Pauwi palang ako lang galing paaralan, at oo nabubully nanaman ako dahil hindi daw ako tunay na anak pala kung makaasta, isa lang daw sambit, sip sip at kung ano ano pa. Hindi ko na lamang pinansin ang mga sasabihin nila dahil nakakasawa at nakakapagod naring makipagbangayan sa mga taong makikitid ang pag-iisip. Pagkapasok ko sa village ng aming bahay, may napansin si manong driver. "Ano nanaman kaya ang pinagkukumpol kumpolan ng mga kapitbahay" kaya dinadahan dahan niya ang pagmamaneho dahil baka may masagi sila o kung ano. Kumunot naman ang aking noo, nakita ko kasing nakatakip sila ng mga ilong na parang priboprotektahan nila ito sa isang masang-sang na amoy. "Clair, nawawala pala si Snow kahapon pa ng umaga pa noong umalis ka. Hindi naman lumalabas yun ng kuwarto mo pero ngayon ay

