba ang resulta. Isang positibo ang isang negatibo. Alin ang katotohanan? "Hindi siya ang ina..." sabad naman ni Zayne. "Kung ganoon ay sino ang ina ni Seri?" nagtatakang tanong ni Itchen. Hindi

