Kharis Elara's Pov "Mama, will you let me drive a car?" Perseus asked with a faint of hope in his fetching brown eyes. Natigil ako sa pagbabalot ng regalo na ibibigay namin para kay Jupiter sa birthday nito sa susunod na araw para tumingin kay Perseus. He was pouting his lips and doing that beautiful eyes as if by doing it will earn a secure approval from me. Marahang pinasadahan ko ang bagong gupit nitong buhok na ang style ay katulad na ng kay Jupiter kaya naman mas lalo pa silang naging magkamukhang dalawa. "Once you're old enough," tanging nasabi ko. Babalik na sana ako sa ginagawa ko nang bigla siyang sumegunda ng panibagong tanong na hindi ko na talaga ikinatuwa pa. "If I'm old enough will you let me race then? Sabi ni Tito, Ma, cool daw po kapag magaling sa racing ang isang lal

