CHAPTER 19
Walang oras na inaksiya si Jewel. Gusto niyang laging nakadikit sa kanya ang asawa kahit ang totoo naman ay hindi lumalayo ito sa kanya. Hindi siya iniiwan nito.
Masaya sila ngayong naliligo at naglalaro.
Habang ang kanyang mga guard ay naka agwat sa kanila dahil bago pa man sila lumuwas ng palawan ay kinausap na niya ang mga ito. Ngunit nanatili parin silang alerto. Binigyan lamang siya ng silver bracelet kung saan ay may mini tracker itong nakaactivate kapag sinusuot at nag aalarm naman ang cellphone ni Kim kapag hinubad at nadideactivate.
Sa sampung kasama nilang nabunot ay walo ang mga single pa, kaya naman on the go ang mga ito sa lahat. Tatlong lalaking binata at pitong babae.
Sa larong ito, pumatong ang dalawang hita ni Jewel sa balikat ng asawa habang hawak ang bola. Gayun din ang tatlong dalaga sa tatlong binata. Labanan ito ng lakas sa ibabaw gamit ang bolang panulak.
Hindi nagkakalayo ang kanilang mga idad kaya nagkakasundo ang mga ito.
Tuwang tuwa si Jewel na makitang nagtatampisaw ang naitulak niya at bumubulusok ito sa tubig , ngunit ilang saglit lang ay napagkaisihan silang dalawa ni Timothy ng dalawang katunggali.
"Walang personalan toh sir at ma'am Jewel hehe! " wika ng isang dalaga.
"Humanda na po kayo" wika pa ng isa.
Napatawa si Jewel sa babala ng dalawa.
"Tim, kaya mo pa ba? " natatawang tanung nito.
"Oo naman sweetie.... Kayang kaya ko pang tumakbo!!! " sigaw nito.
Tawa naman ng tawa ang mga manunuod dahil nagkaroon nga ng habulan habang nasa tubig.
Dahil sa mahaba ang binti niya ay nakabwelo na ito at muling bumalik at humarap. Sinugod nila ang nasa unahan na nawalan ng depensa at panimbang. Nahulog ang dalaga.
Nagpalakpakan naman ang mga nanunuod na tela nag dagsa na at tuwang tuwa lalo na ang mga foreigners sa tabing dagat.
"If you win, both of you have addional five thousand guys. But if you loss, less natin yung bunos nyo ng same amount." sabay halakhak ni Jewel.
"Halahhh Hoi !!!! Si Maam ginanahan hala paktay!!!! Hey Jeffrey wag kang lalampa lampa diyan! Magpukos hukos ka sa 5k ha na idadagdag! Mapapasubo tayo nito! Hehehe" kabado nitong sigaw sa lalaking todo ngisi naman.
Siya si Ana, maliit na babae at isang office staff.
"Magtiwala ka sakin! Anu pat naging guard ako! Malakas toh madam Ana!!!" sigaw ng binata.
Nagtawanan naman ang mag asawa.
"Hey Tim, kapag natalo tayo di ka makakascore sakin! " Si Jewel namang binalingan ang asawa.
"Teyka Teyka sweetie it's just a game...! Hep! Hep! Wala muna! time freeze..... Wag muna kayong susugod..... Hey sweetie walang ganunan!! Three days honeymoon natin toh." si Timothy na di sumasang ayon sa naisipan ng asawa.
"True!!! mark my word. " seryosong sagot ni Jewel.
Napalunok si Timothy ngunit nakaisip ng kapilyuhan.
"Ganun? Sure payag ako but if we win, magdamagan tayo sweetie ha!? Gagawa tayo ng Jr. " tugon naman ni Timothy na pinamulahan ng pisnge ni Jewel.
Kinikilig naman ang dalagang katunggali nila.
"Sige, handa na kami. " wika ni Timothy.
Walang nagpapatalo. Talagang malakas at hindi nagagapi ang katunggali ng mag asawa, maging sila ay malakas rin.
Kitang kita ang saya sa mga mukha ng dalawang babae habang nagtutulakan ng bola at panay naman ang ngiwi ng dalawang lalaking bumubuhat sa kanila dahil sa alat ng tubig dagat na bumabangga sa katawan nila at tumatalsik sa kanilang mukha dagdag pa ang bigat ng mga ito.
Habang busy ang nasa itaas pasekreto namang kinausap ni Timothy ang kaharap na binata. At ng makuha ang mensahe ay bigla nalamang itong naoutbalance dahilan upang mahulog ang kapareha.
