FELICITY Malalim na ang gabi ngunit dilat parin ako at hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi ang mga naganap ngayong araw. Parang hindi parin tinatanggap ng utak ko ang katotohanan. Katotohanang si Calib ang ama ni Bliss. Katotohanang nagsarado na ang kung anumang ugnayan namin. Paano kung malaman ni Calib ang tungkol dito? Napabuntong hininga na lamang ako at bumangon ng kama. Napatingin ako sa orasan. Hating gabi na nga ngunit buhay na buhay parin ang diwa ko. Hindi rin lang naman ako makatulog kaya nagdesisyon akong maglakad-lakad nalang muna sa labas at lumanghap ng sariwang hangin. Nagsuot muna ako ng Jacket tsaka lumabas. Nagtimpla narin ako ng mainit na gatas tsaka pumwesto sa may harden. "Oh bakit gising kapa?" Napalingon naman ako sa nagsalita. "Ano ba yan papa! Nakakagulat

