‘The Notebook’ “Kazu, according to the card game rules. Hindi ka pwedeng maging close sa joker. So, beat it!” Sinamaan lang ng titig ni Xia si Art. Habang si Art naman ay hinihila na ni Mike palabas. Nag-aalinlangan namang umalis si Kazu kaya tumingin na si Xia sa kanya. “Go. Mag-usap nalang tayo sa bahay. The game of cards only exists inside the school anyway.” Ngumiti nalang ng pilit si Kazu at umalis na. Iniisip pa ni Xia kung pupunta ba siya sa canteen o hindi? Nilibot ni Xia ang paningin niya sa buong classroom pero hindi para siya nag-iisa dito. Nakita niya si Harvin na natutulog at parang walang pakialam sa paligid. Xia just hissed and walk out of the classroom. Habang naglalakad siya ay nakayoko lang siya at pilit inaalis sa isipan niya ang mga bulong-bulongang naririnig niya

