Kharis Elara's Pov "Good morning." Kinusot ko muna nang ilang beses ang aking mata saka kumarap sa pag-aakalang namamalikmata lang ako dala ng antok. "Oh my gosh!" I squealed and was quick to pull my comforter and cover myself with it. "Ang aga-aga pa! Ano bang ginagawa mo rito. This is really against my privacy! You should stop coming to my room whenever you want too!" I ranted out earlier this morning. Hindi ako pinansin ni Jupiter at sa halip ay inalis n'ya lang ang pagkakatabon ng mga kurtina mula sa bintana ng aking kwarto. Rays of sunlight hit my face directly, making me close my eyes. I groaned out of annoyance and throw my pillow towards his direction. "Bwisit ka!" mura ko at muling kumuha ng unan. Ibinato ko 'yon muli sa kaniya at sa ikalawang pagkakataon ay nasambot n'ya '

