Kabanata 3

1320 Words
Hell, iyan ang buhay ko ng lumipas na dalawang linggo. Literal na hell. Tinupad niya 'yung sinabi niyang hindi niya makalimutan 'yung araw na 'yun at gagawin niya lahat para magsuffer ako. Nasa canteen kami nila Liza, late lunch na nga kasi 1:00 pm na, may activity kasi kami sa isa namimg subject at nagextend mabuti nalang at alas tres pa ang sunod na klase namin. Tatayo na ako para bumili ng pagkain nang bigla siyang humarang sa daan ko, naalala ko agad 'yung sinabi niya noong araw na sinampal ko siya. Alam kong sasaktan niya ako pero hindi ko ineexpect 'yung ginawa niya sakin ngayon Binuhusan niya ng mainit na kape 'yung isang kamay ko at dahil maputi ako agad na namula iyon at ikinasigaw ko ng sobra. Pumagitna na sina Adam sa amin. "Damn it bro! Tama na 'yan!" Pagmumura ni Adam habang hawak ni Liza ang paligid ng kamay kong parang nalalapnos pa rin. "She deserve it! Tama lang 'yan sa kanya para hindi niya ako makalimutan" nang nilingon ko siya ay nakangisi ito sakin pero may napansin ako sa mga mata niya, tila may isang banda sa kaniya na ayaw niya ang mga ginagawa niya. Tinakbo ako sa clinic, narinig ko pa rin ang pagtatalo ng ilan sa mga barkada niya na tila nagugulat din sa ginagawa niya. Demonyo, Demonyo talaga siya. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. Pagkatapos gamutin ang namumula kong balat ay agad na akong hinatid nila Liza sa apartment ko. "Sigurado akong magkakapeklat yang balat mo Clair!" Naawang tugon sakin ni Ella. "Please do everything you can para iwasan nalang siya kasi hindi lang si Jonas ang galit sa'yo kundi mga babae ding may gusto sa kanya" tumabi sakin si Mika habang ineexamina ang numumula ko paring kamay. "Sinasaktan sila ni Jonas pero may mga nagkakagusto parin sa kaniya?" Gulat kong tanong sa kanilang tatlo, nagkibit balikat lang sila. Sinabi din nila sa aking ang mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya ang may gawa ng pagbabasura sa bag ko at hindi si Jonas. "Babaero din 'yung si Jonas, Clair. You can't just expect him not to be one because he got everything, looks and money" ani ni Liza sa akin "But most na sinasaktan niya ay mga babae Liza!" "Well accepted ng lahat yun Clair. Iniwan siya nang nanay niya 'nung bata palang siya! Minamaltrato siya ng nanay niya noon at harap harapang linoloko ng nanay niya ang tatay niya isama mo pa yung girlfriend niyang pinagkatiwalaan niya pero iniwan lang siya sa ere" kwento ni Ella sa akin Nalaglag ang panga ko doon. Alam kong broken family ang pamilya nila Jonas pero hindi ko ineexpect na ganun kalalim ang ugat ng ito. Hindi ko akalaing kaya pala siya ganun ay dahil sa pinagdadaanan niya noon pero kahit na, hindi pa rin naman dapat rason iyon para saktan iyong mga inosenteng tao sa palagid niya. Naghahanap ba siya ng atensiyon sa mga babae kasi kulang siya 'nun noon pa lang? "Paano Clair? Maiwan kana namin?" tanong ni Liza sa akin Mukhang napansin ata niyang malalim ang iniisip ko. "Ha? Oh sige baka kasi malate din kayo sa klase niyo, salamat sa paghatid" ngiti ang naging tugon ko sa kanila. "Sigurado ka bang okay ka na dito? pwede kaming mag-absent muna kung kinakailangan" nag-aalalang tanong pa rin ni Ella sa akin. Ngumit ulit ako sa kanila. "ano na ba kayo! Kaunti lang naman ang masakit sa akin tapos 'yung kamay ko pa, hindi naman buong katawan ko ang mahapdi" "Pero kahit pa rin" Pilit ni Ella "Basta alis na dito shoo! Mag-aala una na oh, kailangan niyo nang umalis" pagtataboy ko sa kanila Nagpaalam na sila at ako'y humiga na rin para magpagpahiga. Mukhang wala akong magagawa kundi ang matulog, bago ako pumikit ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin kanina ng mga kaibigan ko. Maaring tama sila, hindi niya kasalanan na naging ganun siya because in the first place why would he say sorry for being the way he is now when nobody says sorry for making him the monster he became. Teka bakit naawa na