CHAPTER 25 "Sir tatlo palang po ang nakikita nila, wala pa po sa list si Miss Jewel. Patuloy parin po sila sa paghahanap! Sina Mae Reyes, Wengly Cruz and Ivan Garcia po ang tatlo. " tinig ng tauhan sa cellphone na hawak ni Mr.Rowel. Muling pinagsakluban ng langit at lupa ang ama ni Jewel sa narinig. "Ayon po sa kanila ay positive na kasama nila si Miss Jewel sir. Nailayo po nila sa gulo ang inyong anak sa Basilan. Ngunit positive din pong sibasco ang naging dahilan kung bakit sila nagkahiwalay hiwalay. Si Rex Cantos parin po ang huli nilang nakitang kasama nito ayon kay Miss Mae at ang nag ngangalang Makoy na umaalalay rin po sa anak ninyo. " Sa balitang ito ay nabigyan parin ng pag asa ang kanyang nararamdaman. Alam niyang hindi pababayaan ni Rex ang kanyang anak. Matapos mari

