K4

1100 Words
FELICITY Habang may kausap siya sa loob ng restaurant ay nanatili akong nakabantay sa kanya dito sa labas.  Hindi ko kilala kung sino ang kausap niya sa loob pero sa tingin ko ay kasintahan niya ito. Pansin ko din ang biglang pagkirot ng balikat ko at kasabay nito ay may dumadaloy na dugo sa braso ko.  Hindi ko kaagad napansin na nasugatan ako doon sa espada ng ninja na nakasagupa ko. Pero kailangan ko munang tiisin 'to dahil baka tanggaling niya ako sa trabaho kapag nalaman niyang may sugat ako. Bago pa man siya bumalik ay agad kong nilinis sa loob ng kotse 'yong sugat ko tsaka ko pansamantalang nilagyan ng bandage. "Let's go." Saad nito pagkabalik. "Saan po tayo pupunta master?" I asked at baka may iba pa siyang pupuntahan o lakad ngayon.  "Bumalik na tayo sa bahay." He replied.  "Masusunod master." Tugon ko at  kaagad na pinaandar 'yong kotse. Ang tahimik niya at mukhang malalim ang iniisip niya. Babalik na kami sa bahay kaya sana naman makita ko na ang anak ko doon. "Anong balita tungkol sa babaeng sniper?" Dinig kong tanong niya doon sa leader ng mga butler na si Zayne pagkarating namin sa bahay. "Master, I'm sorry but until now ay wala parin silang trace sa babaeng 'yon." Tugon ni Zayne.  Dinig na dinig ko ang usapan nila dahil nagkataong nakatayo ako malapit sa kanila. Mukhang ako ata ang tinutukoy ni Calib. Pinapahanap niya pala ako sa mga tauhan niya. "Paano ang anak niya? Ano ang balak mong gawin sa bata?" Dinig kong sabi ni Zayne. Mukhang si Bliss na ang tinutukoy niya. "Iharap mo siya ulit sa akin" utos naman ni Calib at napatingin sa akin kaya kaagad akong napayuko para makaiwas ng tingin. Pagkaalis ni Zayne ay pansin kong naglalakad siya papalapit sa kinatatayuan ko. "Felix? Right?" Patanong nitong sabi tsaka ipinatong ang kaliwang kamay nito na sakto sa sugat ko.  Tumango lang ako at bahagyang napakagat labi nang dahil sa kirot ng sugat ko. "Okay then. I'll let you stay." Saad niya   then snapped his fingers dahilan para lumapit agad sa kanya ang dalawang butlers. "Tumawag kayo ng doctor at ipagamot ang sugat niya." Utos niya sa dalawa na siyang ikinagulat ko.  Pa-paano niya nalamang may sugat ako. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad siya pabalik sa upuan niya.  "Sumunod ka sa amin." Saad ng isang butler kaya sumunod na din ako. Palabas na kami nang makasalubong ko namin si Zayne at-- Bitbit niya si Bliss. Agad akong napahinto sa paglalakad ngunit dire-diretso ang lakad nila kaya hindi na ako nagkaroon ng oras para magpakita kay Bliss.  Hindi ito ang tamang oras. Dapat humanap ako ng magandang timing para kunin si Bliss nang hindi masasaktan.  Pero anong gagawin ni Calib sa anak ko? Sana naman wala siyang gawin na masama kay Bliss. LAURES CALIB He's very brave. That martial arts... hindi ko kailan man nakita ang galaw na 'yon sa pentagon o sa kahit sa mga butler ko. Nakakasiguro ako na hindi siya baguhan dahil halata naman na isa siyang professional. That guy is a professional killer.  Ganoon pa man, I'm not stupid as what you think Felix. If you wanna play with me then let's play a hide and seek. You'd better hide your identity very well coz I'm gonna seek every details about you by myself. "Release me!" I heard someone's voice. "Hi kiddo." I tapped his head. "I'm not kiddo. My name is Bliss." Giit niya.  "Okay then... Bliss, who's your father?"  I asked. "Uhm, I'd never met him." Iling niya at tila bigla siyang nalungkot. "How old are you?" I asked again. "I'm five years old." He answered.  What the f*ck I'm thinking now? It's impossible. I've never had s*x to any woman unsafely. Maliban nalang siguro noong lasing ako way back six years ago.  But it's still impossible.  Bakit ko ba kasi nakikita sa batang ito ang sarili ko?  "What's your name by the way mister?" He asked and he call me 'mister' again. "Call me Master Calib." Saad ko. "Noted. Mister Calib." I face palm. "MASter and not MISter." I emphasize but he just keep on smiling at me as if he's having fun with me. "Do you miss your mom?" Tila nabuhayan siya sa tanong ko. "Yes. Nasaan siya?" Tanong niya sa akin. "I don't know where she is. Call me Master Calib or else I'm going to kill you." Banta ko dito. "Don't you dare to hurt me. My mom will going hunt and kill you as well." He crossed his arms at tila ba hindi man lang ito natakot sa banta ko.  "Alam kong nasa paligid lang 'yong mom mo kaya talasan mo ang mga mata mo kiddo." Saad ko tsaka tumayo at naglakad palabas. Saktong paglabas ko naman ay namataan ko si Felix na naglalakad patungo sa direction ko. Ang bilis naman niyang magpagamot. "Master! May nais pa po ba kayong ipagawa sa akin?" Ani ni Felix. "Ipag-drive mo ako ulit. Aalis tayo." I replied. "And Zayne!" Tawag ko kay Zayne na kaagad ding lumapit. "Tomorrow, kapag hindi pa nagpakita 'yong babaeng 'yon then kill that child." I ordered. FELICITY "Tomorrow, kapag hindi pa nagpakita 'yong babaeng 'yon then kill that child."  Halos humiwalay sa katawan ko 'yong kaluluwa ko nang dahil sa sinabi ni Calib. Ang sama niya. "Yes master." Ani ni Zayne.  Napasulyap ako kay Bliss at nagtama naman ang aming mga mata. Agad siyang napangiti nang makita ako ngunit hindi siya lumapit dahil alam niyang nagpapanggap akong butler. "Let's go Felix." He demanded.  Muli akong napasulyap kay Bliss bago   tuluyang umalis. Mukhang hindi naman nila sinaktan si Bliss. Ganoon pa man wala parin siyang puso. Paano niya nagawang i-utos na patayin ang isang batang halos wala pang muwang sa mundo?  Calib... hindi ko hahayaan na may gawin kang masama sa anak ko.  ~*~ Nasa bar kami ngayon at may kausap siyang lalaki na mukhang mayaman.  "Isang soft drink" saad ko doon sa bartender na tila natawa pa.  Hindi ako pwedeng uminom ng alak ngayon dahil ipagmamaneho ko pa si Calib. "Here's your order sir." Tugon naman ng bartender sabay kindat sa akin. Aba loko to ah! Ininom ko na agad 'yong soft drink na binigay niya tsaka muling napatingin kay Calib. Nag-uusap parin sila. Maya-maya pa ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo. Parang may mali ata sa ininom ko. "Hi babe. Are you okay? Hayaan mong dalhin kita sa kama." Pagtingala ko doon sa nagsalita ay tumambad sa akin ang mukha ng bartender. Bago ko pa man siya malabanan ay tuluyan na akong nanghina. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD