FELICITY *PAK* *PAK* Kaliwa't kanan ang umaatake sa amin ngunit bigo pa rin sila na dakpin ako habang nanatiling nakatago sa likuran ko si Fifth. Isa siyang malaking duwag! Tsk! "Tara na! Umalis na tayo." Hila sa akin ni Fifth nang may humila rin sa kabilang kamay ko na siyang ikina-gulat ko. "Back off! She's mine!" Giit nito tsaka ako hinatak palapit sa kanya na siyang dahilan upang masubsob ako sa dibdib niya. Damn! He's using the same perfume. Hindi na siya nakabihis Laures ngayon. Ang bilis naman ng pangyayari. But wait, anong ginagawa niya? "E-elay..." tawag sa akin ni Fifth at nanlisik naman ang mga mata ni Calib dito. "You idiot! Kill him!" He ordered. "No! She's not yours!" Pagmamatigas ni Fifth at hinawakan muli ang kamay ko. "Do you wanna die?" Banta ni Calib. "Stooop!

