Nagising siya saktong alas-sais na ng gabi. Mabilis siyang bumangon dahil hindi pa pala siya nakapagluto. Bago lumabas ay naligo muna siya at nagsuot na lamang ng isang oversized tshirt at plain shorts. Hindi na niya pinagkaabalahang suklayin ang buhok niya dahil sigurado siyang mas lalo lamang itong bubuhaghag. Nang ganap na makalabas ay mabilis siyang pumasok sa loob ng kusina. Akmang bubuklatin na niya ang ref nang may makita siyang note roon. -Huwag ka ng magluto. I ordered some food for you, I will just go outside. Malungkot na hinugot niya ang papel at matamlay na umupo sa may upuan. Ngayon lamang niya napansin ang supot ng isang kilalang restaurant na naroroon sa may lamesa. Hindi na niya iyon pinagkaabalahang tignan dahil wala naman siyang ganang kumain. Mas gusto niya pang mah

