FELICITY
"Mommy are you happy?" Tanong ni Bliss sa akin habang bakas nito sa mukha ang tuwa.
"Oo naman. Ang galing nga ng baby ko eh." I tapped his head.
"Mommy... I'm not a baby anymore." Giit niya. Aba nag-iinarte ang baby ko.
"Oh siya! Saan mo gustong kumain my man?" Natatawang sabi ko.
Nandito kami ngayon sa mall at huling araw ng bakasyon ko na ito. Hindi nga dumating si Calib. Mabuti kung gano'n at isa siyang maninira ng araw.
"Kahit saan po mommy basta kasama si Mister-- este tito Laures. Right?" Napatingin siya kay Laures.
Yeah, he's still with us at nakasuot siya ng sombrero at salamin upang hindi siya pagkaguluhan ng mga tao. Ewan ko ba kung bakit nandito parin siya.
"Of course." Tugon nito at ngumiti.
Saan pa ba kami kakain kundi sa favorite fast food ni Bliss.
Chicken, sundae, fries, and spaghetti overload si Bliss as usual.
"Hmm... yummy!" Natutuwang sabi ni Bliss at enjoy na enjoy talaga siya.
"Tito Laures, may girlfriend kana po ba?" Tanong ni Bliss na siyang ikinagulat ko.
"Hmm... wala pa nga eh." Natatawang sagot ni Laures.
Naku! Impossible naman atang wala siyang girlfriend eh samantalang ang daming nagkakandarapa sa kanya.
"Aw bakit po?"
This time pinandilatan ko na si Bliss ng mga mata at ang dami na nitong tanong kay Laures.
"Wala lang. Bakit ikaw? May girlfriend ka na ba?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Laures.
"Ano ba yang pinag-uusapan niyo. Usapang lalaki ba 'to? Should I exit?" Pabiro kong sabi.
"Wala pa kasi wala pa akong work eh. For now, si mommy nalang muna ang girlfriend ko." Sabay akap nito sa akin.
"Very good." Ngisi naman ni Laures at napatingin sa akin.
"Yiiee. Parang bagay po kayo sa isa't-isa." Sambit ni Bliss. "Mommy is also single." Dinig ko pang bulong nito kay Laures.
"BLISS!" Muli ko siyang pinandilatan.
"Pilyo ka talaga." Natatawa namang sabi ni Laures.
"I'm just kidding mommy." Tawang tawa din na bawi ni Bliss.
Pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan nila ako eh.
"Ang kalat mo namang kumain." Saad ni Laures tsaka pinunasan ng tissue ang gilid ng bibig ko.
"Ahem!" Pag iwas ko at tila bigla akong nailang sa kanya. Nakikita ko talaga kasi sa kanya si Calib at hindi ko halos maisip kung ganito siya kabait.
Ang gentle at ang sweet masyado ni Laures kumpara kay Calib na mapanakit, masungit, puro kalokohan, r****t, at lahat na ata ng pangit na pag-uugali ay sinalo siya.
Teka nga, bakit ba napasok sa isipan ko 'yong Calib na 'yon? Dapat mag-enjoy lang ako eh.
"Bakit bigla kang natahimik?" Tanong ni Laures.
"Ah wala. May bigla lang akong naalala." Tugon ko.
"Sino?" Tanong niya ulit.
May pagka-tsismoso din pala 'tong crush ng bayan na 'to.
"Hmm... let's say isang asungot sa buhay ko. Isang kasumpa- sumpang nilalang." Mariing sabi ko at tila nangasim naman bigla ang mukha niya sa sinabi ko at napatingin kay Bliss.
"Okay... wag na natin siya pag-usapan at baka masira lang ang araw ko." I rolled my eyes.
CALIB
So ano palang tingin niya sa akin? Isang asungot? Hmp! Kasumpa-sumpa pala ah!
I gripped.
Ako ang master niya ngunit ganyan siya magsalita? Kung hindi lang ako si Laures ngayon ay baka nasakal ko na 'tong babaeng 'to eh.
Flashback...
"I'll tell you a secret but you have to promise me that no matter what happened it will remain to the two of us. Malinaw?" Seryoso kong sabi kay Bliss at tumango naman ito.
"Okay. Yeah, you're right kiddo. Si Laures Ibarra at Calib Jacinto ay iisa lang. I have to disguise myself kasi ako ang master ng Heaven's Gate at hindi lahat ng tao ay alam ang totoong pagkatao ko. Are you still with me?" Tanong ko dito at tumango siya ulit.
"Wala kang pagsasabihan nito. Kahit kanino. Kahit sa mommy mo or else I will kill you. Understand?" I strongly said.
"Aye Mister!" Malakas niyang tugon.
"Good." g**o ko sa buhok nito.
Flashback's End
"Tito Laures! Let's play!" Hila nito sa akin patungo sa basketball station.
"Mommy maglaro ka din! Paramihan tayo ng mai-shoot." Kindat niya sa mommy niya.
Pilyong bata. Ginaya niyang pagkindat ko sa mommy niya.
"Sige ba." Nakangiting tugon ni Felicity.
"Are you ready tito?" Napatingin siya sa akin.
"Oo naman." I replied.
Mayroong dalawang minuto lamang ang katumbas ng isang token para magshoot ng bola.
Tig-iisa kami ng station at sabay sabay kaming naglaro.
"Yehey! Tito and I won the game mommy!" Natatatalon na sabi niya.
"Edi kayo na magaling!" She frowned.
Minsan masarap din pala magkaroon ng sariling pamilya.
FELICITY
"Don't be sad." Ngiti ni Laures sa akin.
Crap! Why he's always smiling at me? Nagpapa-cute ba siya?
"Mommy! Tito! Come here!" Tawag sa amin ni Bliss.
Ang ligalig ni Bliss kapag nasa arcade talaga.
Naglakad na ako papunta sa anak ko nang biglang may bumangga sa akin dahilan para mapaatras ako naramdaman ko nalang na may kamay na umalalay sa may likuran ko.
Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.
Hindi ko alam kong anong nangyari pero parang biglang bumagal sa pag-ikot ang mundo ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay biglang naglaho ang mga tao sa paligid namin.
"Are you okay?" Nagbalik ang sarili ko sa reyalidad nang marinig ko ang boses niya.
"Uhm... oo naman." Biglang umayos ako ng tayo tsaka tumalikod na at nagtungo kay Bliss.
Ano bang nangyari sa akin? Ano bang ibig sabihin no'n?
~*~
Ginabi nanaman kami nang pag-uwi at nakatulog na si Bliss kaya binuhat nalang siya ni Laures at hinatid kami pauwi. Siya na rin ang nag-drive at nasa backseat ako habang nasa lap ko ang tulog na tulog na si Bliss.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe nang mapansin kong kanina pa may sumusunod na sasakyan sa amin. Kinukutuban na ako.
"Ihinto mo 'yong sasakyan." Saad ko.
"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.
"Pasensya na pero kailangan mo nang umalis. Uhm may urgent pala akong pupuntahan." Rason ko at hindi siya pwedeng madamay sa g**o ng buhay ko.
"Sigurado ka?" Tanong niyang muli.
"Pasensya kana. Pero urgent kasi." Tugon ko.
"Ahh... sige." Nalilitong sabi niya tsaka ginilid 'yong sasakyan at bumaba siya.
Nang makalayo na siya ay muli akong napasulyap sa sasakyang kanina pa sumusunod sa amin. Himinto din ito sa may hindi kalayuan sa amin.
Inayos ko si Bliss sa likuran at lumipat na ako sa front seat. Hinanda ko narin ang b***l sa may tabi ko. Subukan lang nila sa lumapit sa amin.
Muli kong pinaandar 'yong kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na muna ako didiretso sa bahay. Kailangan ko na munang iligaw 'tong isang 'to.
CALIB
"Bakit mo siya sinusundan?" Mula sa back seat ay tinutok ko sa kanya 'yong b***l na hawak ko ngunit kalmado lang ito nang makita ako.
"You still never fail to amaze me." Giit nito.
"You're such a bullshit!" Saad ko dito.
To be Continued...