ako sa kaniya? Sa isang banda ng isipan ko ay tila kinokontra nito ang una kong naging pahayag, oo hindi niya kasalanang ganun siya pero may pagpipilian siya, kaya naman niyang hindi maging ganoon kung pinili niyang magpatawad at makalimot pero sa ibang banda ulit ay mahirap makalimot, alam ko iyon dahil noong namatay ang nanay at tatay ko ay parang gumuho ang mundo ko. Isinantabi ko na lang ang pag-iisip at tuluyan nang pumikit. Pumasok na ako sa sumunod na araw, kamay lang naman kasi sa akin ang nasaktan at hindi buong katawan kaya pumasok na ako. "Clair!" nilingon ko ang tumatawag na si Jewel sa likod niya ay ang mga pinsan niyang kumakaway sa akin at ngumingiti pa. "Hi!" Bati ko sa kaniya. Napakaganda niya talaga, unang kita mo palang sa kaniya ay hindi mo mapipigilan ang magsabi na maganda siya. Halos lahat sila ay may ibang lahi. Sabi nga ng ibang estudyante ay para silang mga pinamodernong Gods and Goddesses ng mundong ito. Inabot niya saakin ang isang kulay red na envelope na noong hinala ko ay 'yung imbitasyon niya para sa birthday niya, nakakita na kasi ng gaya nito kanina noong papasok ako "here is my invitation card for you so you must come, nag-oo kana noon diba?" "Tanggapin mo na lang Clair, hindi ka titigilan ng babaeng 'yan hanggat di ka umoo" natatawang sabi ni Aya. "At saka pumunta ka nalang sa birthday niya, mapapatay ka niyan pag hindi ka pumunta!" Seryoso ngunit alam kong nagbibirong sabi naman ni Autumn. Ang poker face niya 'yun ang napansin ko sa kaniya. Tinaggap ko nalang yung invitation card na inaabot niya sa akin. Sabi sa akin minsan ni Cyan ay bunso daw sa kanilang babae 'yang si Jewel kaya daw ganyan medyo naspoiled kasi , prinsesa nila kumbaga pero may mas bunso pa daw silang magpipinsan kaya lang ay lalaki naman anak daw 'nung sinasabi niyang kamukha ko, tita Alysa ata. "So Clair huh? Next next week na 'yun please come!" Isang hirit pa ni Jewel. "Jewel, pupunta 'yang si Clair takot na lang niyang di ka niya tantanan ano!" Sabat ni Cyan. Nagpaalam na sila sa akin. Pataas ako ng hagdan ng makasalubong ko ang isang Jonas Loyola, aatras na sana ako nang walang ano anong tinulak ako. Nawalan ako ng balanse at nawala na ang lahat. Naalimpungatan ako na may puting kisame, sigurado akong nasa clinic ako. Pagkadilat ko ay nakapalibot na sa akin ang mga Montecillo at ang tatlo ko pang kaibigang sina Ella, Liza at Mika. Pagkapa ko ng aking ulo ay may bendahe na ito, sumasakit pa ito at tila kumikirot. Nang bumangon ako ay tinulungan ako ni Adam. "That jerk! Kuya pagsabihan mo naman yang bestfriend m, sumusobra na oh! konti na lang talaga isusumbong ko na siya sa office" Naghihimutok na sabi ni Jewel na nagmadali pang umupo sa tabi ko. "Princess you know I can't do anything about it, kahit akong bestfriend niya ay walang nagagawa" sagot naman ni Yvo sa kaniya, bumaling siya saakin na bakas ang pag-aalala at pagka guilty. Best friend niya pala si Jonas? Bakit parang hindi naman ata sila pareho ng ugali. Buti ay nagkakasundo pa sila niyan. "Jewel, ayos lang naman ako eh nadulas lang ako kanina kaya nahulog ako" sabi ko. Totoo naman eh pagkatulak niya sa akin ay may space pa sa likod ko kaya alam kong hindi dapat ako nahulog doon pero madulas ang sapatos ko kaya nahulog ako ng tuluyan. "Stop it Clair! You know he's too much!" Pamimilit sa akin ni Jewel. Hindi na lang umimik ang iba ngunit gaya ng kay Yvo ay bakas din sa kanila ang pag-aalala. Inalalayan ulit nila akong humiga para makapagpahinga na naman, tutal daw ay excuse na ako sa lahat ng subjects ko ay lubusin ko na ang pagpapahinga. Hindi ko alam kung nananaginip ako o hindi pero nararamdaman kong parang may nakatitig sa aking mga mata. Pagmulat ko ay wala naman akong naaninag na kahit na sino na malapit sa akin dahil ako lang mag-isa ang nandito sa clinic, napailing na lang ako at tingin ko ay panaginip lamang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD