FELICITY *BANG* Kitang-kita ko ang pagtama ng bala sa dibdib ng target. Kitang-kita ko rin na napatingin sa dako ko si Calib kaya agad akong napatayo sa pwesto ko at iniligpit ang gamit ko tsaka tinahak ang daam pababa sa pamamagitan ng fire exit. Habang bumababa ako ng hagdan ay ilang tauhan ng Heaven's Gate ang sumalubong sa akin. Isa-isa silang nabalian ng braso sa akin at pinagtatanggalan ko ang bala ng armas nila. Patuloy ako sa pagtakbo pababa ng hagdan hanggang marating ko ang parking lot at dito na tumigil ang mundo ko nang bumungad sa akin sina Zayne, Itchen, at syempre ang pinuno ng g**g na si Calib. Hindi nila ako kilala pagkat may maskarang nakabalot sa buong mukha ko ngayon. Pinalibutan nila akong tatlo at tila ba nagkaroon ng aberya sa plano nila nang dahil sa akin. "Ar

