‘Easy’ XIA It’s Xia the joker day two. Sinipa ko ang trash can dito sa hallway bago ako pumasok sa classroom ko. Hindi ka magiging malambot, Xia. You’re as strong as metal. Strong as metal na late comer. Nandito na kasi ‘yung adviser namin pero wala naman ‘tong pakialam sa late comers. Pumasok nalang ako at lumapit kaagad ako kay Kazu. “Hey, Kaz—” “Get the hell away from me.” Natigilan agad ako dahil sa sinabi niya. Baka naman ginagampanan lang niya ang pagiging Jack niya. Well Xia, gampanan mo na rin ang pagiging joker mo. Umupo nalang ako sa upuan ko at napansin kong may nakatingin sa akin kaya tumingin ako sa direksiyon na ‘yun. ‘Yung Art na ‘yun. Inirapan ko nalang siya at umub-ub sa mesa ko. “Attention teachers. A meeting is requested by the principal. Please pro

