Matteo's POV
Napangiti nalang ako sa narinig kong sigaw ni Auroa sa kuwarto nito. Alam kong masaya ito dahil hindi ito sanay sa hirap.
Pumikit ako pero ang mukha parin ni Aurora ang nakikita ko.
Frustrated, ay bumangon nalang ako at kumuha ng whisky para antukin.
"Matteo, what's going on with you?" tanong ko sa sarili ko.
And then my phone rang, breaking the chain of my thoughts. Leyla's name flashed on the screen, and I answered with a forced smile.
"Hey, Leyla. Yeah, I'm good. You're coming earlier than expected?" I feigned enthusiasm.
Her excitement was palpable as she shared her new project, but my mind was elsewhere, trapped in the mess.
"Are you sure you can handle not working tomorrow?" tanong ko kay Leyla.
She brushed off my concerns, assuring me that this break was solely for my sake.
Ang totoo, medyo nabawasan na ang excitement ko sa pagbisita ni Leyla.
Iniisip ko si Aurora. Masyado na itong lumalayo sa akin kaya kailangan ko baguhin ang strategy ko dahil the more na higpitan ko ito eh mas lalong nagwawala.
"Sorry, Leyla, I'm a bit distracted," I confessed, my voice heavy with the weight of my conflicting emotions.
Concern laced her voice as she asked if everything was alright. "Nothing," I responded, but deep down, I knew that the mess with Aurora had left an indelible mark on my thoughts and feelings.
And finally, Leyla was set to arrive tomorrow.
Dumiretso agad ako sa airport pagkagising ko, sinusubukan kong ipunin ang excitement na dapat ay naroroon.
Nang lumabas si Leyla mula sa arrival gate, ngumiti ako, sinusubukan kong i-focus ang atensyon ko sa kanya para hindi sumama ang loob.
"Babe!" she exclaimed, basically leaping into my arms. Our hug felt rehearsed, and for a brief moment, it almost felt like things were back to the way they used to be.
In the car, Leyla talked about her time in Spain, but her words felt distant, like background noise.
I wanted to lose myself in her stories and forget Aurora, but I just can't do it.
"Bakit hindi ko napansin ang desperation ni Aurora pagdating sa pera para lang makawala sa poder ko. Muntik na mapahamak si Aurora dahil sa katigasan ng ulo ko. Iniisip ko palang sa kung ano ang pwedeng mangyari kay Auroa kung wala ako sa bidding ay parang nagwawala na ang kalooban ko at baka makapatay ako ng tao ng wala sa oras. Babalatan ko talaga ng buhay ang sino mang lalakeng magtatangkang pagsamantalahan si Aurora," galit na sabi ko sa sarili ko.
"You seem a bit distant," Leyla's voice snapped me out of my thoughts.
I mustered up a smile, trying to hide the storm of emotions brewing beneath the surface. "Sorry, just lost in thought."
She looked at me with a hint of concern.
We got home, and Leyla's excitement filled the room, almost overwhelming.
She talked about her big plans for the upcoming days, her words filled with hopeful innocence.
Later that night, my unease became almost suffocating as we lay in bed. I turned to Leyla, struggling to put into words the jumble of thoughts in my head.
I took Leyla to the Mansion where Aurora and I live. I wanted her to be with me in the room to clear my mind from all the confusion.
Aurora's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Napangiti ako ng maalala na nasa dating kuwarto na ako at wala na sa maids quarters.
"Lord pangako magbabago na po ako basta huwag mo lang akong ibalik sa maids quarters na walang aircon. Hindi na po ako mang-aaway ng katulong. Magiging mabait na po ako basta huwag mo lang ako parusahan Lord," munting dasal ko bago ako bumangon.
"Teka sasabay ba ako ng kain kay Matteo o sa katulong?" bigla kong napa-isip.
"Baka ayaw nya akong kasabay, kaya sa kusina nalang ako. Baka kailangan ko parin magtrabaho para hindi nya ako ibalik sa servants quarters. Oo nga naku Aurora huwag kang tatamad tamad at baka magalit na naman si Matteo sayo!" sermon ko sa sarili ko.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko si Matteo na papasok ng pintuan. Napahinto ito at tumingin sa akin.
"Ah good morning Matteo, sorry na late ako ng gising. Napasarap lang ang tulog ko kasi nakabalik na ako sa dati kong kuwarto," paliwanag ko.
"Pero huwag kang mag-alala magtatrabaho ako ng maayos para hindi mo na ako pabalikin sa maids quarters," nakangiting sabi ko.
"Ikaw ang bahala," maiksing sabi ni Matteo bago ito umalis at dumiretso sa dining table.
"Babe! Come on let's have breakfast," dinig kong boses ng babae sa may kitchen.
Napatingin ako sa kusina at nakita ko ang babae na familiar.
"Tama sya ang nasa picture na nasa drawer ni Matteo. Girlfriend nya? Nandito pala sya. Dito kaya sya natulog?" sunod sunod na tanong ko.
Tiningna ko ng pasimple ang babae mula ulo hanggang paa. "Mas maganda ako ng malayong kilometro ng di hamak sa kanya," bigla kong nausal.
Nagulat ako sa nasabi ko dahil baka narinig pero ng mapansin ko na parang hindi naman ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Aurora sumabay ka na sa amin kumain ni Leyla," tawag sa akin ni Matteo.
Hindi ako kumibo sa sinabi nito. Bagkus ay nakatingin lang ako sa babae.
"Leyla meet my sister Aurora. Aurora si Leyla," maiksing pakilala ni Matteo sa amin.
"Sister? Ay oo nakalimutan ko na kapatid pala ang pakilala ni Matteo sa akin sa iba," sabi ko sa sarili ko.
"Oh hi Aurora! It is so nice to finally meet you!" nakangiting sabi ni Leyla bago ako niyakap.
"Matteo ang ganda pala ng sister mo. Mabuti naman at nagkita na tayo. Ako nga pala ang nag interior ng kuwarto mo. Alam mo ba na masyadong hands on itong kuya mo sa pagrenovate ng room mo na dapat magustuhan mo daw talaga. Such a sweet brother," masayang kwento ni Leyla bago hinalikan sa lips si Matteo na halatang ikinatuwa nito.
Parang may sundot akong naramdaman sa nakita ko pero binalewala ko lang. "Ah ganoon ba. Salamat naman," ang tangi ko na lamang naisagot kay Leyla.
"Start eating Aurora bago pa lumamig ang pagkain," maiksing utos sa akin ni Matteo.
"Mrs. Jane make some fresh juice para kay Aurora. Lagyan mo na din ng gulay ang plato nya dahil hindi kumakain ng gulay," dinig kong utos ni Matteo kay Mrs. Jane na ikinagulat ko.
Pati si Mrs. Jane ay halatang nagulat dahil hindi agad ito nakakilos para sandukan ng gulay ang plato ko.
"Ano kaya nakain ni Matteo ngayon at biglang nag-iba ang ihip ng hangin," tanong ko sa loob loob ko.