Tuwang tuwa naman si Jewel bagamat ang katunggali niya ay inaaway ang kasamang lalaki.
"Sabi mo malakas ka!!!! Kakaaduwa ka naman eh, Pera na, naging bato pa!!!! " mangiyak ngiyak nitong wika.
Tawa naman ng tawa si Jeffrey habang ang mag asawa ay may sarili ng mundo. Naghahalikan ng walang pakialam kung may nanunuod o wala.
Nagwawalk-out na ang dalaga ngunit hinabol ito ni Jeffrey at inakbayan.
"Wag ka ngang magalit! "
"Anung wag magalit eh natalo nga tayo, may pustaan kaya yun!!!! May paakbay akbay ka pang nalalaman! Sayang ang limang libo gago! Dagdag tuition ng kapatid ko yun!" bulyaw nito na pilit kumakawala sa braso ng binata.
"Sus ko Ana magpasalamat ka nga sakin at dumuble ang kwarta natin eh, 10k yun iha!!! Haha 15+10 wagehhhh!!!! " sagot naman ni Jeffrey.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ana sa narinig .
"Totoo!? papano eh talo nga tayo!? Di ka nagbibiro?? " muling tanung nito at naninigurado sa kanyang narinig.
"Oo nga! Mamaya ibibigay ni Sir! Date tayo ha hehe" panunukso nito sabay kindat na nalaman nito agad ang ibig sabihin.
Biglang sumigaw si Ana at napahalik sa pisnge ng binata na ikinagulat naman nito. Mabuti na lamang at salungat ang hangin kaya di masyadong marinig ang pinag uusapan nila at nasa pangpang na ang dalawa.
Ang mag asawa naman ay napagdesisyunan ng umahon na sa tubig. Nagsipag-alisan narin ang kanina ay mga nanunuod sa kanila.
Sa di kalayuan ay may nagseset up ng dinner table sa may wind shield. Ayon sa desk information ay magkakaroon ng firedance mamaya, performer at live band . Eat all you can buffet rin ito na tuwing gabi paiba iba ang venue kung saan gaganapin ang dinner.
Nang malaman ito ng sampung kasama nila ay naexcite nanaman ang mga ito na parang bata.
Kasama ng sampu ay sabay nilang pinanuod ang paglubog ng araw.... Nakahilira silang nakaupo sa may buhanginan. Habang ang mag asawa ay nakaupong magkayakap.
"I love you sweetheart....." bulong ni Timothy sa kanyang teynga.
Humarap ang mukha niya sa asawa at ngumiti. Sinakop ng dalawa niyang kamay ang mukha ng lalaki.
"Thank you for loving me Tim..... I will always cherish this moment with you. I - I love you too. " sabay patak ng luha niya.
Ito ang unang beses na narinig niya sa labi ni Jewel ang mga salitang iyon. Napansin din niyang may lungkot ang mga mata nitong pilit itinatago. Masaganang luha na animo'y nasasaktan ang kanyang puso.
Siniil niya ng halik ang kanyang asawa, bagamat ay natutuwa siyang malaman na mahal na siya ng kanyang asawa. Pagkatapos itong halikan ay niyakap niya ito ng mahigpit.
" I love you Tim and thank you at naging parte ka ng buhay ko. " muli niyang sambit na may ngiti na sa labi.
"Always remember that I love you more sweetie.... "
Matapos ang mahabang araw ang gabi naman ang magbibigay sa kanila ng kasiyahan.
Bumalik muna sila Timothy sa kanilang suit. Sabay silang naligo na humantong sa love making.
At ng matapos mag love making ay nagbihis ng simpleng walk-in short na kulay puti si Jewel kung saan ay lumitaw ang mapuputing bilog na hita at simpleng tube naman na white na mabalahibo. At binagayan nalamang niya ito ng puting scarf na mabalahibo at elegante upang takpan ang labas niyang balikat.
Si Timothy naman ay nagbihis ng white polo shirt at white beach pajamas.
Sabay silang bumaba ng villa patungo sa dalampasigan. Sila nalang ang wala sa kanilang mahabang table na pinareserve.
Nagsimula na ang acoustic band. Marami siyang nakain dahil sa seafood na nakahain malapit sa kanilang table lalo na ang lobster na tagalang hindi niya nilubayan.
Nagsayaw rin ang mag asawa ng sweet sa gitna na sinundan ng mga couple.
