CHAPTER 28 Alas sais na ng hapon ng unang nakauwe ang grupo ni Kim dala ang mangga nito na may alamang. Kasunod nito si Timothy na may dala naring singkamas at ipinasok niya sa chiller. Nadatnan nilang may tulog sa sala habang ang dalawang katulong ay nagluluto ng tahimik sa kusina. Ngumiti lamang ang mga katulong sa kanila bilang pagbati. Matapos ipasok sa loob ng chiller ang manggang binili rin nila Kim ay agad na silang pumasok sa kanilang kuwarto upang maligo. Ginising naman ni Timothy si Ethan at siya ang pumalit dito sa pwesto. Tuwang tuwa siya na nilalaro ang buhok nitong malambot at ang ilong nitong matangos. He really miss her wife na pinagsisisihan talaga niya kung bakit nakikiamot nalang siya ng atensyon nito. Naninikip ang dibdib niya sa tuwing naglalambingan sa harapa

