Hindi ako makagalaw, lutang pa rin ang aking isipan sa mga nangyayare ngayon. Una sa lahat ay ako si Jasmine ang nawawalang Montecillo , pangalawa ay kababata ko si Jonas Loyola at Pangatlo nabuhay ako sa isang malaking kasinungalingan. Buong buhay ko ay akala ko alam ko ang pagkatao ko pero hindi pala, dahil sa nangyari ay feeling ko nabuhay ulit ako back to zero ang lahat, kailangan kong magsimula ulit para kilalanin ang sarili ko.
Nakayakap ako kay Tita Alyssa at Tito Carlos na mga magulang ko pala. Hagulgol lamang ang tanging naririnig ko, malamang ay dahil sa galak.
"We still need a concrete evidence tita" napalingon lahat sa nagsalitang si Jonas.
Hindi niya gustong ako si Jasmine alam ko iyon dahil kinamumuhian niya ako at lalong hindi ko din ginugusto ang lahat ng ito.
"What again Davon?! Nakita natin lahat na si Jasmine ay si Clair, you even see it yourself" pahayag ni Cyan sa kaniya.
"We are still not sure though maraming magkakamukha sa mundo, maybe it was just a pure coincidence" sabi pa niya.
Napakalaki ba ng galit niya sa akin dahil sa pagsampal at pagpapahiya ko sa kanya para gawin niya sa akin ito.
"So you're suggesting Jonas?" Tanong ni Yvo.
"Let's do some DNA testing" ngisi niya habang nakatitig sa akin.
"Of course we will Jonas, this time I'm sure na si Clair ang anak ko"
sabi ni Tita Alysa na nakatitig sa akin nang may galak sa mga mata at pagnanais na ako ay makasama gayun din ang lahat tila ba gusto nila akong makasama at makilala tanging si Jonas lamang ang hindi nagagalak.
Natapos ang kwentuhan ay napagdesisyonan naming umuwi na, tahimik lamang ang aming byahe pati ang katabi kong si Tita Alyssa na hawak hawak ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya saktong lumingon din siya sa akin napangiti ako nang ngumiti siya, nakikita ko ang sarili ko sa kaniya nang sobra simula sa buhok hanggang sa bibig pati sa kaputian ay tila parehong pareho kami. Nilingon ko din ang nasa kaliwa kong si Ross na kapatid ko , nakakatuwa na hango ang pangalan niya sa bulaklak na rose (rows) nakasandal siya sa akin, kamukha din siya ni Tita Alyssa ngunit moreno siya na gaya ni Tito Carlos. Naalimpungatan ako nang naramdaman kong huminto ang sasakyan, nang lumingon ako sa may bintana ay isang kulay Cream na pinturang bahay ang nasilayan ko, malaki ito gaya nang bahay nila Jonas.
"Nasaan po tayo?" Lingon ko kay Tita Alysa.
"Nasa bahay na tayo Jasmine" palagay ko ay hindi ako bagay sa pangalang Jasmine. Ngumiti siya sa akin
Nauna na niyang sinabing dito na ako titira sa kanila kahit na hindi pa namin alam ang resulta ng DNA ay panatag daw silang anak nila ako. Bumaba na kami sa sasakyan, nakita ko na wala na sa likuran namin ang mga sasakyan nila Jewel, hindi pa pala kami nakakapag-usap ni isa sa kanila.
"Ate Jasmine, I'm gonna show your room and you will love it 'coz its all pink" ani ni Ross.
Nanonosebleed ako sa batang ito dahil kahit kanina ay english ng english.
"Hindi ka ba marunong magtagalog?" Simpleng tanong ko sa kaniya.
Narinig naming tumawa sina Tita Alyssa at Tito Carlos sa gilid na pinapanood pala kami.
"A bit lang po!" Napakamot pa siya ng batok, ang cute.
"Lumaki kasi 'yan sa states Jasmine kaya medyo ganiyan magsalita, pagpasensyahan mo na" lumapit na sa amin sina Tito Carlos.
"Mabuti pa pumasok na tayo sa loob" sabi ni Tita Alyssa.
Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa amin ang mga katulong, mga lima, masayang ngumingiti habang pinagmamasdan kaming apat.
"You see, we are with Jasmine" pormal na sabi ni Tito Carlos.
Ngumiti at isa isang bumati sa akin, bumati na rin ako sa kanila.
Hinatid nila ako sa aking kwarto, tama si Ross, isang buong pink ang wallpaper ng kwarto, pink ang bedsheet, pink ang mga gamit. May desktop computer sa gilid, may flatscreen, sa lamesa na nasa tabi ng kama ay may mga laptop at kung ano ano pa. May walk-in closet din ito na punong puno ng damit na sa tingin ko ay bago lamang, siguro ay bago pa ang lahat inihahanda na talaga itong kwartong ito. May banyo din ito. Namangha na lamang ako at naramdaman kong nasa likod ko na sila.
"So?" Naghihintay tila ng aking sasabihin si Tita Alyssa.
"Napakalaki po nito ti-" pinutol ni tita alysa ang aking sasabihin.
"Mommy Jasmine, simula ngayon mommy at daddy ang itatawag mo sa amin" nakangiting sambit niya.
"Pasensya na po kayo, hindi pa po kasi talaga ako sanay sa ganito" nagdadalawang isip kong sabi.
"Masasanay ka rin iha but for now you should take some rest" napalingon ako kay Daddy na siyang nagsalita.
"Can I sleep with you tonight ate?" Tanong naman ni Ross kung saan nasa ibabaw na ng aking kama.
Napatawa na lamang kaming tatlo, napakakulit niya ngunit wala akong kahit kailan naging kapatid na lalaki at matagal kong gustong hinangad na magkaroon kaya nagpapasalamat ako na kahit ganito ay tila may bonus parin sa nangyayari.
"Oo naman!" 'yan na lamang ang tangi kong nasabi.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay dumiretso na kami ni Ross sa aking kwarto nagpaalam na din ang mga magulang namin na matutulog.
"Ate, bakit ang tagal mong bumalik?" Tanong sa akin ni Ross.
"Ngayon ko lang kasi nalaman' yung totoo eh, pero ang importante bumalik na ako diba?" Sabi ko na lang.
"I told mom that if you come back I'm gonna make super bait na" inosente niyang sabi.
"And now you're back hindi na ako magpapasaway super" tuloy pa niya.
Nakikinig lang ako sa kwento niya hanggang sa makatulog na siya. Lumabas ako saglit para uminom ng tubig nang biglang may naramdaman ako sa paa ko, noong yumuko ako ay isa palang pusang mabalahibo. May nakakwintas dito at may nakasulat na "Snow".
"That's your cat" napalingon ako kay Mommy na nasa likod ko pala.
"Po?" Wari'y hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"Si snow ay alaga mo noong maliit ka pa Jasmine, mailap yan sa mga hindi niya kakilala ngunit ngayon ay tila nakilala niya ang amo niya" nakangiting sabi niya sa akin.
Napatingin ulit ako sa pusa at binuhat ito, blue eyes ang mga mata nito napakaganda. Nakatitig siya sa akin na para bang kinikilala ako.
"Now I'm more convinced na anak nga kita" lumapit siya sa akin at bahagyang hinaplos ang aking mga buhok
"I know you're my daughter and I can feel it" nakangiti parin niyang sabi.