Pigil hininga rin silang nanuod ng short play ng firedance. Maya maya ay nagperform ang grupo ng kalalakihan ng machete dance na ikinainganyo ng manunuod.
At ng matapos ay isang grupo naman ang pumasok at free dance ito para sa mga guest kung saan pipili ang hotel ng magiging queen tahiti dance of the night . Ang sayaw na Ori tahiti dance na ginagamitan ng mga musikang mabilis ang tiyempo. Mayroon ding props na nakahanda sa mga nais sumali.
Nakipagparticipate si Jewel at hinila niya si Ana na pinakabibo sa lahat.
"Hey girls come and join us. Don't just seat down there. Enjoy every single of time here. " Aya nito sa iba pa.
"All of you deserve it. Isa pa may prize po ito. Lets go. "
Dahil sa hiya ay walang nagawa ang anim pang kababaihan. Kahit si Jenly ay tumayo na. Sinuutan sila ng saya na yari sa tassel na kumikinang at nagrereflex sa ilaw.
Marami pang mga guest ang nakipagparticipate. Nang simulan ang tugtugin ay kanya kanyang indayog ng mga puwit sa pagkimbot.
Panay naman ang palakpakan ng mga kalalakihan at mga manunuod. Nagseselect na ang taong nakaassign upang matira sa entablado.
Kasama si Jenly, Ana at Jewel sa limang mahuhusay sumayaw. Sa bawat pag-iba ng tyempo ng musika ay sabay sabay na nababagayan ng tatlo ang pagpapalit ng musika hanggang silang tatlo nalang ang natitira.
Labis na napahanga si Timothy sa ganda ng katawan ng kanyang asawa. Ang bawat indayog niya ay nagpapainit ng kanyang katawan. Ang tanging tao sa kanyang mata ay nakalaan lamang sa babaeng pinakamamahal niya. Ang puwit ng kanyang asawa na nakakagigil pagmasdan.
Napansin niyang bumaba si Jewel sa entablado at sinalubong niya ito. Agad niyang ipinangko ang asawa sa kanyang bisig at inalis sa karamihan.
Dalawa na lamang ang natitira sa entablado. Si Jenly at Ana. Nawala sa concentration ang pagsayaw ng dalaga ng si Jenly ng makita niyang bumaba si Jewel at sinalubong ng asawa. Kusang tumigil na ang kanyang katawan sa pag indayog.
Kaya naman nakuha ni Ana ang titulo ng gabing iyon na ikinahiyaw ni Jeffrey.
Si Jeffrey na nahuhulog na sa maliit na babaeng si Ana. Tuwang tuwa naman si Ana na ang consolation prize pala nito ay umabot ng fifty six thousand pesos mula sa mga foreigners na nag sponsor mismo nung gabing iyon. Nakatanggap din siya ng trophy na may malaking big shell at nakaukit ang pangalan ng hotel na kanilang tinutuluyan.
Napag alaman ng grupo na ang hotel na kanilang tinutuluyan ay isa sa pinaka famous at expensive accomodation dito sa Palawan.
May dalawangpung villa sa loob ng resort. Ito pala ang may pinakamalawak na lupain sa Palawan. Nakakalulang bawat per night ay halagang isang milyon ang pinakamagandang villa at five hundred thousand naman ang pinakamaliit na halaga para sa overnight.
Kompleto ang activities sa loob. Jetski, banana bike, zip line, activities for island hoping, may golf course,atv sport, river boating at kung anu anu pa.
Ilan sa sampu ay talagang eninjoy ang gabi. May mga ilang sumali sa ibang grupo ng mga foreigner at nakipag kaibigan. Hindi lang pala basta guest ang mga ito dahil ang tao palang kanilang nakakasalamuha ay mga kilala sa kanilang bansa sa larangan ng negosyo.
Natapos ang nakakapagod at napakasayang magdamag lalo na sa mag asawang Timothy at Jewel.
Kinabukasan ay sumakay sila ng yacht o yati. Magkakaroon sila ng whaling viewing, kasabay nito iikutin nila ang isla. Ang island hoping na kasabay ang pag hehelmit diving upang magpakain ng mga makukulay na isda.
Buong araw silang naamaze sa ganda ng palawan lalo na ginawa nila ang scuba diving. Namangka rin sila at naligo sa mababang area ng tubig. Buhay na buhay ang kanilang dugo sa kasiyahan.
Kinagabihan matapos ang buffet sa pool area ang mag asawa ay humiwalay na sa grupo. Tinungo nila ang kanilang kuwarto. Matapos ang gabing muling pinagsaluhan ng mga ungol ay natulog na ang mga ito dahil sa pagod.
Ala una ng gabi ng marinig ni Jewel na bumukas ang kanilang pintuan. Hindi niya mahagilap sa kama ang kanyang asawa. Agad itong nagbangon at nagsuot ng pajama at shirt at pinatungan pa niya ng roba.
Inalis niya ang bracelet na suot niya ng sumabit ito sa robang suot. Nagsuot ng step in at lumabas siya ng pinto kung saan lumabas ang kanyang asawa.
Habang naglalakad ay narinig niyang may nag uusap sa may beranda. Dahan dahan siyang lumapit dito at sinilip ang mga ito. Nakadim ang area kung nasaan sila at gayun din kung nasaan siya.
Nakita niya ang piruga ng babae, hindi siya nagkakamali. Ito si Jenly at kasama niya si Timothy ang kanyang asawa.... habang kaharap sa cellphone ng dalaga at may kausap sa cellphone. Naka online video chatting ang mga ito at kausap ang batang nakita niya sa hospital. Halos nabibinge na siya sa emosyon nararamdaman. Handa na siyang mawala sa kanya si Timothy ngunit hindi niya inaasahan ang mga ito.
Nakita niyang hinalikan ni Timothy ang babae sa pisngi. Napaatras ni Jenly at kitang kita ng mga mata niyang nakikipaghalikan na ang kanyang asawa.... laglag ang balikat na nagmamadali siyang bumalik sa kwarto. Kinuha niya ang isang brown envelop na ibinigay sa kanya ni Kim nung araw bago sila umalis. May isa pang black envelop doon na di pa niya nabubuksan.
Agad niya itong binuksan at sinilip ang laman nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata ay napatutop ang kanang kamay sa kanyang bibig ng makita ang mga larawan. Si Jenly pala ang ina ng batang may sakit na kasama si Timothy at ang batang tuwang tuwa sa larawan. A happy family. Dinudurog ang kanyang puso.
Muli siyang lumabas ng kwarto. Tinahak niya ang elevator. Gusto niyang umiyak at humanap ng area kung saan siya puwedeng sumigaw at umiyak ng walang nakakarinig.
Nagtatakbo siya ng walang humpay, walang naririnig, walang patutunguhan. Ang ginagamitan ng shuttle palabas ng main gate ay nagawa lamang niyang takbuhin. Laglag ang mga balikat habang umiiyak.
"Open the gate! " utos niya sa guard na naka duty.
"Ma'am delikado na po sa labas." sagot ng guard.
"Open the gate!!!!! Or else I fired you!!! " galit na galit nitong sigaw.
Nagmamadli namang sumunod ang guard dahil alam niyang apo ito ng mag ari ng hotel.
Tumatakbo namang lumabas si Jewel ng walang direksiyon.
Agad namang nagradyo ito sa kasamahan. Nakita rin ng guard ang limang kalalakihang tumatakbo papunta sa maingate matapos bumaba ng shuttle.
"Where is she!? Where is that young woman!? Si Jewel!?" humihingal na tanung ni Kim.
"Lumabas po sir! Galit na galit po eh kaya sumunod po ako sa gusto niyang mangyari" agad na tugon ng guard.
"s**t! " sabay takbo ng limang lalaki.
"Tang-*na! Hindi ko alam na runner pala alaga natin!" Sigaw ni Drey na nauna ng tumakbo.
****
Flashback...
Si Kim ay agad na bumalikwas ng bangon ng marinig niya ang pag alarm ng kanyang phone. Ito ang ringtone na nadeactivate ang mini tracker na suot ng kanyang alaga.
Pumasok muna siya ng CR at makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Naisip niyang baka kumalas lamang sa pulsuhan ng dalaga ang bracelet at wala ng nasalat na init ang sensor nito. Matapos mag CR ay bumalik ito sa kanyang higaan at muling matutulog ngunit hindi siya mapakali. Lumipas pa ang mga minuto na bumabalikwas na siya sa higaan.
Alauna emedya na ng gabi at halos trenta minuto na ang nakaraan ng mag deactivate ang mini tracker. Nagpasya na siyang bumangon at silipin ang kwarto ng mag asawa.
