Mabilis siyang natigilan nang marinig niya ang sinabi ni Madisson. No, he can't do that. Naiisip pa lamang niya ay parang ayaw na niyang isipin. "No," mabilis na sagot niya. "We have an agreement at alam mong ako ang masusunod sa ating dalawa," seryosong sabi niya rito. "But, paano ako? What if I fall hard with you? Hindi mo naman masusuklian ang pagmamahal—" "That is your problem," putol niya sa sinasabi nito. No, Madisson. Hindi ko pwedeng aminin sa iyo ang nararamdaman ko dahil baka lalo ka lang masaktan kapag pinapili ako ng Nanay ko sa inyong dalawa at siya ang mapili ko. Hindi ko kayang ipagpalit ang Nanay ko sa kahit na sinong babae. Paliwanag niya sa isip. Pero paano naman ang nararamdaman mo, Elliot? Sigaw ng isip niya. You also deserve to be happy. Mabilis siyang napailing

