#Lezi(Leo❤Azi)
Lumipas ang mga araw pero di pa rin alam ng Papa ni Azi ang sikreto na siyang ikinagalak niya ngunit bumabagabag sa kanya ang sinabi ng ina nito na "walang lihim ang di nabubunyag". Ngunit kahit ganoon man ea napakasaya ni Azi sa piling ni Leo. Minsan nga sinosorpresa pa nya ito ng bulaklak at tsokolate. Natutuwa naman si Azi sa mga bulaklak dahil paboritong bulaklak nito lagi ang ibinibigay sa kanya.
Habang nakahiga si Azi sa mga hita ni Leo at nilalanghap ang masarap at preskong simoy ng hangin. Napagtanto niyang masaya ang relasyon nila kahit lihim lamang ito. Dahil naipaparamdam ni Leo sa kanya ang totoong pagmamahal.
Nakatitig naman si Leo sa mukha ni Azi na para bang hindi siya nagsasawa sa mukha nito bawat anggulo ng mukha ni Azi ay naiibigan niya.
"Alam mo Mahal para kang isang butonsilyo" bigla biglang sabi ni Leo hindi rin alam ng binata kung bakit niya natanong ang mga katagang iyan. " Bakit naman mahal?" kinikilig na tanong nito, dahil sa kaputian ni Azi lumitaw ang kapulahan ng pisngi nito, hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman para sa binata. " Dahil napaka inosente at busilak ng iyong puso at tanging kakaiba ka sa lahat" nakangiting banggit nito kusang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mukha ng binata at ni Azi hindi na rin maitago ang nararamdamang kilig ng magkasintahan kung kaya't parehong namula ang mga pisngi nila.
Pagkatapos ng matamis na sandaling iyon umuwi ang magkasintahan sa kanilang mga tahanan habang baon baon ang mga masasayang ala alang kanilang ginawa g araw na iyon.
Sumalubong kay Azi ang Ina nito na labis ang kasiyahan para sa anak tila umabot na hanggang tenga ang ngiti nito para sa anak. "Ano anak halika sa loob ng iyong silid at ikwento mo sa akin ang mga nangyari sa inyo ni Leo" sabi ng kaniyang ina habang hatak hatak ang isang kamay nito papunta sa kaniyang silid. Mababakas ang kagalakan sa boses ng kaniyang ina habang ikinikwento ni Azi ang mga nangyari sa itaas ng burol. " At sinabi nya rin sa akin Mama na para akong isang Butonsilyo dahil napaka busilak daw ng aking puso at napaka inosente ko at alam nyo ba mama sinabi niya rin sa akin na tanging kakaiba ako sa lahat" masayang kwento ni Azi sa kaniyang ina hindi na rin napigilan ng ina ang kaniyang nararamdaman kung kaya't napatili siya ng napakalakas na siyang nagpapasok kay Don Emmanuel sa loob ng silid ni Azi.
"Anong kaguluhan ito? At bakit ka tumitili Belinda?" tanong ng ama nito na may otoridad ang boses. Tila natakasan ng dugo ang mag ina sa biglang tanong ng padre de pamilya. "Ahh ahmm nagkakasiyahan lamang kami ng anak mo Manuel dahil ikinikwento niya sa akin ang pagpunta niya sa San Selino" mahabang pagkakasabi ni Belinda na may pagkautal dahil sa kaba. Buti na lamang at naka isip agad si Belinda ng isasagot sa asawa. Mabuti na lamang at naniwala ang asawa nito sa kaniyang mga sinabi.
"Ahh ganoon ba? sige na mag ayos kana Azielle at tayo'y kakain na. Halika na Belinda" pag aaya ng ama nito. Napakabait ng ama nito ngunit nakatago sa loob nito ang natutulog na demonyo. "Opo papa magbibihis lamang ako at susunod na rin ako sa komedor" pag sang ayon ko rito.
Habang nasa komedor sila kinamusta ng kaniyang ama ang pagpunta niya sa Colegio De San Selino " Kamusta ang pagpunta mo sa San Selino kanina Azielle?" tanong ng Ama nito. Tila biglang kinabahan si Azi dahil pagkatapos niyang pumunta sa San Selino ay kinasama niya pa si Leo. Tinignan nito ang mga mata ng kaniyang ina at nakuha niya ang nais ipahiwatig nito ang ipakitang malakas siya at pagtakpan niya si Leo at ang kasarian niya. "Mabuti po Papa nakausap ko ko ang kompadre nyong si Ginoong Salazar at sinabi niya sa aking tanggap na ako para sa pagdadalubhasa ko sa medisina" kinakabahang tugon nito sa ama " Pero bakit parang natagalan ka?" pagtatanong niya ulit Tila natakasan ng dugo si Azi. Anong sasabihin niya sa kaniyang ama? Hindi naman maaring sabihin niya sa kaniyang ama na nakipagkita siya kay Leo at nagpiknik sa itaas ng burol dahil baka wala pa sa bente kwatro oras ea nakahundusay na ang katawan niyang naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay. "Ahhh ahmm inilibot pa po kasi ako ni Ginoong Salazar sa buong Colegio De San Selino at ipinakilala ako sa mga lupon ng direktor ng eskwela Papa pagkatapos non ay pumunta na rin ako sa bayan at tumingin ng mga gamit baka po kasi may magustuhan ako at bibilhin ko" mahabang pagpapaliwanag nito buti na lamang at nakaisip agad ng isasagot si Azi. Tumango tango ang kaniyang ama na para bang nauunawaan na kung bakit siya natagalan. Tila nabunutan naman ng tinik si Belinda at Azi matapos isara ng padre de pamilya ang usapan.
Pagkatapos kumain ay umakyat na si Azi sa kaniyang silid. Habang nasa silid biglang tumunog ang telepono. "Sino namang tatawag ng ganitong oras ng gabi?" tanong niya sa kaniyang sarili. " Sino po ito?" tanong ni Azi sa kabilang linya. "Mahal ako to si Leo" sagot naman ng binata mula sa kabilang linya " Mahal bakit napatawag ka baka marinig tayo ni papa" sabi ko sa mahinang tono ng boses " Hinahanap hanap na kasi kita ea atsaka nais kong marinig ang iyong boses" sabi nito bakas naman ang ngiti ni Leo sa kabilang linya habang si Azi ay hindi maikubli ang nadaramang kilig sa sinambit ng binata. "Ano ka ba nagkita lang tayo kanina ha?!" kinikilig na sambit ni Azi ngunit pinapanatili niyang mahina ang tono ng pananalita niya."O sige ibaba ko lamang ito kapag sinabi mong mahal sana makatulog ka ng mahimbing mahal na mahal kita iyan ang nais kong marinig bago ko putulin ang linya." parang batang sabi nito. Hindi alam ni Azi kung tatalima siya sa nais ng kasintahan ngunit naisip niya kung hindi siya tatalima baka hindi makatulog ang kaniyang kasintahan at baka hindi niya ibaba ang telepono kaya wala siyang pagpipilian kung di ang tumalima " Sige na nga Mahal sana makatulog ka ng mahimbing mahal na mahal kita mahal" sabi ni Azi sa pinaka malambing niyang boses. Sumilay naman ang napaka tamis na ngiti ni Leo na umabot pa hanggang tenga. Pagkatapos sabihin ni Azi ang mga katagang iyon sumagkt naman si Leo " Ikaw rin mahal sana makatulog ka ng masarap at mahal na mahal kita mahal sana mapanaginipan mo ako" malambing na pagkakasabi ni Leo hindi naman maiwasan ni Azi ang kiligin kung kaya't napakagat na lamang siya sa kaniyang labi. Pagkatapos ng pag uusap nila nakatulog sila ng mahimbing at siguradong pinapanaginipan nanaman nila ang isa't isa.