Kharis Elara's Pov "Salamat po." Mabilis akong lumabas ng taxi at dire-diretso nang naglakad papasok sa gate. "Good evening po, Ma'am," baati sa 'kin ng guard na nilampasan ko lang. Ilang hakbang pa't nakita ko na ang pamilyar na BMW sa garahe na ilang hakbang ang layo mula sa front door ng bahay. Mas kinakabahan pa ata ako na umuwi ngayon dahil alam kong galit si Jupiter sa 'kin kaysa sa kinakabahan akong umuwi ng bahay kapag alam kong galit sa 'kin si Dad. "Elara." Natigil ako sa paghakbang papunta sa hagdan nang tinawag ako ni Manang, alas-diyes na ng gabi at malamang ay matutulog na s'ya, she's even wearing her signature sleeping attire. A pair of faded pajamas. "Tumakas ka pala." Napakagat ako sa 'king labi dahil. Dapat ko na atang ihanda ang sarili ko mula sa mala-sermon ng par

