Matteo's POV Nasa opisina ako ng tawagan ako ng Dean. Hindi na raw pumapasok si Aurora. Hindi na ako nagtanong dahil baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at sa Dean ko pa mabunton ang inis ko. Tinatawagan ko si Aurora pero hindi ito macontact parin. "Oh God please give me a lot of patience pagdating kay Aurora," mahinang bulong ko. "Boss may problema. May nakuha akong impormasyon na tinatarget ng kalaban mo sa negosyo si Ms. Aurora. Nakilala nila si Aurora na anak nila Salvatore at nasa poder mo ngayon," balita sa akib ng tao ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ng tauhan ko. "You witch tingnan mo ang ginawa mo. Sinabi na kasing pumirmi ka lang sa Mansion. Pero ngayon na hindi ka pala pumapasok pero araw araw ka umaalis ay talagang naghahanap ka ng problema," nanggigigil n

