Pinakatitigan lamang siya ng Mommy niya at kinikilatis kung talagang nagsasabi siya ng totoo. "I have ways, Madisson," banta pa nito sa kan'ya. "Mom, ano naman ba ang mapapala ko sa lalaking iyon?" sabay iwas niya ng tingin dito. "I don't know! Malay ko ba kung ito ang paraan mo ng pagrerebelde sa akin. You are my only daughter Madisson, at alam ko kung ano ang mga pianggagawa mo. Kaya I am warning you. Tigilan mo ang lalaki na iyan kung ayaw mong putulan kita ng allowance at mga credit cards," pinal na sabi ng mommy niya. Mabilis naman siyang natigilan at tila kinabahan. Her money is her happiness, kung mawawalan pa siya pati ng pera ay papaano na lamang siya? She will be a total mess and she will not allow that to happen! "Of course Mom," mahinang sabi niya. "I will have eyes on y

