Kharis Elara's Pov "Happy Birthday!" Maagap akong napahawak sa 'king dibdib at napaatras dahil sa gulat nang sumambulat sa 'kin sina Mamoo at Papa pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa 'king labi nang makabawi na 'ko. "Happy birthday, Elara," nakangiting bati sa 'kin ni Papa. He pulled me inside of his warm hug and for the first time, after Mommy died. I enjoyed staying in his arms. Yumakap din sa 'kin si Mamoo pagkatapos nitong iabot sa 'kin ang bouquet ng kulay dilaw na rosas na siyang paborito ko. Suot ang isang totoong ngisi. Unti-unti kong nilapit sa 'king mukha ang bouquet na 'yon para amuyin. I shut my eyes and savor its fragrance. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko roon. "Thank you for this, Mamoo." Mamoo chuckled and s

