Chapter 7

1004 Words
You hide them so well but they appear when you smile Where do they come from Don't lie, you are an angel Wala sa sariling napatingin ako papunta sa direksyon kung saan alam kong nakaupo ang aking manager pagkatapos kong maramdaman na tila ba mayroong nanunuod sa akin. Hindi nga ako nagkamali. Siya iyong nanunuod sa akin. "Hmm. Gandang-ganda ka na naman ba sa alaga mo?" pabirong sabi ko rito. Manager Herrone playfully rolls her eyes to me. I smiled a little. Kung bakit ko ba naisip na mayroon pang ibang magmamasid sa akin e kaming dalawa lang naman ang nandito sa dressing room habang inaayusan ako. I closed my eyes. Lalagyan na kasi ng swarovski iyong taas ng eyelids ko. "Why?" I could not help but ask. Palapad kasi nang palapad ang mga ngiti na sumasabog sa labi niya. Naku-curious ako at gusto kong malaman kung para saan ba ang mga ngiting iyon. Isa sa maraming bagay na namaster ko na dahil sa trabaho kong ito ay ang mag-stay still at magpaka-estatwa para hindi mahirapan ang mga make-up artist habang pasimple akong nakikipag-chikahan sa mga tao sa paligid ko. Umiling siya sa akin sabay ngumiti na naman, "You're slowly becoming their fan," she commented. And I couldn't agree more. Hindi na ako magugulat pa sa aking sarili kung isang araw ay magpapabili ako sa kaniya ng lightstick ng DNI. Alam niya kung ano ang kinakanta ko. May posibilidad na baka fan din siya ng grupo at sa totoo lang. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobra akong natutuwa sa idea na mayroon akong kaharap na maaring masugid din na tagahanga ng DNI. "Don't you like their music too? The beat is sick, the choreography, wala kang mapipintas, iyong rapper---the lyricism of their song. God they are a chart topping monster in the making," I said. Habang sinasabi ko ang mga iyon ay inaabot naman ng kamay ko ang aking hydroflask. The make-up artist that's now working on adding shimmers on my cheekbones open the flask for me. "Thank you," I mouthed to her. Gamit ang tubig ay binasa ko nang kaonti ang aking lalamunan. If ever Manager Herrone wants to discuss and talk about DNI and the bright future they have ahead of them. I could spare her my remaining just before this photoshoot starts. "I like their song, but do you think they'll manage to cement their success in the industry? Tingin mo ba ay hindi sila tulad ng ibang boyband?" Nangunot ang aking noo dala nang pagtataka. Tapos na rin naman kasi akong ayusan ngayon kaya mayroon na akong karapatan na maglikot. Pumihit ako paharap kay Manager Herrone, "What do you mean na hindi matutulad sa ibang boyband? Ano ba ang nangyari sa ibang boyband?" I had to ask. Isa ako sa mga tao na nasa loob ng show business ngunit tila ba walang pakialam sa show business. Basta matapos ko na ang aking trabaho ay mananahimik na ako sa isang sulok at magpapahinga. I don't really like to associate myself with people in the show business nor be updated with what is going on with their life. Kung sakali ngang magdire-diretso ang paghanga kong ito sa banda. Sila ang unang-unang boyband na hahangaan ko matapos ang maikling fangirl phase ko nung 2000 something para sa F4, lalong-lalo na kay Hua Zi Lei, oo nga at si Dao Ming Si ang bida sa palabas non but before the word red flag existed and before I found out that there is word such as red flag, I already know that Dao Ming Si is a walking red flag. "Like other boyband. They come and they go. Biglang sisikat tapos mawawala rin naman agad. Mawawala and then hindi na natin mababalitaan kung ano na ang nangyari sa kanila hanggang sa mabalitaan na lang nating lahat na sangkot na pala sila sa isang eskandalo," anito. Nalukot ang buong mukha ko dahil doon. Paano ba naman kasi ay parang napaka-harsh at judgemental ng mga word na iyon ni Manager para sa DNI. Though, madalas nga na ganoon ang nangyayari sa iba. May kung ano akong pinanghuhugutan nang pananalig na hindi iyon mangyayari sa DNI. There is no way they will disappoint their fans. "They won't end up like that," may diin sa bawat salitang sinabi ko kay Manager Herrone. "At paano mo naman nasabi?" maagap na sansala niya sa aking sinabing iyon. I shrug my shoulder. Hindi ko rin alam kung paano ko ba nasasabi ang mga bagay na ito pero kasi. Sure talaga ako na hindi mangyayari ang bagay na sinabi niya tungkol sa DNI. I am not a fortune teller but I swear, they will have a bright future ahead of them. I can see that they have burning passion at hindi lang basta passion ang mayroon sila. They are hard-working too. Everyone will soon be whip of their charms. Pito ang member ng DNI. One can have their favorite, the so called bias pero puwedeng-puwede rin naman na hindi na mamili pa at diretsong maging fan na nilang pito. The same song that I'm listening too. Nagpi-play rin iyon sa mismong studio kung saan naka-set up iyong photoshoot. Wala pa iyong photographer para sa shoot na ito kaya sigurado ako na isa sa dalawang staff na nandito ang nagpapatugtog. "Maingay po ba? Papatayin ko na lang," saad ng babaeng staff sa mababang boses. I was about to shake my head and tell them to let the music on pero hindi ko na ito naawat pa nang patayin niya na nga ang music na nagpi-play sa kaniyang music. "Are you their fan too?" Mula sa kaniyang dibdib ay lumipat sa mga mata ng babae ang puso nito. Mas mabilis pa sa pagkisap mata na tumango siya sa akin. "Sobra-sobrang fan po nila ako. Mayroon nga silang fanmeeting mamayang hapon na pupuntahan ko kaya medyo nagdadasal na ako na sana ay maagang matapos itong shoot." In that case, dalawa na kaming nagdadasal na dalawa para sa magkaparehong bagay. Gusto kong puntahan ang fan-meeting na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD