Alexandro’s POV Dumating ang kinatatakutang araw—hindi para sa akin, kundi para kay Athena. Ang hindi niya alam, ang pagpanggap niyang girlfriend ko ay isang hakbang na palapit sa mas malalim na bitag. Once she steps inside my world, there’s no way out. Nakaayos na ako sa isang mamahaling itim na suit, pero hindi masyadong pormal para hindi mahalata ni Athena na mayaman ako. Nakangisi akong nakasandal sa sasakyan habang hinihintay siyang lumabas ng bahay niya. Ilang minuto pa, lumabas siya suot ang isang simpleng puting bestida. Napalunok ako. Damn, she looked so effortlessly beautiful. "Kailangan ba talagang pumunta?" tanong niya habang lumapit. Ngumisi ako. "Ayan ka na naman, Athena. Gusto mong iwanan ako sa tiyak na kapahamakan?" Umirap siya. "Fine. Let’s get this over with

