ANDANA POV Tanghali na ako ng magising kinabukasan. Wala na rin si Levian sa tabi ko dahil pumasok na ito sa trabaho tanging note lang sa table namin ang naiwan. Naligo na ako bago bumaba . Naglakad lakad ako sa labas ng bahay para maarawan. Wala si Manang at Delyn dahil nag gogrocery sila . Ang mga guard lang ang kasama ko. Naupo ako sa swing malapit lang sa garden. Mahina kung dinuyan iyon. Pinikit ko ang mga mata ko para langhapin ang maaliwalas na hangin sa paligid. Parang may sariling isip ang mga paa ko at naglakad papunta sa isang kwarto. Simula ng dumating ako dito ay hindi pa ako nakakapasok dito. Sa pagkakaalam ko rin ay tambakan ito ng mga gamit. Tumunog ang seradura ng buksan ko ang pinto. Malinis at maayos ang silid. Iba't ibang desenyo rin ang nakalagay. May mga sofa.

