Kharis Elara's Pov "Mauna na kami, Venus." Jupiter kissed her cheeks as he bid goodbye. Kumaway rin si Perseus sa kaniyang Tita Venus bago 'to dumiretso sa passenger seat ng kotse. Isang ngiti na lamang ang naibigay ko kay Venus at pagtango bago ako pumasok sa shotgun ng kotse. Jupiter like a gentleman, closed the door for me. Pumihit ako paharap sa passenger seat kung nasaan si Perseus at napangiti na lamang nang makitang pipikit-pikit na 'to habang maayos at komportableng nakasandal sa kinauupuan n'ya. Bumukas ang pinto ng kotse at pumasok do'n si Jupiter. Umayos ako nang upo at ikinabit ang seatbelt sa 'king katawan. Halos hatinggabi na ngunit marami pa rin kaming mga sasakyan na nakasabay sa kahabaan ng EDSA. Mula sa bintana ng kotse ay malaya kong nakikita ang mga taong aligaga

