Nagising ako dahil sa sikat ng araw na umiirita sa nakapikit ko pang mga mata. Bumungad sakin ang mata ni Jonas na nakaupo sa gilid ng kama ko at tila pinagmamasdan ako. Nagulat naman ako kaya napaupo ako at tinakpan ang sarili ko. He chuckled. "Silly, you are still beautiful dont cover up" tumingin ako sakanya na parang nahihiyang Maria Clara at siya ay nakangiti lang. "Ka-kanina ka pa dito?" Tanong ko sakanya at tumango siya bilang sagot. "Breakfast in bed?" Tumingin siya sa side table kung saan nandoon ang nakatray na pagkain pancake,milk at isang stem ng white rose. Napataas ang kilay ko at napangiti nalang. "Tititigan mo nalang ba tong ginawa ko?" Panlalambing niya. "Seriously Jonas, saan mo tinago lahat ng kasweetan mo noong panahong nagsusungit ka sakin?" Sinimulan ko ng kai