Nakita niyang nasa beranda si Mr. Green at inakala niyang si Jewel ang kausap nito ngunit ibang boses ang kanyang narinig. Agad siyang tumakbo sa beranda upang silipin at siguraduhin.
At ng makita niyang hindi si Jewel kundi si Jenly ang naroon na kasama ni Timothy.....
"What the f**k! " sigaw niya at tumingin ng matalas sa dalawa.
Agad siyang bumalik sa kwarto ng mag asawa at binuksan ang pinto na hindi naman nakalock.
Hinalugad ni Kim ang kwarto at wala roon ang kanyang alaga at nakita nito ang traker sa mini table. Ganun din ang brown envelop na agad niyang kinuha. Napansin din niyang ang black envelop at mga larawang kumalat.
"s**t!!! " sigaw ni Kim.
Gulat na gulat si Timothy at hindi agad nakasunod kay Kim habang natulala naman ang dalagang ina na si Jenly.
At ng mahimasmasan ay nakita niyang lumabas ng kwarto nila ang lalaki na nagmamadali.
Agad na tumakbo si Kim sa kwarto nila at ginising ang mga kasamahan. Ipinatong niya ang brown envelop sa maleta niya. Alerto naman ang mga ito at kinuha ang kani kanilang mga baril at inilagay sa beywang.
Si Timothy naman ay pumasok sa pintuang iniwang nakabukas ni Kim. Ito ang kwarto nila ni Jewel. Nakaramdam siya ng kabog ngayon ng dibdib. Hinahanap niya si Jewel sa bawat sulok ng kwarto. Walang Jewel kundi ang mga picture na kumalat.
Nanginginig ang kanyang mga kamay ni pinulot niya ito at nakita niya ang mga kuha sa hospital. Nanlalambot siyang napaupo sa sahig. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa posisyong iyon.
Napahagulhol siya sabay pasok naman ni Jenly sa loob ng kwarto upang yakapin si Timothy.
Tinulak naman niya ang babae .
"Stay away from me! " matigas niyang utos.
"Ty please kami nalang ulit..... " pagmamakaawa ni Jenly.
"No..... no...... oh my I hurt her, I hurt her..... f**k! " sigaw niya.
Muli siyang naalarma sa kanyang narinig na sunod sunod na putukan.
"Jewel.....! " si Timothy.
****
Patakbong tinahak nila Drey ang main gate palabas. Kasunod niyang tumakbo si Ethan at si Alan na sinundan ni Felix. Si Kim naman ay humahabol narin sa kanila dahil ito mismo ang nagtanong sa guard.
Narinig nila ang radyo ng guard na ito kanina sa kanilang duty guard na kung saan sila nakastay. Kaya maingate ang agad nilang itinahak sakay ng shuttle.
Kitang kita na ni Drey si Jewel na naglalakad na lamang ngunit may itim na uv van ang huminto at hinugot nalamang ang kanilang alaga na si Jewel papasok sa loob ng sasakyan.
Agad na hinugot ni Drey ang baril at pinaputukan ang sasakyan. Ganun din ang mga kasamahan nito at mabilis ng tinahak ang papalayong van.
Nagpapalitan na ng putok na hindi malaman kung saan nanggagaling at bigla nalamang pumalakda si Drey na tinamaan sa ulo at sa balikat gayun din si Ethan sa dibdib na sumunod na natumba.
"Sniper! " sigaw ni Kim na siya na mismo ay tinamaan narin sa dibdib at sa tiyan.
Si Felix ay nakita narin niyang nakahandusay sa kalsada at duguan ganun din si Felix na hindi na gumagalaw.
"Jewel..... " ang huling salita na lumabas sa kanyang labi bago tuluyan itong nawalan ng malay.
Agad na lumabas ng gate ang guard na nakaduty. Tumakbo ito palapit sa duguang si Kim at agarang humingi ng saklolo.
Agad na dumating ang mga kasamahang guwardiya at kanya kanya ng humingi ng saklolo. Maya maya pa ay dumating ang ambulance at isinakay ang limang duguan at wala ng malay. Agad silang dinala sa malapit na hospital.
****
Si Jewel ay nakarinig pa ng putukan bago siya nawalan ng malay. Ang alam niya'y bigla siyang hinugot at may pinaamoy na masangsang sabay takip sa kanyang ulo na itim na tela.
Ang nararamdaman niyang sama ng loob kanina ay kasabay rin na nawala ng siya ay mawalan ng ulirat.
At ang tanging naibulong malamang niya ay ang pangalan ng kanyang kuya Rex.