Parang ayoko ng umuwi. Nandito nako sa labas ng pintuan namin pero parang nagkaugat na yung mga paa ko sa labas at ayaw ko nang pumanik sa loob. Wala na ang mga kotse pero alam kong nasa loob pa ang sinasabi nilang totoong Jasmin. Alas syete na ng gabi ng makarating kami dito sa bahay. "Bat hindi ka pa pumapasok?" Nilingon ko sa Jonas sa likuran ko na hinihintay lang pala akong makapasok "Im scared" and thats the truth Umiling siya sakin "Dont be" ngumiti ito sakin alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Gumanti ako dito ng ngiti, mapait na ngiti "You sure ayaw mong samahan kita sa loob?" Nagaalalang tanong nanaman niya dito. Kanina pa niya iyon tinatanong. Umiling ako dito at mabilis na ngumiti. "alright then, go inside" hinaplos niya ang braso ko. Huminga ako ng malalim at

